Chapter 3

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Pangilang buntong hininga ko na ba 'to ngayong araw? Parang mauubos ko na yung hangin ko kakatiis. Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko masyadong nagagalaw ang hita at mga muscles ko dahil sa sunod-sunod na praktis namin after class. Sa tuwing aakyat ng hagdan ay para kaming mamamatay ni Ning. Alam niyo yung sloth kung gamalaw? Ganun talaga sitwasyon namin ngayon. Mas iintense pa nga siguro to dahil last week na next week.

 

"Para kayong matandang gurang kung maglakad." Pinagtatawanan lang kami nina Jungwon sa kaitsuraan namin. Bwisit kasing biology class to at nasa third floor pa. 

 

"Nga pala may praktis ulit kayo mamaya?" Si Ethan na ang nagdala ng mga gamit namin. Ayaw ni bakla magpakagentleman. Naka kapit din ako sa braso ni Ethan dahil feel ko talaga binugbog ako. Si Ning naman kay Juju kumapit. 

 

"Oo, baka hanggang ten pm kami mamaya." Sagot ko. Tumango naman siya.

 

"Bakit mo na tanong? Wala kayong praktis?" Tanong ni Ning at naupo sa sahig. Sa wakas at andito na kami. Pwedeng tumalon na lang mamaya paguuwi? 

 

"Meron pero mukhang busy tayong lahat. May ipapakilala sana ako sa inyo." Pansin ko ang kabadong nahihiya na ekspresyon ni Ethan. Kilala ko to eh, nangyayari lang yan kapag may nagugustohan siya.

 

Nagkatinginan kami ni Ning at sabay napangiti. "Ipapakilala mo nililigawan mo no?" Asar ko sa kanya. Tumawa ang loko at hindi nagdeny. Sabi na may pinopormahan 'to. Kaya pala may something iba sa kanya. Sa term pa namin ay 'glowing' siya these past few weeks. 

 

"Sino yan kapatid? Share mo naman." For sure masmatanda sa kanya. Trip niya kasi sugar mommy. Kahit ako ayaw ng mas bata sa'kin. Sarap kaya sa feeling babyhin.

 

"Actually nakikita niyo siya usually na pumupunta dito." 

 

What?

 

Napatigil ako sa sinabi niya. The only college student na palaging pumupunta dito ay si ate crush. Don't tell me...

 

Magtatanong pa sana ako nung magbell na. Ang galing talaga bumara ni tadhana. Hindi ko na natuloy dahil hinila na niya ako papasok sa room. Mamaya ko nalang siya kakausapin.

 

 

 

 

 

 

 

...

 

 

 

 

 

Update!

 

 

 

Nagpatuloy ang araw na hindi ko na ulit nakausap si Ethan tungkol sa girl niya. Sabi niya lang ay ipapakilala niya sa amin si ateng nagugustuhan niya during intrams dahil manonood daw ito sa laro nila. Hindi naman siguro si ate Karina ang ibig niyang sabihin? Kasi ang sabi ni Ning may jowa si ate crush. Single si Hee as far as I know. Alangan namang maglihim siya sa amin. 

 

Pero if any chance na same girl ang crush namin, siguro magpaparaya na lamang ako... eme lang. Wala naman sigurong masama kung pareho kami ng gusto. Kaso iba kasi ang type ni Ethan sa babae. He likes princessy girls like barbie daw. Gusto niya yung maattitude din para masarap asarin. Dinala pa pagiging bully niya sa future relationship. But one thing for sure, Ethan is a gentleman. I know na aalagaan niya kung sino man ang magiging girlfriend niya. 

 

Days passed at hindi ko na din naman inungkat yung tungkol sa gusto niya. Naging busy kasi kaming lahat. It didn't help na ginawa akong handler ni Dean Irene for women's volleyball. Ano namang alam ko dun diba? Ako daw muna ang magaalaga during intrams dahil lahat ng officers ay may sarili ding ginagawa. Tatanggi parin sana ako kaso she bribe me with something I can't reject. Ticket sa concert ni Taylor Swift next year. Edi go si ako, walang isang segundo at pumayag agad.

 

"Win, kaunti na lang at iisipin ko na baliw ka. Para kang tanga na malulungkot tapos ngingiti bigla diyan." Kasama ko nga pala si Juju dahil busy si Ning sa lunch date niya with kuya Mark. Si Ethan naman ay andun sa nililigawan. Edi sila na diba.

 

"Juju, nakita mo na ba ang nililigawan ni Ethan?" Kami lang naman ang nandito kaya paguusapan namin ang mga wala ngayon. Inuna date nila eh. 

 

"Hindi, pero may nakwento siya na kaya siya nagdala ng car today dahil hindi niya pwedeng iangkas ang dalawa niyang kasama." Sabay subo ng siomai at chili garlic. Ang baho ng hininga mo Ju. For sure di to lapitin ng aswang, lakas pumapak ng garlic sauce tapos minsan kapag kumakain kami ng mangga parang mas marami pa yung bagoong o asin sa kanya. Nangangamoy fishy tuloy ang baliw.

 

Back sa sinabi niya nga.

 

"Bakit dalawa? Pinagsasabay niya?" Natawa siya sa tanong ko.

 

"Anong akala mo sa kaibigan natin, two timer? Hindi no. Bestfriend ng nililigawan niya ang laging sinasama ni ate girl. Sabi niya nga mas nakakausap niya pa ng maayos yung bff kesa sa nililigawan. Hindi tuloy makaporma si Ethan ng all out dahil nahihiya din siya sa bestfriend." Bago sa akin to ah. Si Heeseung Ethan Lee ay na pupush back, how's that naman.

 

"Talaga? Bakit ayaw ni girl na sila lang?" Invested ako kaya di ko namamalayan na nauubos ko na yung fries ko.

 

"Ewan ko din. Baka nahihiya sa kanya? Pero ma attitude kasi si girl tapos pa hard to get. Mostly sinusungitan siya, though supportive naman at pumupunta sa praktis nila." Ganun ba yun. Parang ginawang chaperone si bff between them. May term to sa anime, I think Tsundere yata.

 

"Anong plano ni Heeseung pagnagkataon na ganun parin?" 

 

"Gusto niyang masolo si girl sa isang date. Tatanungin niya daw during intrams. Kung hindi papayag, kailangan niya magisip ng ibang paraan." Knowing our friend, mataas naman pasensya nun. 

 

"Ilang weeks na nga sila magkakilala?" 

 

"Almost two months I guess?" Ohh medyo matagal-tagal na rin pala tapos di pa kaya ni girl makipa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹