Just So You Know

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Today is 29 at excited na akong sunduin si Rina, 6am pa lang ay gising na ako. Tinext ko si Rina na before 10am nasa kanila na ako.

 

“Ang saya ng umaga ni Bunso, reunion na nila ng jowa niya” pang-aasar ni Ate Seul nang makasalubong ko siya sa hallway, magkatapat lang kasi kwarto namin.

 

“Oo, kaya wag mo spoil yung saya ko Ate Seul ah!”

 

“Down bad si Bunso” sabay pisil ng cheeks ko

 

“Aray, akala mo naman ikaw hindi? Bottom ka nga kay Ate Irene”

 

“Hoy! Yang bibig mo!” nagmamadali naman ako pumasok sa bathroom para di na ako makulit ni Ate Seul.

 

Wala pang 5mins ay may kumakatok na sa pintuan ng bathroom, “Sino yan?” narinig ko boses ni Ate Taeng

 

“Si Winter to Ate, bakit?”

 

“Bilisan mo jan, magshashower ako”

 

“Dun ka na sa baba magshower, Ate!”

 

“Ayaw ko, gusto ko dito sa taas”

 

Ano ba yan? Bakit ang aga nila magsigising?

 

“Teka lang, 5 more minutes!”

 

“Basta dalian mo, titimpla akong kape”

 

“Gawan mo din ako Iced Coffee, Ate!”

 

“Sige”

 

Tamang tama need ko din ng kape, 2am na din kasi ako nakatulog kanina gawa ng excited ako masyado. Buti na lang si Ate Taeng, magaling magtimpla yun ng coffee. Siya lang nakakagamit ng coffee maker namin, kung ano ano din biniling gamit ni Ate Taeng para sa mga coffee kaya naglagay si Papa Brad ng coffee counter para sa mga gamit ni Ate.

 

Pagkalabas ko ng bathroom ay dumerecho ako sa kitchen, ang saya lang na paggising ko laging may nakahanda na mga foods. Courtesy of Mama or Ate Taeng, kung sino mauna sa kanila magising.

 

“Oh bunso, nagluto ako ng tuyo at gumawa din ako ng itlog na maalat na may kamatis. Kung ayaw mo niyan, pagpiprito kita ng bacon”

 

“Wow! Tuyo, namiss ko kainin to!”

 

“Buti naman, pagod na din ako magluto. Nag-luto ng fried rice si Mama bago umalis para maggrocery” sabi ni Ate

 

“Aga naman ni Mama umalis”

 

“Eh isasama mo sa Rizal diba? Baka hindi siya makapaggrocery bukas at baka dumami tao”

 

“Ay sabagay, sana sinama niya na lang ako”

 

“Ano oras ba kayo aalis?”

 

“Mga 8 pa naman Ate”

 

“Sige, kumain ka na jan. Magshashower na ako, tawagin ko na rin sila Sulge para bumaba at sabayan ka kumain”

 

Early bird talaga mga tao dito sa amin, kaya nasanay din ako magising ng maaga. Tumango na lang ako kay Ate dahil busy na ako maghain, nagutom talaga ako kasi ang bango ng tuyo.

 

Maya-maya pa ay nakita ko si Ate Seul kasama si Ate Irene bumaba, nagpupungas-pungas pa si Ate Irene at mukhang bagong gising.

 

“Uy ang bango ahhh!” bulalas ni Ate Seul

 

“Morning Minjeong” bati ni Ate Irene

 

“Good morning po Ate Irene”

 

“Tagal ko ng hindi nakakain ng tuyo, sakto luto ni Ate ahh. Ay babe, okay lang ba sayo tuyo? Ipagluto kita ng bacon gusto mo?”

 

“It’s alright babe, I missed tuyo too”

 

“Alright, tara kain”

 

Medyo ang weird pa rin talaga yung professor ko ay nakikita ko araw-araw with pambahay na clothes at bagong gising. Unang una, professor ko nga siya tapos pangalawa crush ko si Ate Irene nung una ko siyang makita like, super nagandahan ako.

 

Pero syempre, si Rina pa din pinakamaganda para sa akin. Hanga lang din ako sa katibayan nitong si Ate Seul, lakas ng loob magjowa ng professor.

 

“Makatingin ka sa girlfriend ko parang matutunaw ah? Ayos-ayusin mo Minjeong, taken na yan” hindi ko naman namalayan na nakatitig ako kay Ate Irene

 

“Parang ewan naman ‘tong si Ate Seul! Mahiya ka nga, nahihiwagaan lang ako kung bakit pumatol sayo si Ate Irene”

 

“Hoy, tingin mo sa akin? Alam mo kung hindi ka lang bunso ng mama ko naku, swerte mo”

 

“Oh anong problema sa bunso ng mama mo?” pag-entry naman ni Ate Taeyeon na freshly showered at tumabi sa akin para kumain

 

“Wala Ate, papansin lang tong si Bunso. Overjoyed ata na may reunion sila ng jowa niya”

 

“Kanina pa yan nakangiti, akala ko nga mapupunit yung lips niyan” aba pinagtulungan na ako ng dalawa kong Ate kaya di na lang ako sumagot

 

“Ay teka nga, okay lang ba sayo Irene yung ulam? Gusto mo ipagluto kita ng ibang ulam? May bacon jan?”

 

“Ay okay lang ako dito Ate, I also missed eating tuyo po” nagbablush pa si Ate Irene nang sumagot siya kay Ate Taeng

 

“Ate, natanong ko na girlfriend ko. Maalaga kaya akong jowa”

 

“Naninigurado lang ako, may pagka-dense ka minsan. Buti naman attentive ka kay Irene”

 

“Peuroud ka ate?” nagsalita naman si Ate Seul ng may laman ang bibig

 

“Babe, chew your food first before talking” napatikom naman agad ng bibig si Ate Seul

 

“Whipped” bulong ni Ate Taeng sa akin kaya medyo nagpigil ako ng tawa

 

“So Minjeong, Karina will stay with you until New Year?” tanong ni Ate Irene

 

Linunok ko muna yung kinakain ko kasi baka mapagsabihan din ako, “Yes po, sabay po kami babalik sa university”

 

“That’s good then, you girls can go back with us. We will drop you off”

 

“Ay talaga po? Sige po Ate Irene hehe, thank you po!”

 

“Sana ol nag-aaral” comment ni Ate Taeyeon

 

Narinig ko naman tumawa si Ate Irene ng mahina, cute din ng tawa niya eh. Nagsisimp ata ako kay Ate Irene ng slight. Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanila at nagfocus na lang sa pagkain ko.

 

 

—-

 

Dumating din si Mama ng bandang 7:30am kaya agad siyang nagbihis para makaalis na kami. Excited na ako makilala ni Mama si Rina kaya hindi ko mapigilan yung ngiti ko.

 

“Ready na ako, anak. Let’s go?”

 

“Sige po Ma, tara. Ate Taeng, Ate Seul! Alis na kami!”

 

“Ingat bunso at Mama” sabay na paalam ng mga Ate

 

“Kayong dalawa, huwag niyo pasakitin ulo ni Irene ah. Irene pagpasensyahan mo na lang yang dalawa pero hatawin mo na lang ng kaldero sa ulo kapag ayaw paawat. Ako bahala sayo”

 

“Yes po Tita, thank you” natawa pero nagbeso naman si Ate Irene kay Mama

 

“Behave lang kami, Ma” parang ewang naglagay pa ng kamay sa dibdib niya si Ate Seul na parang bang naglulupang hinirang.

 

—-

Nasa kotse na kami ni Mama tapos nagtanong siya ng ilang questions about kay Rina. Muntik ko na nga masabi na kilala niya dati yung mom ni Rina.

 

“So, bunso. Kamusta? Ano naman pakiramdam ng may lover?”

 

“Masarap pala, Ma? Lalo na kung tama yung tao”

 

“Malaki na nga talaga ang bunso ko, marunong na sa love”

 

“Pero Ma, okay lang sayo? Hindi ka disappointed sa amin?”

 

“Anak, bakit naman ako madidisappoint sa inyo? Hindi naman kayo nagbago, kayo pa din yan. My blessings. Mahal ko pa din kayo unconditionally. Kayo pa din yan ang mga anak ko, kung saan kayo masaya edi dun ako”

 

“Ma, wag mo naman ako paiyakin niyan. Nagdadrive ako eh”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ 16 streak #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ 16 streak #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1152 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅