I Won’t Last A Day Without You

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Yung mga paladesisyon kong kaibigan ay andito ngayon sa kwarto ko, tinuloy nga nila yung stupidong plano nila. Ang talino lang nung ibang girls (sila Rina) kasi pwede naman sila dun sa kabilang dorm pero pinili nila magsleepover sa living room ng dorm namin. So sa tuwing lalabas kami para kumuha ng food or water, inaaway kami ng mga may topak sa labas.

 

“Hoy ang bobo ng flash mo Ryujin! Taena nag-Skye pa kasi akala mo naman marunong” reklamo ni Ning habang naglalaro kami ngayon ng Valorant.

 

“Tanga ka ba? Nagsabi akong magfaflash ako tapos susugod ka. Ikaw bobo jan eh, yung smoke mo ayusin mo. Bakit ba si Tatang ginamit mo?”

 

“New meta kaya ‘to, napanood ko sa tiktok”

 

“Kung marunong ka, ehh para kang ewan magsmoke”

 

“Ang ingay niyo jaan!” rinig naming sigaw ni Lia sa labas

 

“Edi wag mo pakinggan!” sagot ni Ryu

 

“Nasagot ka pa?!”

 

“Joke lang! Tatahimik na nga” pagtiklop ni Ryujin

 

“Kingina talo nanaman, ayoko na” lose streak na kaming tatlo kasi nagtatry sila ng nagtatry ng mga hero. Unrated lang naman pero nakakatamad pa din pag talo ng talo.

 

“Korni ni Winter, ano na gagawin natin? 12am pa lang” reklamo ni Ning

 

“Edi kayong dalawang tanga maglaro jan, hihiga na ako. Babasa na lang ako ng fanfic dito”

 

Walang anu-ano ay malakas na nagsitawanan yung mga babae sa labas.

 

“Ang saya nila, sana ol” sabi ni Ryujin na napapakamot na lang ng noo

 

“Gusto ko sumali kila Baaaamb”

 

“Eh bawal nga tayo” pagsita ko

 

“Alam ko na! May naisip ako, mga jowa niyo naman nandun sa labas. Sasabihin ko na may kaklase ako dito sa building na nagigirls overnight din, tapos inaaya ako. Edi selos yung mga ‘yun kapag sinabi ko tapos papasamahin na tayo sa overnight nila diba?”

 

“Labas ako jan, ayaw ko sumama. Matutulog na lang ako dito”

 

“Ang korni mo talaga Winteong, miss ko na bamb ko ehh”

 

“Ew Ning, ang clingy mo”

 

“Pag inggit, pikit ka Ryujin ha?”

 

“Ulol, sarap sarap maging single diba? Winter?”

 

“Wag niyo ko kausapin”

 

Busy kasi ako magbasa ng fanfic, tapos ang gulo nila. Ayaw ko na din makigulo sa plano nila kasi panigurado sobrang gulo nanaman yun. Pagod na ako at wala ng energy para dun.

 

Naisip ko tuloy bigla si Rina sa labas, yung araw araw ko siya nakikita at nakakasama pero miss na miss ko pa rin siya. Gusto ko bumalik ‘yung dati, na siya ang nakikita kong una pagkagising at huli pag matutulog.

 

Ang hirap kapag nakasanayan, pero kasi maganda talaga ‘yung sitwasyon namin ngayon. Maraming restrictions pero nakakabuti sa inyo pareho. Nakakapagfocus kami sa studies at walang unnecessary na away kapag pagod.

 

Iba talaga kapag alam mong sayo na siya, kampante ka kapag nag-away kayo; magkakasundo at magkakabati ulit kayo.

 

Unlike kapag ganito, para kaming naglalakad sa manipis na tali. Natatakot awayin yung kabila or magmatigas kasi anjan yung chance na pwede siyang umalis. Nangangapa ka, mas lumaki yung respeto para sa isa’t-isa which is dapat ganito din kapag nasa relasyon kami. Hindi ba?

 

“Hoy Winteong, ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatunganga”

 

“Onga pre, may problema ba?”

 

Naramdaman ata nila ‘yung lungkot ko, naging seryoso kasi bigla ‘yung dalawa. Tumingin ako sa kanila, ngayon naisip ko na lagi ko sinasarili yung emosyon ko. Hindi ko nasheshare sa iba kaya bumibigat sa feeling.

 

“Namimiss ko si Rina” malungkot kong sinabi sa kanila, wala naman masama sabihin ko sa kanila kasi kaibigan ko naman sila

 

“Alam namin Winteong, alam din namin na hirap na hirap ka sa sitwasyon niyo” panimula ni Ning

 

“Onga pre, kaya ka nga namin niyayaya ng niyayaya maglaro para malimutan mo kahit papano. Kasi hindi mo sinasabi sa amin nararamdaman mo so hindi namin alam kung pano ka mag-cope up” may pagkamature din pala minsan ‘tong si Ryujin noh?

 

“Nirerespeto ko din kasi ‘yung desisyon ni Rina, at mas nakabuti naman talaga sa amin pero hindi ko maiwasan malungkot at isipin siya”

 

“Ang gulo din kasi Teong, parang ang ed up din ng sitwasyon niyo. Imagine love na love niyo pa din isa’t-isa tapos hindi niyo maexpress kasi nga may pumipigil sa inyo. I mean naiintindihan naman namin na nakakabuti siya sa inyo, pero ayaw niyo bang pag-usapan niyo na lang muna na matulad sa current setup niyo na nakakabuti sa inyo pero kayo pa din?”

 

“Oo, ang hirap at nakakafrustate kasi tingnan kayo pre. Pwede naman maging kayo, nastuck lang kayo sa takot na masira kayo sa constant na away niyo. Which is ang alam ko na napaguusapan naman para maprevent”

 

May point naman sila, sa totoo lang yan din gusto ko mangyari. Yung sinasabi nila pero di ko lang alam kung paano. Pero atleast ngayon alam ko na gagawin. May pakinabang naman pala ‘tong mga ugok na ‘to.

 

Pero may naisip ako, siguro kaya kami naging ganun kasi hindi maayos yung pagiging kami. I want to do it in the right way.

 

“Alam niyo kayong dalawa, ngayon lang kayo may naging pakinabang sa akin” pagbibiro ko sa kanila

 

“Ulol ka, ganito lang kami pero mahal ka namin” nakakadiring sabi ni Ryujin

 

“Salamat guys, alam ko na gagawin ko. Liligawan ko si Rina”

 

“Taena naman Winteong! Sunggaban mo na lang ulit, pag-usapan niyo. Nakakafrustrate yan, ang bagal nanaman ng magiging phase niyo”

 

“I want to do it right Ning, deserve din naman ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ 16 streak #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ 16 streak #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1151 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅