Chapter 19

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Ang sarap pala sa mata na mukha ni Karina ang makikita sa umaga. Pakiramdam ko nalinis buo kong pagkatao. 

 

"Tititigan mo nalang ba ako?" Nakapikit niyang tanong. Nahihiya akong umiwas ng tingin at tumihaya. Bigla kong na appreciate ang kisame.

 

"Kanina ka pa gising?" 

 

"Kind of." Lumapit pa siya lalo at yumakap sa bewang ko. 

 

Ang aga at nagpapakilig ka nanaman Karina. Inaantok pa nga ako dahil hindi ako nakatulog ng maaga dahil sa'yo.

 

Inalok ko kasi siyang umunan sa akin kasi nagaalala akong hindi siya maging comfy. Ayun, pakiramdam ko hindi ko na magalaw ang braso ko. Buti at umusog siya kaya natanggal ko ito. Saka lang ako nakatulog ng tumalikod si Karina paharap ng dingding. Medyo malikot pala siya matulog.

 

"Anong oras na ba?"

 

"It's past nine na. I didn't woke you up dahil mukhang mahimbing tulog mo." Naupo na siya sa hinihigaan namin. Wala na nga si Ning sa tabi ko, pati si ate Gi. 

 

"Kumain ka na?"

 

"No, I waited for you." Inabot niya ang kamay para kunin ko. Tinanggap ko naman at nagpahila sa kanya paupo. 

 

"Anong ulam?"

 

"It's scrambled egg and dried fish. Masarap 'yung sukang tuba dito sa kanila." Bakit kapag galing sa kanya ay nagiging sosyal ang pagkain.

 

Nagtungo kami sa kusina at nakitang kumakain pa sina Rj at Ning. 

 

"Good morning Elsa." Bungad ni Ryujin na halatang kulang sa tulog. Feel ko dahil kina Yuna na ang lilikot din. 

 

"Morning, asan si Ju?"

 

"Nasa kabilang bahay, puntahan nalang daw na'tin siya kapag ready to go na tayo." Sagot ni Ning. Oo nga pala may gala kami ngayon. 

 

Kumuha ako ng dalawang plato tapos kutsara at isang tinidor. Kaya ko naman na kutsara lang, kahit nga mag kamay na.

 

"Gusto mo ng kape?"

 

"No, I already had one earlier but thank you parin." Iba epekto ng boses ni ate sa umaga, nakakahype. 

 

Nagtimpla muna ako ng kape bago umupo ulit sa tabi niya. Una kong nilagyan ng kanin ang plato ni Karina bago ang akin. Hindi ko na pinansin ang mga tingin ng nasa harap namin. Bahala sila diyan. 

 

"Thanks baby." Nakangiti niyang sabi after kong lagyan na din ng ulam. 

 

"You're welcome."

 

"Baka gusto niyo magsubuan na din sa harap namin?" Bitter talaga 'tong si Ning. 

 

"Do you want me to, baby?" Ito namang si Karina pinapatulan.

 

"No, ikaw Ning inggitera ka talaga." 

 

"Hayaan niyo na, broken eh." Agad na nakatanggap ng kurot si Rj. 

 

"Tigilan mo 'ko." 

 

"Ang sakit!" 

 

"Buti nga sa'yo." Pagsusungit nito. 

 

"By the way Ning, I'm sorry for what happened between you and Mark." Natahimik kami ni Rj at nagkatinginan, hinihintay ang reaksyon ni bespren. Sumubo ako ng kanin at ulam. Mukha tuloy akong nanonood ng drama.

 

"Ate wala ka namang kasalanan." 

 

"I know but I just didn't expect na hindi pa pala siya nakakamove on sa ex niya. It's been two years." So close din pala si Karina sa ex ni kuya. Malamang siguro dahil magkaibigan na sila dati pa.

 

"Hindi ko rin naman alam. Wala tayong magagawa sa nararamdaman niya. Lilipas din ito ate, makakamove on din ako." Malungkot pero ramdam ko na kaya ni Ning. Ang strong kaya ng pinsan ko.

 

"I already scolded Mark for entering a relationship na hindi pa pala siya siguradong nakakamove on. Please let me know if you need my help on anything. I'll be there for you, we're friends na din naman diba?"

 

Napangiti si Ning dito. Mukha pa nga siyang maiiyak. Galit ako sa ginawa ni kuya Mark, pero ayaw kong magtanim ng galit lalo na't hindi naman directly na ako ang nasaktan. Na sa bestfriend ko ang buong desisyon.

 

"Thank you ate. Ikaw talaga ang boto ko as sister in law." 

 

Naubo ako sa mukha ni Ning. Puta, kung ano-anong sinabi.

 

"Yucks bes!" Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa may lababo. Si Rj tawa ng tawa sa itsura ng kaibigan namin.

 

Inabotan ako ni Karina ng tubig kaya agad ko itong ininom. Nung makarecover ay masama na ang tingin ko sa pinsan kong pala desisyon. Tho, sangayon ako sa sinabi niya, ayaw ko nga madaliin. Sinenyasan ko siyang 'wag nang uulitin at mukhang gets niya na naman.

 

Buti na lang at iniba ni Rj ang topic. May silbi talaga to paminsan-minsan. Napunta sa crush niya ang diskusyon. Kaya itong si Karina nagkwento na rin ng tungkol sa teammate slash classmate at kaibigan. 

 

Umabot pa nga ang usapan kina ate Gi at kung bakit hanggang ngayon hindi niya pa sinasagot si Ethan. Wala siyang sinabi na past event pero nagbigay siya ng hint na medyo may trauma na si ate Giselle sa pagibig kaya sobrang careful niya. Hindi niya rin alam kung ano ang plano ng bestfriend niya dahil hindi naman nito kinukwento ang future plans. It's all about what happened on their dates daw.

 

Halos isang oras din siguro kaming nagkukwentuhan bago dumating si Ju na halatang naiinip.

 

"Anong oras niyo plano lumarga mga bakla?" Nakapameywang pa siya niyan.

 

"Hi Jungwon." Masayang bati ni Karina sa kanya. Si lalake nahiya bigla. 

 

"Hello ate." 

 

"Pwedeng maligo muna?" Sumangayon ako kay Rj. Kating-kati na ako maligo. 

 

"May ilog na malapit doon. Wala kasing tubig dito tuwing umaga. Magiigib ka pa sa may poso doon sa may baba." Kaya pala may balde sa lababo na puno ng tubig.

 

"Okay, rampa na ba tayo?" Excited pa si Ning ng marinig na may ilog. 

 

Ewan ko lang kung matutuwa ako ah. Last time na naligo ako sa mga ganun ay muntik na akong mamatay. 

 

"Kanina pa namin kayo iniintay. Arat na!" 

 

Mabilis pa kay flash na hinugasan ni Rj ang mga pinagkainan namin. Buti nalang talaga at may tubig na tambak. Hindi ko keri ang hindi maghuhugas ng kamay, lalo na at tuyo ang ulam. 

 

Bale marami pala kaming sasama. Na mention ko din ba na nandito si kuya Jaehyun. Kanina ko pa napapansin ang paglingon niya sa direksyon namin. Hindi naman sa assuming ako pero sa akin yata siya nakatingin. Naalala ko kasi 'yung sinabi ni Karina kagabi. Gwapo ka kuya pero hindi tayo talo.

 

"Stop staring back." Pansin ng katabi ko. Naglalakad na kasi kami paakyat sa farm. Mangunguha daw muna kami ng prutas bago maligo. Nagdala pa nga ng kutsilyo, asin at bagoong ang mga baliw. May mangga din kasi doon. 

 

"Hindi kaya." Tanggi ko nalang.

 

"Baby, he's obviously nagpapacute sa'yo." Nguso niya. Natawa ako kasi ang selosa niya. 

 

"Ano naman kung nagpapacute siya? Hindi ko naman pinapatulan." Hinawakan ko ang kamay niya para matahimik na siya. It worked. 

 

"Tch, whatever." Pinagintertwine niya ang mga daliri namin. Ako na ngayon ang namumula. Kailan ba ako mananalo sa kanya.

 

Buti nalang at nauunang maglakad sina Rj at nakikipagkulitan sa iba naming kasama. Alam kong aasarin nanaman ako ng mga bubwit kapag nakita nilang magkahawak kami ng kamay.

 

Natanggal lang ang HHWW namin ng makarating kami sa farm. Ang lawak pala dito. Sinalubong kami ni manong Edgar, isa sa tumulong kahapon sa paghahakot. 

 

"Luh Elsa oh! Ang liit ng manok!" Namamangha si Ryujin sa maliit na tandang. Hindi ko alam kung anong uri ng manok ito pero ang liit niya nga. Parang tuta lang. 

 

"Ju itanong mo nga sa pabo kung anong uri ng hayop si Rj." Natawa ako sa sinabi ni Ning. Hinayaan kasi kami ni manong na maglibot-libot at andito kami ngayon sa harap ng kulungan ng pabo. 

 

Tumikhim muna si Ju bago nagsabi ng, "ulokulokulokulokulok" 

 

Ang lakas ng tawa namin ni Ning ng sumagot ang mga pab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹