Chapter 12

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Nagising ako sa malakas na kalabog ng pinto. May sunog ba at ang bulahaw ng mga tao.

 

"Gaaaaaaaale!!!!!" Boses ni ate Jennie. Antok na gumulong ako sa kama at tumayo. Pinagbuksan ko siya ng pinto at bumungad sa'kin ang mukha ni ate Lisa.

 

"Goodmorning!" Ang lapad ng ngiti niya. Hinawi siya ni ate Jennie para harapin ako.

 

"Gale sama ka." 

 

"Ha? Saan?" Chineck ko yung oras sa relo ko. Pasado ala sais pa.

 

"Pupunta tayo ni Ning sa ancestral house." Ancestral? Eh ang layo nun. Sa probinsya pa nga.

 

"Ngayon na mismo?"

 

"Oo kaya maligo ka na. Hindi sasama sina mom and Dad. Tayo lang ang maglalagi doon." Mukha pa siyang excited. 

 

"Ilang araw?"

 

"Three days from now dahil babalik tayo dito ng Saturday ng hapon para may rest day tayo ng Sunday bago ulit maglunes." Planadong-planado ah. Tumango na lamang ako at nagpaalam na maghahanda. 

 

Andito kasi ako ngayon kina Ning dahil dito ako nagundas kaso mukhang sa ancestral namin ipagpapatuloy. Nabisita ko na rin si papa kahapon kaya okay lang naman siguro na doon ako magstay.

Seven na din nung nakababa ako at natapos. Kumain muna kami nina ate ng agahan dahil magtatalak si tita kapag umalis kaming walang laman ang tiyan. 

 

"Lisa ingat sa pagdadrive." Ngiti ni tito sa jowa ng anak niya. Oo legal sila at supportive naman sina tito at tita. 

 

"Yes po tito. Ako bahala sa mga prinsesa niyo." Confident pa siyang tumango. Binigay na ni tita ang susi sa ancestral in case wala daw si Aleng Paching na caretaker doon. 

 

Eight ay nakalarga na kami. Siyempre kami ni Ning ang naupo sa likod. Mukha pa nag 'tong pinsan ko. Halatang wala sa mood.

 

"Nangyari sa'yo?" Tanong ko.

 

"Wala." Aba at nagsusungit.

 

"Nagaway kayo ano." 

 

"Hindi ah."

 

"Ning, lokohin mo na lahat pero hinding hindi mo ako mapapaniwala na wala lang talaga. Spill bes, I'm all ears." Sumilip ako sa front seat at tulog si ate Jen. Focus lang din na nagdadrive si ate Lisa habang nagkakanta pa. 

 

"Eh naiinis ako."

 

"Bakit?" 

 

"Pakiramdam ko may mali sa kanya this past few weeks." Nguso niya at humalukipkip. 

 

"Paano mo naman napansin? Ano bang ginawa niya?" 

 

"Madalas kasi siyang wala sa sarili kapag magkasama kami. Feel ko talaga may tinatago siya. Dati kasi mabilis siyang magreply sa'kin, pero ngayon inaabot ng limang minuto. Medyo distant din siya." Nakikinig lang ako sa hinaing niya sa bf niya. Mukhang madami silang dapat pagusapan.

 

"Bakit di mo sabihin 'yang concerns mo sa kanya? Make him know na naaapektuhan ang relasyon niyo." Ako pa talaga na walang experience ang nag aadvice ano. 

 

"Ewan ko ba. Napapangunahan ako ng tampo. In the first place diba dapat siya yung magsabi sa'kin kung may mali man siyang nararamdaman. Hindi yung magbabago nalang siya bigla." Hinayaan ko nalang siya magsalita at tahimik na pinapakalma.

 

Siguro nga gustong-gusto niya si kuya to the point na naiiyak na siya. Inalo ko siya sa balikat ko habang hinahagod ang kabilang braso. Mas lalong ayaw ko na tuloy pumasok sa relasyon, ang gulo at nakakastress kapag nagaaway.

 

Di naglaon ay nakatulog din siya. Kami nalang ni ate Lisa ngayon ang gising. 

 

"May jowa na pala ang baby girl na'tin." Ngiti niya habang nasa harap at tutok parin ang pansin sa pagmamaneho.

 

"Oo ate, narinig mo naman." Pagbubuntong hininga ko. Nakatingin lang ako ngayon sa may bintana. Pinapanood ang mga nadadaanan namin. 

 

"Normal lang 'yan. Depende lang sa kanila kung paano nila aayusin o kung aayusin man." Sumangayon ako sa sinabi ni ate. Pinagtawanan pa nga ako dahil mukha daw akong sawang-sawa na makinig sa mga ganito. Paano eh ako ang takbuhan ng mga baliw. Di ko rin gets kung bakit eh wala nga kasi akong experience. Kahit na ganun, willing to listen parin naman ako. Wala naman kasi akong ibang ma ooffer kung hindi ang tenga ko diba.

 

Sinuot ko ang airpods para makinig sa music. Unang nagplay ay Isip by Healy After Dark. Walang pasabi na sumagi sa isipan ko ang mukha ni ate Karina. Ano kayang ginagawa nun. Huli naming usap ay nung Halloween party pa. Naninibago lang ako kasi madalas niya akong kulitin sa text mula gabi hanggang umaga. Kung uso pa ang GM ngayon ay baka isa si ate sa mga di nauubusan ng load.

 

Baka naman walang signal doon kaya hindi siya makapagmessage. Teka nga, bakit ko ba siya iniisip. Dapat nga matuwa ako dahil magkakaroon ako ng time para ayusin ang feelings ko. Ulit ay naalala ko ang pagtawag niya sakin ng baby ng may ngiti sa labi. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa hangin. Malala na'ko at kasalanan mo ito ate. Panindigan mo kilig ko. 

 

For now, pilitin kong hindi siya isipin. Let's focus at itigil ang katangahan na ito. Friends lang kasi dapat.

 

 

...

 

 

 

Hapon na ng makarating kami. Ngayon lang ulit ako nakabalik sa ancestral house namin. Ang bata ko pa nung huli kong punta dito. Maganda yung bahay, makaluma nga yung design at gawa sa kahoy. Alam niyo yung bahay dati nung panahon ng mga kastila, ganun na ganun. Kahit na may katandaan ay mukhang malinis naman ang lahat. Makintab pa nga yung sahig at yung mga furnitures na may varnish.

 

"Bes, tabi tayo matulog." Aya ni Ning. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹