Chapter 1

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Napasinghap ako ng malalim. I felt drained dahil sa ingay ng hinayupak kong kaibigan na kala mo pinapak yung enervon at sobrang energetic. Ang sakit ng braso ko kakahampas ni Juju sa kilig sa crush niya na kala mo nagfifilm ng advertisment ng nature's spring. Required ba na ibuhos sa sarili ang bottled water kapag naiinitan?

 

"Jungwon ang panget mo kiligin." Irap ko at naunang maglakad. 

 

"Epal mo naman." Simangot niya at sumunod na din. Tumawa pa si Ethan.

 

"Hayaan mo yan kapatid, araw ng buwan niya kasi." Ay wow porket naiinis 'yun na agad ang dahilan?

 

Nilingon ko siya at pinanlisikan ng tingin. Umiwas lang ang gago.

 

"Ahh kaya pala ang iritado ng bading." 

 

"Kala mo naman straight siya." Makasabi ng bading ah. Siya nga tung maharot na tumigil sa hallway dahil nakita yung crush niya tapos may pa hampas-hampas pang nalalaman.

 

"Ako straight ako." Taas ng kamay ni Ethan. 

 

"Sinabi ko bang ikaw Heeseung Ethan Lee? Wag ka nga sumabat." Sumimangot naman siya at inakbayan na lamang ako. Ang bigat ah, ano akala niya sa balikat ko... armrest?

 

"Ang highblood mo ngayon madam. Epekto ba yan ng menopausal?" Nagtawanan pa sila sa joke ni Jungwon. 

 

"Tigilan mo ako Juju kung ayaw mong ipakain ko sayo itong pins na pinapasuyo ni ma'am." Pinagbantaan ko siya na isusungalngal ko nga yung bitbit kong box.

 

"Joke lang naman." Humawak siya sa balikat ko. "Nga pala asan si pinsan mo?" 

 

"Sino?" Tinanggal ko ang mga kamay nilang nakapatong sakin. Mga loko-loko talaga. Ako palaging trip asarin.

 

Nagtatakang nataas kilay si Heeseung "Wala ka namang ibang pinsan dit—" 

 

"Sino may pake dun?" Kanina pa ako aburido. Siguro dahil nga sa meron ako at sa init na din ng panahon.

 

"Ang harsh mo kay Ningning. Baka may valid reason naman." Defend pa ni Juju.

 

"Sinong hindi magiging harsh eh tinakasan ako sa report namin kanina. At anong valid reason, valid na ba ang harot?" Akalain mo ba namang ang excuse ay di daw siya makakapasok dahil nakita na niya future husband niya. Musta naman yun diba? 

 

"Yakang yaka mo naman girl. Kinabog mo pa nga presentation nina Beatrice na dinaan sa transition." Well that's true, I admit I did good din kanina. Buti na lang talaga at ako ang gumawa nung part ni Ning. Kung hindi wala akong masasagot sa pa q & a nina prof. Kala mo talaga nakinig sila sa presentation, panay lang naman pagsiselpon. 

 

"Naalala ko tuloy trip ni Yunjin. Binara ba naman yung teacher na nagtatanong." Tawa pa ni Ethan.

 

Oo nga may ganung ganap kanina. Naiimagine ko tuloy na umuusok yung ilong ni sir Kalbs in short for kalbo. Medyo natawa na rin ako dahil sa naalala. Di ko din alam saan nanggagaling confidence niyang mag sabi ng 'shh let me finish first sir'. Halos lumuwa ang mga mata ng panels at magmigrate ang mga kilay nila papuntang bunbunan. Ewan ko ba dun, baka nilihi siya ng mama niya habang nakikipag gyera kaya ang lakas ng loob. Tho maganda naman yung report nila. May sense at may laman ang content but the attitude is really something. Di nalang ako mag say. 

 

Papunta kami ngayon sa faculty ng CAS dahil nautusan nanaman ako ng dakila naming department head na kala mo alipin ako dahil ako talaga ang hinahanap niya para utusan. Di na lamang siya ang nagpunta eh work related naman to. Siyempre hindi naman ako makakatanggi dahil siya yung dean tapos ang ganda pa niya. 

 

Ang bakla naman masyado ng rason ko no. Pero totoo namang maganda si Dean Irene. Nakakabanas lang talaga ang panguutos niya. Kulang nalang gawin niya akong secretary. May perks din naman maging utusan ni dean dahil may free food ako usually after ng task. 

 

Papasok na sana kami ng office nung biglang may tumawag sa'kin. Speaking of maharot, here goes my pinsan.

 

"Wintot!!" Paglingon ko kung sino, automatic na kumunot ang noo ko. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagpasok. 

 

"Sorry na bes!" Ang bilis ng baliw na nahila ako palabas ulit. Natatawa lang ang dalawang lalake sa kaitsuraan ko. Tuwang-tuwa talaga sila kapag nasa maldita mode ako. Cute ko raw kasi magalit. Mukha ba akong na kukyutan sa mga pagmumukha nila kapag pinagtatawanan ako.

 

"Wag mo akong ma bes bes diyan Vivian. Sinasabi ko sayo kukutusan kita." 

 

She's Luningning Vivian Kim. Bakit nga ba ganyan ang pangalan niya? Sabi ni tita nung pinagbubuntis niya si Ning ay paborito niyang panoorin ang Wowowin. Ayun pinangalan sa anak ang favorite dancer niya. Muntikan na nga maging Jopay dahil sa bomb din ang gustong-gusto niyang dance group dati. Kaya minsan inaasar ko nga siya ng 'get-get-aw' dahil dati pinapakanta siya ni tita nito. Siguro dahil din sa mga pinaglilihi ni tita sa anak niya kaya naging natural na maharot 'to.

 

"Sorry na nga eh. Hindi ko naman sinasadya na masiraan sa gitna ng daan tapos sinave ako ng future forever ko." Gusto kong mairap sa kaitsuraan niya na kala mo ginayuma. Kung maghuhugis hearts lang ang mga mata niya gaya ng sa cartoons baka ganun na nga ang nangyari. 

 

Hindi ko siya sinagot at naglilingon ako sa baba na parang may hinahanap. Bumaba din ang tingin nilang tatlo at sinusundan ako. Ilang segundo din ako na tingin lang ng tingin sa kung saan-saan. Di na siguro nakatiis si Ethan at nagtanong na.

 

"Anong tinitignan mo diyan Win?" 

 

"Hinahanap ang pake ko sa rason ng pinsan kong maharot." Tumawa ng malakas si Jungwon kaya sinamaan ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹