Chapter 16

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Sa akin kaya?" Bulong ko. 

 

Dahan-dahan siyang lumingon at halos magdikit na ang mga mukha namin sa lapit nito. Sinalubong ko siya ng ngiti. Hindi man lang siya nagulat o umatras, sa halip ay ngumiti siya pabalik habang diretso parin ang tingin sa akin. Ako lang ba ang nakakaramdam ng kalabog sa dibdib, parang lalabas na 'yung puso ko. 

 

"Hey baby."

 

Ugh heto nanaman tayo sa kilig na dulot niya. Minsan gusto ko nalang humimlay talaga. Lumayo na ako at umayos ng tayo. Baka matuluyan nga ako pag tumagal.

 

"Hello ate." Sumimangot siya sa tawag ko. 

 

"I told you to stop calling me that." 

 

Hindi ko pa kasi magawa na hindi manibago kapag tinatawag ko siya ng walang ate, hindi ako sanay. Kahit naman sinabi niyang magintay ako, hindi pa rin ako dapat ma kampante. May tiwala naman ako kay Karina, pero wala kasing kasiguraduhan lahat ng ito. Gusto ko siya, pero hindi naman namin ito pinagusapan. 

 

Matapos ang gabing 'yon, hinayaan lang namin ang mga sariling bumalik sa dati. May kaunting pagbabago, ang dating text ay naging video call na ngayon. Hindi naman sa umaangal ako, masaya nga ako sa nangyayari. 

 

Napakaexpressive ni ate- I mean ni Karina, so kailangan ko rin maging mas totoo sa feelings ko diba.

 

"Excuse me lang ha, pero nandito pa po ako sa harap niyo." Singit ni ate Yeji. Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya. Oo nga naman, nasa room nila kami.

 

"Sorry po." 

 

"It's okay baby— ni Karina. Echos mo girl, hindi ko aagawin si Winter sa'yo." Tinaasan kasi siya ng kilay ni Karina.

 

Pff, cutie. Ayan nanaman siya sa pagiging possessive niya. 

 

"Wala naman akong sinabi." Deny niya pa. Napairap na lang si ate Yej at bumaling sa akin.

 

"Ano nga palang ginagawa mo dito Win?" 

 

Oh, oo nga pala. Nilabas ko ang isang box of chocolate sa bag at inabot sa kanya. 

 

"Para sa'kin?" Turo niya sa sarili. Tumango ako bilang sagot. 

 

"Galing kanino?" Nung nagtanong siya ay lumingon ako sa may pinto. Sinundan naman nila kung saan ako nakatingin. Ayun si Rj nakangiti na kumakaway sa nililigawan niya. 

 

"I knew it. Sandali lang ah." Tumayo siya at nagtungo sa ugok na nagiintay.

 

"Sure, take your time po." Sinenyasan pa ako ng thumbs up ni Rj kaya napailing na lamang ako. Baliw talaga, inaya niya kasi ako kanina sa room na pumunta dito dahil may ibibigay daw siya. Gusto kong tumanggi dahil baka malate ako sa next class pero nung minention niya si Karina, pumayag na'ko.

 

Hindi naman kami close ni Rj, pero simula nung lunes ay kinukulit na niya akong ilakad siya kay ate Yeji through Karina daw. Di niya naman kasi alam na magkaibigan kami ng magandang dilag na nasa tabi ko ngayon. Kung alam niya pa ay matagal na niya akong tropa. Ang lakas lang ng trip niya. Matagal na niya kasing gusto si ate Yeji.

 

Naupo ako sa kaninang inuupuan ni ate Yej. 

 

"You didn't came for me?" Bungad niyang tanong.

 

"Po?" Bakit masama nanaman ang tingin niya.

 

"Sinama ka lang ni Rj para kay Yeji." Heto nanaman ang ating Disney princess na nagtatampo. Pagtripan ko kaya? Uso na uso sa kanya ang asarin ako eh. Wala naman sigurong masama kung aawayin ko siya ng kaunti.

 

"Oo." Relax kong sagot at naglabas ng phone. Tumingin pa ako sa paligid, buti na lang talaga at break nila ngayon. Ewan ko lang kay Rj kung paano niya nalaman ang sched ng block nila Karina. Hingin ko kaya next time no. Time check, may thirty minutes pa bago next class.

 

"I thought you missed me din." simangot niya.

 

"Bakit naman kita mamimiss?" Mapangasar kong ngiti.

 

Actually, namiss ko siya ng sobra, disappointed nga ako nung lunes na nacancel 'yung plano namin. Hindi kasi maiiwasan na hindi kami magkita ng ilang araw. May iba kaming priorities, tsaka araw-araw din naman kaming nakakapagusap.

 

"Fine." Tumayo siya at akmang aalis. Pinigilan ko siya agad.

 

"Saan ka pupunta?" 

 

"Why would you care?" Mataray niyang balik. Ay attitude si ate. 

 

"Nag jojoke lang, 'to naman. Sorry na ate, di naman ako sasama kay Rj kung hindi rin ikaw ang makikita ko." Pake ko ba sa babaeng adik kay ate Yej diba.

 

"Whatever." Ayaw pa nga maniwala.

 

"Ate." 

 

Walang sumagot.

 

"Ate Karina." 

 

Ayaw pa rin. Maikli pa naman pasensya ko huhu. Dapat pala nagipon ako ng pasensya dati, naubos ko yata kina Ning.

 

"Ayaw mo talaga akong kausapin?" 

 

Hindi siya umimik at nagphone lang. Oh diba ang ewan ko lang dito sa tabi niya. Ngayon na nga lang kami nagkita ulit tapos magtatampuhan pa. Susuyuin ko pa sana siya kaso bumalik na si ate Yej. Big word 'yung suyo para sa'kin, ngayon lang 'yan lumitaw sa vocab ko ng makilala ko si ate Karina. 

 

"Oh, kanina lang ang saya-saya niyo. Inaway mo Win?" Tawa niya pa. Ate Yej, di ka nakakatulong.

 

"Hindi ah." 

 

"Alis na raw kayo sabi ni Rj." Nguso niya sa may pinto. Bumaling ulit ang tingin ko sa katabi kong busy sa pagtatype. Malay ko bang may iba pala siyang kausap. Sino naman kaya? Well, wala akong karapatan na magtanong. 

 

Baka binaback stab na niya ako, o baka ayaw na niya agad sa akin at naghahanap na siya ng iba. Ay wag naman ganun. Tiniis ko nga pangaasar niya tapos ako itong minsan lang gumanti ay magagalit na siya. Well, siguro ang childish ko nga sa part na 'to. Bakit nga ba ako gaganti diba? pero ayaw mag back down ng pride ko.

 

"Edi 'wag." Tumayo ako at nagpaalam kay ate Yeji. Pabalik-balik lang ang tingin niya sa aming dalawa. Bumulong pa nga bago ako umalis.

 

"Is this LQ?" Natawa ako.

 

"Wala namang L ate." Bago tuluyang lumabas at puntahan ang nagiintay na si Rj. 

 

"Oh naka-busa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹