Chapter 24

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Good morning po." Nahihiya akong lumapit sa pamilya ni Kari. Nasa may kusina sila ngayon habang nagluluto si tita. 

 

"Oh, you're up. Kamusta ang tulog mo ija?" Ang gwapo ngumiti ni tito.

 

"Okay naman po. Salamat nga pala sa pagpapatulog sa akin dito." 

 

Uuwi sana ako kahapon, eh biglang umulan ng pagkalakas-lakas. Hindi ako pinayagan ni ate Irene na umuwi at pinatulog sa guest room. 

 

Hindi ko alam kung anong oras umuwi sina tita pero sa tingin ko sobrang late na. Gusto nga sana ni Karina na tabi ulit kaming matulog, pero sinermonan siya ni ate Irene na baka mahawa daw ako. Buti na lang at nagva-vitamins na ako ngayon. Hindi naman ako nahawaan. 

 

Naalala ko pa ang napilitang mukha ni Kari ng ihatid niya ako sa guest room. Cute nga eh. 

 

Lumapit si tita sa akin at inangkla ang kamay sa braso ko.

 

"Nako ija, welcome ka always. You took care of our matigas na ulong anak, thank you."

 

"Tita wala po 'yun." Nakaramdam naman ako ng hiya sa sobrang lapit namin.

 

"Karina said na magaling ka raw magluto. I would like to see you cook." She grinned. 

 

"Mom, gusto mo lang gawing tagaluto si Winter." Simangot ni Kari.

 

"Why? Don't you want to taste her cooking again?" May pa taas baba ng kilay pa si tita. Ang kulit lang nila magina. Alam ko na saan nagmana ang mapangasar na ugali ni Karina.

 

"Gusto." 

 

"Oh ayun naman pala." At dinala na nga ako ni tita sa may lababo kung nasaan ang mga ingredients.

 

"It's okay, ate Kari." I gave her a reassuring smile ng dumaan ako sa harap niya. Wala na siyang nagawa kundi tumango. 

 

Kailan ba huling breakfast ko na ganito ka sigla? Hindi ko na maalala. Hindi naman kasi ganito kahit kina Ning. Matapos magluto ay sabay kaming lahat na kumain. Ang daming kwento ni tito at tita tungkol kay Karina. Pulang-pula na nga siya ng matapos ang agahan. 

 

Nashare din nila na tuwing linggo ay nagsisimba sila, kaya inaya ako ni Kari na sumama. Same religion naman kami pero nahihiya parin ako kina tita.

 

"Sama ka na ija. Marami namang damit si Rina diyan, you can change." At alam ko na kung kanino galing ang persuasive personality ni Kari. Si tito 'yung klaseng lalambingin ka para mapapayag. 

 

So makakahindi ba ako? Siyempre, hindi.

 

Ang saya ni Karina na pinapili ako ng dress. Pinili ko 'yung simple lang. Nagselfie pa nga kami sa salamin bago bumaba. Nga pala, she's not sick na. I guess it helps kapag doctor ang mommy mo. Neuro surgeon si tita tapos business man si tito. Hindi nakapagtataka na mala mansion ang bahay nila.

 

"I know it's late to ask pero Catholic ka ba ija?" 

 

"Ma, ngayon mo pa talaga tinanong?" Natatawang sabi ni ate Irene.

 

"Nakalimutan ko, so?" Baling niya uli ng ngiti sa akin. Nasa sasakyan na kami ngayon, si tito ang nagdadrive habang sa front seat si tita.

 

"Opo, katoliko po ako."

 

"Wala naman pala tayong problema sa future manugang na'tin." Rinig kong bulong ni tito. 

 

Ano raw??? Future manugang?????

 

"Pa!" Saway ng anak niya. 

 

"What? It's important kaya." Kibit balikat nitong sagot.

 

"I'm sorry about them." 

 

Parang kamatis na siguro ako sa pula ngayon. Si tito naman nanggugulat, pero I agree your honor! Eme. Nakakahiya pero natutuwa ako at the same time. 

 

Nakarating kami sa simbahan at saktong magsisimula na rin ang misa. Matagal na rin ang huling simba ko sa mismong simbahan. Usually kasi ay school mass lang. 

 

Nasa part na kami ng our father at magkahawak ang buong fam. It felt foreign para sa akin na lumaking walang mga magulang na kasama. I have mom pero hindi kasi kami laging magkasama. Kasama ko sina tito and Ning for special occasions but I could still feel something was lacking.

 

Iba ang pamilya ni Karina, makes me feel warm just by being with them. Then here comes the peace be with you part ng misa. The sisters kissed their parents at ngumiti sina tito at tita sa akin. Si ate Irene ay kumindat pa nga. Akala ko 'yun lang kaso, nagulat ako ng biglang humawak sa kamay ko si Kari at pinisil ito. She's smiling wholeheartedly. 

 

Damn, nakakasilaw face card niya. Para akong nakatingin sa mismong anghel.

 

"Baka rest in peace hantungan ko nito." Bulong ko sa sarili.

 

"Hmm?"

 

"Wala, sabi ko peace be with us."

 

Hindi ako madasalin pero ang lakas ko yata sayo Lord. Salamat sa biyayang binigay mo. I got to meet this beautiful woman beside me.

 

After ng mass ay nagpahatid na ako kay Karina sa bahay. She's reluctant to agree nga eh. 

 

"Don't you want to spend the rest of the day with us?" Simangot niya. Nasa may harap kami ng pinto ng apartment.

 

"Kari, family bond nga diba. You should spend it with your fam."

 

"But I owe you a date" Lalo siyang nalungkot sa sinabi. Kahit ako medyo nanghihinayang. 

 

"Magkasama tayo buong araw kahapon at enough na 'yun. Masaya akong kasama ka." 

 

Napansin ko ang pagsilay ng konting ngiti sa kanyang mga labi.

 

"Alright, I'll bawi na lang next time. I promise." She raised a hand at seryoso akong tinignan. 

 

Tumango ako. "Do that, mageexpect ako ha. Sabi mo 'yan." 

 

"You can trust me." 

 

"I trust you, Kari." 

 

Nagpipigil siya ng ngiti pero hindi niya nagawa. 

 

"I'll get going. Baka magbago pa ang isip ko at ayaw ko nang umuwi." Natawa ako at tinusok ang tagiliran niya. Mga kalokohan niya talaga ano.

 

"Shoo na." 

 

Hindi siya kumibo at patuloy lang ang pagtitig sa akin. Wari ba ay may hinihintay. 

 

"What?" 

 

"You're forgetting something." 

 

Tumingin ako sa paligid at sa dala ko. Wala naman ah. I have everything in my bag. Sumimangot siya ulit ng makitang hindi ko siya gets.

 

"This." She pointed her forehead. 

 

Ohh...

 

"I thought we're going to make that our thing everytime we have to part." Wala akong naalalang nagpromise ako pero since ito gusto niya, wala akong lakas para tumanggi. She has my soft spot.

 

"I said that?"

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹