Chapter 18

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Tapos na ang first day at nagsiuwian na ang mga bata. Pakiramdam ko naubos buong lakas ko sa pakikipaglaro sa kanila. Malapit na din maubos ang social battery ko. Buti nalang at ibang grupo naman bukas. Sa last day ulit kami sasali. 

 

"Oh bakit nagmumukmok ka pa diyan?" Tumabi sa akin si Ju at sa kabila naman si Ning. Sa harap pumwesto si Rj at Yujin. Wala si Ethan dahil malamang busy kasama si ate Gi. Sila din kasi ang in charge bukas. Ako, si Ning at Rj ang ngayong araw. 

 

"Trip ko lang." Sabay subo ng gummy bears na hawak ko.

 

"Kumakain ka ng matatamis kapag stressed ka." Lahat nalang yata alam ni Ning. Siya ba naman taga suyo sa'kin 

 

"Naiinis ako."

 

"Dahil ba kay kuya Jae?" Mahinang tanong ni Rj habang nakatingin sa direksyon nina Karina.

 

"Obvious naman." Tango ni Jungwon. 

 

"Upakan na ba namin Win?" Isa pa 'to si Yujin. Barkada sila ni Rj kaya may similarity ang utak. 

 

"Huwag, ikaw uupakan ko." Ang sama na siguro ng tingin ko dahil tumahimik siya. Baka magalit lang si Karina.

 

"Kung kausapin mo kaya? Hindi 'yung nagiinarte ka dito." Agad ko namang sinupalpal ang kamay ni Ning na kukuha sana ng gummies ko.

 

"Akin 'to."

 

"Damot mo te." Irap niya.

 

"Set up na ba namin kayo?" Balik sa topic si Rj. 

 

"Paano?"

 

"Bukas nagpaalam kami kay ma'am na mangunguha ng mangga sa maliit nilang farm." Aba at may farm pala dito. Miss ko na ma akyat sa puno. Libangan kasi namin 'yon ni Ning ng mga bata pa kami.

 

"G ako diyan." Excited pa si Ju.

 

Sumimangot si Yujin. "Hindi ako makakasama, bukas ako na assign eh." 

 

Oo nga pala.

 

"Kawawa ka naman." Hindi ko alam kung nangaasar o genuine na nalulungkot si Ning para sa kanya. Ang monotone lang kasi ng tono niya.

 

Magkukwentuhan pa sana kami tungkol sa panibagong love interest ni Yujin ng biglang ngumuso si Rj. 

 

"Bakit? Mukha kang pato." 

 

"Baliw, papunta dito si ate." 

 

What!?

 

"Hi, dinner na tawag na tayo sa loob." Nakangiti niyang anunsyo sa grupo. Humawak siya sa balikat ko. Pakiramdam ko tuloy uminit sa bandang nahawakan niya. 

 

Bati na ba kami?

 

"Okay! Tara Ju ipapakita ko sa'yo ang irereto ni Rj." Nagmamadaling tumayo si Ning na agad sinundan ng tatlo.

 

"Oo nga bagay kayo. Ate salamat sa pagsabi." Si Rj halatang nangaasar dahil sa ngiti niya. Tumayo na rin ako para sana sumunod sa kanila ng pigilan ako ni Karina. Hawak niya parin ang balikat ko.

 

"Hoy teka sasa—"

 

"Let's talk after na'tin kumain." Ngumiti siya at sabay na bumaba ang hawak sa kamay ko. As usual, kinabog ang drums sa lakas ng kalabog ng puso ko. 

 

"Okay." Nasabi ko nalang at hinayaan siyang dalhin ako sa long table na hinanda ng volunteers. Andito din pala ang teachers. Since si ate Karina ang technically leader ng lahat. Siya ang pinalead ng prayer. 

 

Bhie, naniniwala ako sa Diyos pero never ako nag lead ng prayer. Hindi ako maalam baka instead na dasal ay ano pa ang masabi ko.

 

"Amen!" Sabay naming sabi matapos ang dasal. Siyempre tabi kami ni Karina. Alagang-alaga nga ako. 

 

Hindi na ba siya galit sa akin? 

 

"Here, you have sensitive tummy kaya don't eat too much." Paalala niya at nilagyan ng pansit at manok ang plato ko. Hindi daw kakain ng marami eh ang daming carbs nito.

 

"Okay po. Kung ayaw mo sa gulay, bigay mo lang sa'kin." Malaki ang ngiti niya sa sinabi ko. After ng paminsan-minsan na sabay kaming kumain ng lunch, na discover ko na hindi mahilig si Karina sa gulay, lalo na sa okra. 

 

"Thank you baby." 

 

Huhu namiss ko siyang tinatawag ako ng sanggol.

 

Masaya naman ang kainan dahil ang kukulit ng mga kasama namin. Tawang-tawa ako sa mukha ng mga teacher kapag nagconyo sina ate Gi. Halatang di nila alam kung anong irereact.

 

Dumating ang usapan tungkol sa kababalaghan sa baryo. Kahit konti lang ang mga taong naninirahan sa lugar ay marami parin itong kwentong bayan. Uso dito ang aswang kapag may buntis. 

 

"Ma'am Elms wala namang ganyanan." Natatakot na kumapit si Ju kay Ning.

 

"On time pa kayo at buntis si teacher Claire." Nagtinginan kaming lahat sa direksyon ni ma'am. Oo nga medyo may bump na ang tiyan niya. 

 

Huwag mong sabihin makakaexperience kami ng kababalaghan. Tapos na naman ang Halloween ah.

 

"Ma'am Elma, huwag niyo nang takutin ang mga bata." Tawa nito. Ngumiti si ma'am Elma at tumango na lang.

 

"Sige na nga. Basta huwag kayong lalabas ng malalim na ang gabi dahil delikado parin." 

 

"Opo." Sabay naming sagot.

 

Hindi ko na masyadong inisip ang sinabi ni ma'am dahil baka ma praning lang ako at hindi makatulog. Nagligpit na kami matapos ang kainan. Since tatlo ang bahay ng teachers dito, hinati kami sa tatlong grupo. Kasama ko sina Karina, Ning, ate Giselle, Yujin, Rj, Yuna, Chaeryeong at iba pang girls, ang iba ay nasa kabilang bahay.

 

Sa bahay nga pala kami ni ma'am Claire.

 

"Pasensya na kayo kung medyo masikip." Nahihiya siyang ngumiti. Ang bait niya naman, kami nga dapat ang mahiya.

 

"Nako ma'am, okay lang po." Ngumiti din si ate Karina at nagpasalamat. Nagthank you na rin kami. Naunang pumasok sa kwarto niya si ma'am dahil napagod daw siya. Hindi maganda sa buntis ang mapuyat kaya hinayaan na namin.

 

Dalawa ang kwarto kaya tig aapat kami tapos yung iba sa sala na matutulog. Naglapag sila ng banig. Hindi naman malamig ang papag dahil gawa ito sa kawayan. 

 

Actually, natanong naman kung pwede ay sa school na lamang kami mag-overnight kaso, hindi pumayag ang head dahil delikado daw doon kapag gabi. Hindi ko rin alam kung bakit pero sila ang mas nakakaalam dito kay sumunod na kami.

 

Walang kutson pero sanay akong matulog sa matigas na kama since sinanay ako ni papa dati. Mahilig kasi kaming mag camping na pamilya. 

 

"Ning, tabi tayo." Aya ni ate Gi.

 

"Okay po." Naks, close na nga sila. Alam ko na plano 'to ng pinsan slash bff ko. Naghahanda kami para sa matutulugan namin. May kulambo pa nga. Buti at meroon nito, baka kasi pag pyestahan kami ng lamok. Nagdadaldal lang dalawa naming kasama kaya una naming natapos ang side namin.

 

"Usap tayo?" Ang lambing lang ng boses niya. Kinikilig na ako.

 

"Saan?"

 

"Diyan lang sa labas." 

 

"Wait magdala ka ng jacket." Naka hoodie na kasi ako tapos pajama. Habang siya ay oversized shirt lang.

 

"Can I borrow yours?" Nagbabakasakali niyang tanong. 

 

Ngumiti ako at nagtungo sa bag. Kinuha ko ang extra kong jacket at inabot sa kanya. Parang dejavu lang, last time siya kasi 'yung nagpahiram sa akin.

 

Sinuot niya naman ito agad.

 

"Thanks."

 

"You're welcome, tara." Inabot ko ang kamay niya. 

 

"Uy balik kayo before ten." Remind pa ni ate Gi ng madaan kami sa tapat nila.

 

"Sure, sa labas lang naman kami." Sagot ng bestfri

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹