Chapter 21

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Here we come, matapos ang sunod-sunod na bakasyon ay ang pamatay na school activities.

 

Kailagan naming magprepare ng title para sa defense sa research which is solo. Hindi pa nakunteto at sabi pa habang maaga ay magisip na din ng capstone project para sa final requirement. Bale tatlo ang defense dahil may chem din. Hindi pa kasali ang Biology at ibang minors. 

 

Nasa library kami ngayon at nagaaral dahil may quiz sa Social Science tapos oral recitation para sa con. world.

 

"Gusto ko na lang magswimming sa hydrochloric acid." Naiiyak na sabi ni Ning. 

 

"What are the seven social sciences?" Biglang tanong ni Ju.

 

Alam ko ang sagot pero hinayaan ko si Ning na magisip.

 

"PSAGHPE" Usal niya bago ito iniisa-isa. "Psychology, Sociology, Anthropology, Geography, History, Political Science, and Economics." 

 

"Oh kaya mo naman pala, aral na ulit." Natawa ako sa sinabi ni Ethan.

 

"Iba naman. Nauurat nako sa Soc Scie at Con World, calculus na." Nilipat ni Ning ang pahina ng notebook niya sa Calculus. 

 

"Win explain mo nga 'yung chain rule tapos limit." Mukhang pati si Ethan gusto rin matuto. Sino ba naman ako para ipagkait ang nalalaman ko diba.

 

I'm always good sa mga taong willing to learn. 

 

Kumuha ako ng scratch at nagsulat ng problem. Tapos pinagtabi ko ang mga notes namin kanina. Sinimulan kong iexplain mula sa exponent papunta sa division. Hindi ko na sinali ang ln at log dahil mas maguguluhan sila. Nagfocus kami sa current topic. 

 

Inabot din siguro ako ng thirty minutes sa pagsasalita. 

 

"Ay akala ko kung ano na. Bakit ang complicated magexplain ni ma'am Ang?" Reklamo ni Ju. 

 

"Concept kasi ang inexplain niya. Derivatives and Integrals." Nagadvance study ako kaya may heads up na ako sa mga pinagsasabi ng prof namin. 

 

"Mahaba talaga pero to make it simple, itong mga derivatives ang tandaan niyo. The constant, exponent rule, sum, difference, product, and quotient. Also, I'll give the basic identities na usually ginagamit. Be reminded of the x din. Next topic siguro ay tuturuan tayo maggraph. By next sem ay integral na tayo, and mas need na alam niyo kung paano ang differentation dahil baliktad lang ito ng derivatives—ashjdjekosl." Feeling ko nauubos na ang laway ko.

 

"Okay, got it." Nagthumbs up si Ju.

 

"Does this mean na alam mo na paano mag integrate?" Parang hindi pa makapaniwala si Ethan.

 

"Kakarating ko lang sa topic na 'yan."

 

"Apo ka siguro ni Isaac Newton bes." Manghang usal ni Ning.

 

"Baliw, sa math lang talaga ako nageexcel." Iling ko habang nangingiti.

 

"Remind you na favorite ka ni ma'am philo." —Ethan.

 

"At prof stats din kamo." —Ju.

 

"The best in poem recitation pa nga." Gatong pa ni Ning. 

 

Well, ano bang magagawa ko? Mahilig lang talaga ako magaral.

 

Asar pa sila ng asar dahil mas ganado daw ako na magaral ngayon. Tapos glowing din daw ang aking skin. Hindi ba pwedeng gumanda at nag glow up lang.

 

"Baka alagang Karina 'yan." Ito na naman at nasama sa usapan ang labidabs ko. 

 

"Tigilan niyo ako."

 

Speaking of Karina, last usap namin ay nung nakauwi kami sa volunteering. Naging busy din kasi sila. Plano niya kasing magshift sa kursong business administration kung nasaan si ate Giselle. Next sem na ang lipat kaya inaasikaso niya ang mga requirements.

 

Ang sabi niya pa ay kinausap daw siya ng dad nila na kung pwede ay siya na ang magmanage ng iba pa nilang business sa future. Alam kong mayaman sina Karina, pero to think na maliban sa school ay may entertainment business pa ang family nila with some hotels and restaurants din.

 

Kahit na ganun ay napaka down to earth niyang tao at sobrang bait. Never ko siya nakitaan na nagbrag o nangmaliit ng iba.

 

Naputol ang pagiisip ko ng kalabitin ako ni Ning.

 

"Si Rj oh." Nguso niya sa direksyon ng mga bagong dating na students. Sakto at gumawi ang tingin ni Ryujin sa amin. 

 

Lumaki ang ngiti niya ng makita kami at mukhang nagpaalam pa sa mga kaklase na lalapit.

 

"Hi Elsa." Bungad niya sa akin at nakipag beso. 

 

"Hello, Anna." 

 

"Anna?" Tanong ni Ning.

 

"Oo, we're the frozen sisters." Masaya niyang presenta sa barkada. 

 

Muntik pa nga mabulunan si Ju sa iniinom na tubig, "Anong na hithit mo?" 

 

Hindi ko rin alam anong trip ni Ryujin.

 

"Ang daya, kayo lang?" Reklamo ni Ning. 

 

"Gusto mo?" Maslalong na excite itong bagong dating. Baka sa susunod Frozen family na kami. 

 

"No, gusto ko ibang cartoon. Sa inyo na 'yan ni Bes eh." Ungot niya pa at humalukipkip. 

 

"Oh gusto mo ng cs?" 

 

"Oo."

 

"Baby ko, ayaw mo?"

 

Biglang lumipad ang crumpled paper sa mukha ni Rj. 

 

"Huwag na nga."

 

Tinawanan lang siya ng baliw. I guess close na din sila. Simula nung samahan niya si Ning na ipaayos ang phone niya until now. Siguro doon din nagstart ang pagsama-sama namin kahit taga kabilang section si baliw.

 

Nakakatuwa nga na makitang may katapat na ang pagiging maingay ni Ning. Ito namang si Ryujin, tuwang-tuwa na naiinis si bespren.

 

"Ning, since sworn sisters na kami ni Winter, ibig sabihin ba nito pinsan na din kita?"

 

Mukhang na offend si Ning sa sinabi niya at napahawak sa dibdib. Ewan ko ba at aliw na aliw ako sa mga palitan nila ng salita. Ang refreshing na makitang hindi na ako ang center of asar.

 

"Alam ko na kung anong magandang itawag sayo." Ngiti niya na halatang plastik.

 

"Ano?" 

 

"Tangi." 

 

Napanganga si Ryujin at nagtakip ng bibig. Para siyang isda.

 

"Oh em geee. Does this mean I'm your tinatangi?" Kinikilig pa siya kuno. 

 

"Hindi, tangina ka kasi." Nagpipigil kaming tumawa ng malakas dahil nawala ang saya sa mukha ni Annabelle. Oo, tatawagin ko na siyang Annabelle sa inner thoughts ko. Hindi dahil sa panget siya, actually maganda si Rj. Sadyang para siyang multo na pasulpot-sulpot.

 

"Hindi kita tatanggapin as my pinsan no." Mataray siyang inirapan ni Ning. 

 

"Fine, tatawagin na kitang Rabi." 

 

"Kasi mukha akong rabbit?" Pagmamaganda naman nitong katabi ko.

 

"Ano ka, sinuswerte? Rabi dahil mukha kang may rabies. Sungit mo, rawr!"

 

Ning hissed sa rebat niya. Ang gugulo lang dahil nagbabatuhan sila ng unang madadampot.

 

"Umalis ka na nga."

 

May gagawin pa palang project si kumag, inuna pa kalokohan. 

 

"Wait, malapit na birthday ni Yuna. Sabi niya invite ko daw kayo." At siya pa nga ang nang imbita sa birthday ng pinsan niya.

 

"Nakakahiya naman. Kailan ba?" Nahiya daw si Ju pero halatang excited.

 

"Next, next week sa saturday December 9." 

 

"Rj ang layo pa." Akala ko naman next week na.

 

"Mabuti nang masabihan kayo para ma save niyo ang date. Oh siya balik na ako. Kitakits mamayang uwian!—"

 

"Shhhh" at nasita na nga ng librarian. Ang ingay talaga ng baliw. Bagay sila ni Ning kala mo taga palengke, lakas ng mga boses.

 

Nagpatuloy na ulit ang aming tahimik na pagaaral. Sa aming apat, si Ethan siguro ang pinaka gusto kong kasama. Si Ju at Ning kasi 'yung type na dictate lahat para masaulo. Alam mo 'yung nagdadasal pero pabilisan sila. Hindi ko nga masyadong maintindihan dahil pabulong ito.

 

Medyo maingay talaga sila kasama, though sometimes it helps dahil may rare instances na dahil sa naririnig ko mula sa kanila ay nakakasagot ako.

 

Still, mas prefer ko parin ang tahimik na pagaaral. 

 

Biglang nagvibrate ang phone ko, si ate Kari nagmessage. Chineck ko muna ang oras at thirty minutes pa bago ang bell for lunch.

 

 

Disney Princess: Hey, you busy?

 

 

Ay wala na, di na ako busy dahil nagtext ka.

 

 

Me: Nasa lib lang tumatambay, bakit po?

Disney Princess: studying?

Me: Oo, kasama ko sina Ning.

Disney Princess: oh, okay.

 

 

'Yon lang? Akala ko pa naman aayain niya akong maglunch together.

 

 

Me: ikaw, ginagawa mo?

Disney Princess: Bored, I'm waiting for my class to end.

Me: Saan kayo maglunch?

Disney Princess: I'll be with Yeji and other blockmates. Gagala daw kami hanggat di pa ako nakakashift.

Me: Mabuti 'yan, mamimiss ka nila ng sobra. Wala nang maganda sa block niyo.

Disney Princess: I should be happy with that right? Haha but feels like you're dissing them xD

Me: hindi naman, ikaw lang talaga maganda sa paningin ko.

Disney Princess: Cute, I like the bravado.

Me: Sa nagsabi, di mo like?

Disney Princess: I don't know, make me ;)

 

 

Talandeeeeee~

 

Sa focus ko sa pagtatype, hindi ko na pala napapansin na ang lapad na ng ngiti ko.

 

"At kinikilig na naman ang ating kaibigan." Parinig ni Ethan. 

 

"Sus, sa simula la

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹