Always Remember Us This Way

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

“So, for good na kayo ni Giselle sa US?”

 

“Yes, I think it’s time” 

 

“Akala ko naman babalik-balik ka dito”

 

Nag-uusap kami ngayon ni Ning sa office ko. Nagulat ako na may plan agad siya sa US kasi parang last time nagpapanic siya na fall out of love siya kay Giselle.

 

“Siraulo ka ba? Papabyahihin mo ako ng ilang flight sa isang month? Besides we still have 5 months bago masettle lahat sa US. Wag ka na malungkot ulol”

 

“Hindi ako nalulungkot. Masaya pa nga ako at aalis ka na” 

 

“Wag ka na magpanggap, kilala kita”

 

“Wag ka nga feelingera diyan”

 

Pero sa tama siya, nakakalungkot talaga, ilang taon kami naguulolan ng ulol na ‘to halos araw-araw. Kasama ko siya sa college tsaka kasama ko sa adulting. Akala ko dati, simpleng roomate ko lang siya nung college na hindi ko magiging close.

 

“Anjan nanaman si Karina para sa’yo eh, hindi mo na ako kailangan”

 

“Napakadrama mo, magtrabaho ka na nga jan”

 

“MGA PRENDS!” biglang may pumasok na unggoy sa office ko, alangya favorite nilang tambayan talaga yung office ko.

 

“Ano ba naman yan Ryujin, mahiya ka nga sa labas. Rinig na rinig sigaw mo.” naiirita kong bati

 

“Heh, tingnan niyo ‘to!” Hindi niya ako pinansin kasi excited na excited si Gaga ipakita sa amin ang isang

 

DIAMOND RING?!

 

“GAGO RYUJEN!” sabay kami ni Ning nagulat

 

“Magpopropose na ako kay Yeji. Sino best woman ko sa inyo?”

 

“Hindi ka naman sure kung yes ang sagot niya” asar ni Ning

 

“Ang korni mo! Paano mo naman nasabi? Panget ka!”

 

“Pero kelan mo balak?” tanong ko

 

“Sa birthday niya hehe”

 

“Sisirain mo pa birthday niya” natatawang sabi ni Ning

 

“Ang bitter mo, kamusta kayo ni Giselle? Kamusta feelings mo?”

 

“Hmm, masaya naman ako. Masaya siya, yun ang mahalaga”

 

“Ang gulo mo, makikipag-live in ka sa ibang bansa sa kanya tapos ganyan ang sagot mo?” tanong ko

 

“Dadating tayo jan, babalik yan. Basta gusto ko si Giselle lang. Wala ng iba” hindi ko talaga minsan maintindihan ang mga ‘to minsan.

 

“So Ryujin, big step na agad gagawin mo ha? Ready ka na ba?”

 

“Oo naman, excited na nga ako magkaroon ng baby Yeji at Baby Ryujin” inlab na inlab si Gaga oh.

 

“Ikaw na Ryujin. Ikaw na”

 

“So ano plano mo?” nacucurious din ako kung pano siya magpopropose.

 

“Hmmm, syempre sa harap ng magulang niya. Sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya. Ipapakita ko sa kanila na matapang akong harapin at yayain siya magpakasal sa harap nila. Kaya magreready tayo ng malaking birthday party para sa future wife ko” kinikilig pa nga niyang sinabi sa amin.

 

“Buti talaga napatino ka ni Yeji” pang-aasar ni Ning.

 

“Excuse me? Matagal na akong matino noh? Kayo lang nagsasabi na hindi, ganyan kayo eh”

 

“Hey hey tigilan niyo na yan. Sabihan mo lang kami Ryujin ng gagawin namin ha? Congrats! Deserve niyo yan, alagaan mo si Yeji ah?”

 

“Oo naman, ako pa ba?” 

 

“Ikaw Winter? Anong balak mo kay Karina?” bakit naman biglang napunta sa akin? Itong si Ning talaga, nananahimik yung tao eh.

 

“Wala? Masaya naman kami?”

 

“Wala ka balak sa inyong dalawa?”

 

“Bakit ako magbabalak? Kami pareho nasa relasyon, sabay namin pagdedesisyunan mga bagay bagay na tungkol sa aming dalawa. Tsaka we’re taking it slow kasi antagal kaya niya nawala”

 

“Sus, huli pa ata kayong dalawa ikakasal. Mauuna pa ata sa inyo yung mag-bamb”

 

“Edi mauna sila, di naman ako nakikipagpaligsahan noh” 

 

“Ah basta, alagaan niyo mga jowa niyo. Wag niyo na pakawalan. Proud ako senyo” bakit naman biglang naging emotional ‘tong si Ning.

 

Maya maya pa ay tumunog ang phone call indicating na may call ako. Nakita ko name ni Rina kaya napangiti ako.

 

“Oh baby?”

 

“Guess what?”

 

“What?”

 

“Guess nga ehh”

 

“Give me a clue” lumayo ako kila Ryujin para kausapin ng maayos si Rina.

 

“Las Vegas”

 

“Kahit kailan talaga hindi ka marunong magbigay ng clue” natatawa kong sabi, sakit niya kasing ibigay ng buo yung sagot kapag naeexcite siya.

 

“So yeaaah? May business trip tayo sa Las Vegas!”

 

“Excited na excited ka ah?” 

 

“It’ll be fun, magstay lang tayo ng ilang araw after the meeting so we can have fun!”

 

“Kailan ba?”

 

“This weekend ang flight natin! And we have time para makaabot sa birthday party ni Yeji!”

 

“Ohhh, okay baby! See you later, plan natin ang trip natin later pag-uwi natin?”

 

“Yes pleaseee! We’re going to Vegas baby!”

 

“Alright! See you later baby?”

 

“Seee youuu mwa!”

 

 

 

6pm na nang kinulit kami ni Ryujin na sunduin namin ang Ate niya sa airport. 

 

“Kaya ka ba pumunta sa office ko para magpasama sa amin?” tanong ko

 

“Medyo, sakto naman kasi busy din baby ko kaya kayo muna guguluhin ko. Tsaka mabait naman yun si Ate”

 

First time namin makikilala Ate niya, wala kami halos alam sa parents niya kasi hindi daw siya tanggap ng mga ‘to at tanging Ate niya na nasa Korea yung nakakaintindi sa kanya. Andito din para supportahan at tulungan siya sa kasal niya.

 

“Ate! Dito!” 

 

“Ryuuu!” may nakacap at mask pero kita mo pa din na napakagandang babae niya, biglang yumakap ito kay Ryujin. May pagkakahawig naman sila sa mata hindi maipagkakaila pero gagi, ang ganda ng Ate ni Ryujin kahit nakamask. Nakakapagtaka na ngayon lang namin nameet.

 

“Kamusta Ate?”

 

“I’m fine Ryu, congratulations pala to your upcoming wedding!” excited niyang bati

 

“Ano ka ba Ate, hindi pa naman ako nagpopropose. Magpopropose pa lang.”

 

“I’m sure Yeji will say yes okay?”

 

“Hehe, thanks Ate. I miss you! Ay oo nga pala Ate, naikuwento ko na sila sayo. Si Winter at si Ning”

 

“Hello po!” bati namin ni Ning

 

“Omygod! Ang ku-cute niyo!”

 

“Mukha silang butiki noh?” tawang-tawa na sinabi ni Ryujin.

 

“Shatap ka nga Ryu, cute nga daw kami ehh. Hello po uhm Ate?” tanong ni Ning

 

“So Hee” nakangiting pagpapakilala niya samin

 

“Ate bat ang perfect niyo tapos kapatid niyo parang pinulot lang kung san san?” pang-aasar na tanong ni Ning

 

“I’m not even sure myself. But yeah, wala ako magagawa. Sister ko talaga siya” panggagatong ni Ate So Hee.

 

“Ewan ko senyo at jan na kayo, tara Ate. Hatid na kita sa hotel mo” 

 

“Siraulo ka ba Ryu, wala kami sasakyan. Hintayin mo kami” 

 

Minsan nakakatawa talaga ‘tong dalawang ‘to. Parang aso’t pusa lagi. Medyo malulungkot talaga ako kapag hindi ko na sila ganun kadalas makita. 

 

 

 

“I’m home!” bati ni Rina pagkapasok niya ng condo.

 

Nidrop-off kami ni Ryu sa office bago niya hinatid Ate niya sa hotel kasi daw ang ingay ni Ning. Kaya napagdesisyunan ko ng umuwi ng maaga para ipagluto si Rina.

 

“How was your day Rina?” tanong ko

 

“Ooh, do I smell chicken curry?”

 

“Damn right you did” natatawa kong sabi

 

“Yum! My day was pretty great, we get to travel sa LA this week”

 

“I’m excited na kasama kita sa trip” 

 

“So am I! There’s so

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1152 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅