Cause it’s you

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko kay Rina, balak ko ay ako na lang ang pupunta sa date at ako mismo ang magsosorry kay Ate Tiffany. Hindi ko din naman din kasi akalain na magkakajowa yun si Ate Taeyeon potek na yan.

 

Thursday pa lang naman, meron pa akong 2 days para isipin at magready ng sasabihin ko. Sabihin ko na din kay Rina mamaya, mas kinakabahan ako kay Rina eh.

 

From: Rina baby
Baby, we’ll come home late today. May biglaang dinner with the girls later. Mwa.

 

From: Baby Minmin
Ay okay baby, ingat kayo later.

 

Hindi naman na ako nagpumilit sumama kasi panigurado hindi sasama sila Ning at Ryujin kapag ‘with the girls’. Hindi kasi sila makarelate sa pinaguusapan ng mga yun at nakatunganga lang. Same lang din saken, hindi ko minsan magets pinaguusapan nila kaya mas okay na yung hindi kami sumama.

 

Ang iniisip ko na lang ngayon ay ang problem ko. Bakit ang dami kong problema ngayon week na to? Grabe yung stress ko kay Ate Taeyeon, pati kay Ate Tiffany at shempre yung nalalapit na birthday ni Rina sa Monday. 

 

Lord bigyan mo naman ako ng knowledge or help para malagpasan ko tong mga to oh? Hindi ko alam uunahin ko.

 

As if on queue ay may kumatok sa pintuan ng dorm namin ni Rina.

 

“Winter! Yuhuuu!” rinig kong tawag sa akin sa labas, mukhang boses ni Ryujin ah? Nagmove out na din kasi yung kumag na yun nung isang araw.

 

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad ang tatlong butete ng buhay ko, si Ryujin, si Ning at si Eunseo. Bakit kasama na nila si Eunseo? Napakafeeling close nitong dalawang to kay Eunseo ah?

 

“Wassup Bro? Valo time?”

 

Lord, wag niyo sabihin na ito yung help na hinihingi ko sa inyo? Dagdag problema ata ibibigay niyo sa akin? 

 

“Apat lang tayo, kulang tayo isa wala din ako sa mood maglaro” pinapasok ko na din sila kasi mukha kaming tangang apat sa labas.

 

“Edi unrated?” pag-uudyok pa sa akin ni Ning

 

“Ayaw ko magvalorant, dami daming kong problema need ko isolve”

 

“May homework ba tayo? Math ba yan? Gagi, pakopya” walang muwang tanong ni Ryujin.

 

“Hindi noh, pinoproblema ko birthday ni Rina sa Monday. Hindi ko alam gagawin ko”

 

“Ay oo nga pala, san nga pala tayo nun?” tanong ni Ning

 

“Ayaw maghanda ni Rina kasi malapit na din naman finals natin. Mas okay daw na magfocus tayo dun. Sa weekend na lang daw”

 

“As usual, ang perfect student ni Karina grabe. Paano mo yun napasagot Winter?”

 

“Madali lang naman Eunseo, gusto mo talaga malaman?”

 

“Oo naman yes, paano?”

 

“Mahalin mo since high school” 

 

“TANGINAAAA WINTER?! SERYOSOOO?!” 

 

“Aray!” siraulo ata tong si Eunseo, bigla biglang nambabalugbog.

 

“Gagu? Nakakakiliggg~”

 

Kikiligin na lang ay kailangan mambalugbog?

 

“Hey Eunseo, kalma naman jan oh” 

 

“Pota, sorryy! nakakakilig naman yung love story niyo na since high school. Since high school kayo na?”

 

“College naging kami bakit ba?”

 

“Gagi bat ang tagal?”

 

“Torpe ang tropa natin na to Eunseo, alam mo ba? HAHAHAHA” may pag-akbay pa tong si Ryujin kumag

 

“Oo, pero atleast hindi ako nafriendzoned katulad mo” 

 

“HAHAHAH ONGA PALA! UMAALIGID ALIGID KA DIN KAY KARINA DATI RYUJIN!” taena ang tinis ng tawa ni Ning grabe.

 

"Di niyo ba pwede ibaon yun sa limot?"
 

"Nalimutan kong nainvolve ka din pala kay Karina, Ryujin! Hahahaha! Lakas mo naman at tinropa mo jowa niya. Ikaw ha? Baka may hidden agenda ka na paghiwalayin sila ah?"

 

"Tanga ka ba Ning? Matagal na yun, pakibaon na sa limot!"

 

"Gagi seryoso? Nagkagusto ka kay Karina ha? Ryujin?"

 

"Eunseo pakibaon na sa limot yun ah? Ang tagal na kun gagi. Tsaka hindi naman ganun kadeep yung pagkacrush ko kay Karina. Alam kong may laban ako kay Winter pero shempre nagpaubaya ako"

 

"Ang kapal, pag hindi pinili, shatap" pang-aasar ni Ning

 

Wala naman na sakin yung dati, hindi ko naman masisisi si Ryujin kasi ang perfect ng girlfriend ko. Sinong hindi magkakagusto?

 

Pero Lord sure ka ng sila yung sagot sa problema ko? Hindi ba ako malakas sayo Papa Lord?

 

Try ko ah? Kung sila po binigay niyo sa akin, sige po. Tatanggapin ko ng buong puso.

 

“Tama na nga yan, pwede niyo ba akong tulungan sa problema ko? Kahit sa isa lang?”

 

“Oo ba, kahit ano pa yan. As long as kaya namin” nakakagulat naman na biglang naging seryoso tong si Eunseo

 

“Ano kaya pwede kong pasurprise kay Karina sa birthday niya?”

 

“Dinner date, after a long day tapos long warm bath with you. Naksss~” suggest ni Ryujin

 

“Hmm, how about dinner tapos surprise mo siya ng birthday message video? Yung romantic tapos andun lahat ng gusto mong sabihin?” mungkahi naman ni Eunseo

 

“Huy gagu! Ang ganda nun, classic at nakakakilig yun” sabi naman ni Ning

 

Hmmm, video greet? Okay din yun ahh? Sakto naman magagamit ko na yung mga pictures namin ni Karina sa phone ko! Tama tama! Lord! Thank you! 

 

“Eunseo! Welcome sa tropa!!! Thank you!” nahug ko tuloy si Eunseo, ang solid nung idea niya!

 

"No problem! Basta kayo ni Karina"

 

“Osiya, umalis na kayo at gagawa na ako ng video!” pagtataboy ko sa kanila

 

“Grabe ka! Hindi kami pwede manood?”

 

“Bawal! Private pictures namin ni Rina nuh! Bleh!”

 

“Baka kamanyakan yan Winter ha?”

 

“Ulol ka Ning! Alis na dali! Dun na lang kayo kila Ning, sunod ako mamaya~”

 

“Sunod ka haa!” pagpapaalala pa ni Eunseo sa akin

 

“Oo, susunod ako!”

 

Nang nakaalis na sila ay agad agad akong pumunta sa PC ko para magedit ng video. Aaminin ko na wala naman akong talent sa pag-eedit ng video pero shempre para kay Rina to eh. I’ll do my best.

 

Napapangiti at kinikilig ako sa tuwing nakikita ko yung video na ginagawa ko. Grabe ang sweet namin ng baby ko, excited na ako ipakita sa kanya to.

 

Hmm, ilalagay ko din tong mga intimate photos namin kingina, kinikilig ako. Grabe ang swerte ko sa jowa ko.

 

Parang 3 hours din ako nag-edit at hindi ko namalayan n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1163 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅