Chapter 14

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Nagising na lamang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Tinignan ko ang labas ng bintana, mukhang magdidilim na. Chineck ko na din ang relo ko at nakitang pasado ala sinko na pala ng hapon. Wala na akong maalala after ng makasakay kami sa sasakyan nina ate Karina. 

 

Ang huling imahe na nakita ko ay ang harap ng passenger seat dahil sa likod ako nakaupo. Pinasandal pa nga ako ni ate sa balikat niya. 

 

Naupo ako sa kama at ginala ang tingin sa paligid. Akala ko ako lang magisa, kaso biglang bumukas ang pinto ng banyo. Niluwa nito ang fresh na fresh na si ate Karina. 

 

"Oh you're awake na pala. Nagugutom ka ba? Let's go eat sa baba." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya rin ang noo ko. 

 

"You don't have a fever na. Kamusta pakiramdam mo?" Ang lambing ng pagkakasabi ni ate. Pakiramdam ko tuloy nanghihina ako lalo. 

 

Nilagnat pala ako pagdating dito. Wala kasi akong maalala masyado pero wala na namang masakit sa akin. Aside siguro sa medyo light headed o masakit ang ulo kakatulog ng matagal. 

 

"Okay na ako ate." 

 

"That's great, kaya mo bang tumayo? I asked manang na maghanda ng food. You need to eat para makainom ka ng gamot. Baka bumalik pa lagnat mo baby." Lalagnatin nga yata ako sa sobrang maalaga mo ate. Gusto na lang magpaalaga buong araw.

 

"Kaya ko naman." 

 

Umalis ako sa kama at tumayo. Kaso, hindi ko naman ineexpect na mahihilo ako bigla. Buti at agad niya akong nahawakan.

 

"Dito ka nalang. Ako na magdadala sa food mo." Pinaupo niya ako ulit. 

 

"Ate nakakahiya—"

 

"Stop. I brought you here para alagaan ka, so expect me to do that." Tumayo siya at nilagay yung isa pang unan sa may headboard. Tsaka niya ako pinausog at pinasandal dito. Mas bagay sa kanya nurse. Swerte ng magiging jowa niya.

 

"Now, wait here okay?" Hinawakan niya ang pisngi ko, sabay hinahaplos gamit ang thumb niya. Ako na hindi sanay ay medyo nagulat at bahagyang lumayo.

 

"O-okay po." Nautal pa.

 

"Cute. I'll be back in a minute." Natuwa pa siya sa pamumula ko. Ate wag ka nga!

 

Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto at sinara ang pinto. Dahil wala naman akong magawa, inabot ko yung keychain na nasa side table. Wala 'yong phone ko, for sure nasira dahil nalubog nga sa tubig kanina. 

 

"Muntik pa akong malunod dahil sa'yo." Nasabi ko sa keychain. Pagkakamalan na siguro akong baliw ng kung sino mang makakakita sa akin ngayon. 

 

Biglang bumukas ang pinto. Akala ko si ate kaso hindi pala. Si ate Irene lang naman ang pumasok. May dala siyang isang baso ng tubig.

 

"Hey, kamusta na pakiramdam mo?" Naupo siya sa tabing upuan na nasa gilid lang ng kama. Magaan lang ang ngiti ni Dean.

 

Oo nga pala, natural na andito din siya dahil magkapatid sila ni ate Karina.

 

"Okay na po ako Dean." 

 

"Wala tayo sa campus Winter. Just call me ate here." Luh, parang ang awkward naman. Hindi ako sanay no. 

 

"So bakit ka po nandito... ate?" Mhie ang weird talaga sa dila.

 

"Just to check on you. Close na talaga kayo ni Karina no?" Si Dean pa as if pa eh chismis lang pala ang gusto.

 

"Siguro? Parang ganun na nga po." Inabot niya sa akin yung tubig na dala niya. Sakto at nauuhaw na rin ako. Umiinom ako ng tubig ng bigla siyang magtanong.

 

"Gusto mo siya?" 

 

Naibuga ko yung tubig sabay ubo. Aba'y di pala sa lunod ako matutuluyan, kay Dean Irene pala.

 

"P-po?" Pinupunasan ko ang bibig ko.

 

"I won't judge. I actually like you more than her ex para sa kanya." Napapatulala na lamang ako sa pinagsasabi niya. Alam niya ba? 

 

"I know you're gay Winter." nababasa niya ba iniisip ko!?

 

"Halata sa mukha mo." Tawa niya pa.

 

"Dean— I mean ate, paano mo nalaman?"

 

"Ramdam ko ang lukso ng dugo sa'yo. Seulgi even agreed." Natameme na ako sa kinalalagyan ko. So all this time kaya niya ako favorite ay dahil alam niyang closet gay ako. 

 

"Don't worry, I won't tell a soul. Just answer this." Kinabahan naman ako sa pa Q and A ni madam. 

 

"Ano po?"

 

"Do you like my sister?" 'Yong tono ni Dean parang nagbibigay ng ultimatum eh.

 

Ano bang isasagot ko diyan? Opo, crush na crush ko po ang kapatid mo. May pagnanasa po ako sa kanya. Kinikilig din po ako sa sweet gestures niya. Masarap maging baby ni Karina. Ganern? Pero ayaw ko naman magsinungaling. 

 

"Yes po, gusto ko si Karina." Kala mo talaga nanghihinge ng abiso manligaw yung pagkakasagot. Pero ito yata ang unang beses na inamin ko sa sariling gusto ko na siya. Not just crush pero I like her. , I'm doomed.

 

"That's good." Nakangiti lang si Dean sa akin. Akala ko pa naman may follow up question gaya ng bakit ko gusto ang kapatid niya, bakit si Karina, o 'heto one million, layuan mo ang kapatid ko!' mga ganung scenario.

 

"Good?"

 

"Yeah, I approve you for her." Ako naman ngayon ang natawa. Napataas tuloy ang kilay niya. Sorry naman po.

 

"Ate hindi naman ako gusto ni ate Karina in that way po." Tho may kutob ako na may chance nga.

 

"She does." Insist niya agad. Wow talaga.

 

"Ate desisyon ka." 

 

"Seventy percent sure akong gusto ka rin niya." At nagbigay pa ng numero. 

 

"Bakit seventy lang?" 

 

"She's not aware okay, or maybe she does. But I know she knows na sobrang importante ka sa kanya. Hindi magiging ganun ka aligaga ang kapatid ko kung hindi ka niya gusto." Sa ate na 'to mismo galing. Siguro naman hindi ko na kailangan pang magduda. 

 

"Anong gagawin ko?" 

 

"Para marealize niya?" Tumango ako bilang sagot. "Don't do anything. Just be yourself Win. She'll realize it sooner or later. Hindi naman tanga si Karina." Ay diyan ako duda. 

 

Magtatanong pa sana ako ng bumukas ulit ang pinto at this time, si ate Karina na ang pumasok dala ang tray ng pagkain.

 

"Andito ka pala ate." 

 

"Kinakamusta ko lang ang pasyente mo." Sabay kurot sa pisngi ko. Aray ko ah. 

 

"Ate mashakit." Reklamo ko at tinanggal ang kamay niya. Tumawa lang siya at tumayo papuntang pinto. 

 

"Rest well, Winter. Nga pala sis, sabi ni dad ay maaga silang babalik ni mommy. You'll be the one driving the montero." 

 

"Kanino ka sasabay?" 

 

"I'll be with Seulgi." Sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹