Ghost

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Napagod talaga kami ni Rina buong araw kaya madali na din kami nakatulog agad. Pero 4am nagising na ako samantalang si Rina ay tulog pa din. Dahan-dahan akong bumangon at maingat na tumayo para hindi magising ang girlfriend ko.

 

Pagbaba ko sa dining area, nakita ko naman agad ang dalawa kong Ate sa na kumakain ng oreo. Naalala ko tuloy noong elementary ako, at dahil 6am ang pasok ko; 4:30am pa lang noon ay gumigising na ako para mag-ayos papuntang eskwelahan. Si Ate Seulgi high school nun tapos si Ate Taeyeon ay college na, sinasamahan nila ako gumising ng maaga para may kasabay ako kumain.

 

“Sabi ko sayo wag ka maingay, nagising tuloy si bunso” rinig kong saway ni Ate Taeng kay Ate Seulgi

 

“Hindi naman ako maingay eh”

 

“Yung pag-nguya mo kaya para kang natilaok”

 

“OA mo ate”

 

“Oh bunso, aga mo ata nagising? Hindi ka ba pagod?” bungad sa akin ni Ate Taeyeon

 

“Maaga din ako nakatulog eh, maaga din tuloy ako nagising”

 

“Oh kamusta naman kayo ni Rina?” tanong ni Ate Seulgi

 

“Okay naman, bakit mo natanong?” sabi ko habang kumukuha ako ng baso para sa gatas

 

“Ah wala naman, miss na miss mo siguro”

 

“Syempre naman, ikaw ba? Hindi mo ba namimiss si Ate Irene?”

 

“Pasintabi naman sa single dito, iba nga pag-usapan niyo. Puro kayo jowa”

 

“Asus, sabi mo may ka-MU ka?”

 

“Alam mo Sulge, hindi naman good as jowa yon. Tsaka talking stage palang kaya kami”

 

“Andami mong nakatalking stage ah? Tumagal lang sila ng what? 2 weeks?”

 

“Shut up Sulge”

 

“Woah woah, paano mo nalaman Ate Seul?”

 

“Nag-uusap kami ni Ate Taeng dati tungkol sa mga lalaki niya”

 

“Hindi niyo man lang ako sinasali??”

 

“Bunso, masyado ka pa kayang bata nun” pageexplain ni Ate Taeng

 

“Onga, tsaka akala ko talaga hindi ka magkakajowa” sabi naman ni Ate Seul

 

“Excuse me? At bakit hindi ako magkakajowa?”

 

“Napakasungit mo, may mga tao kayang lumalapit saken sa university natin na nagpapalakad sayo kasi daw tinatakot mo sila”

 

“Talaga? Madaming nalapit kay bunso sa school niyo?”

 

“Ay ewan, basta masaya na ako kay Rina. At kayong dalawang Ate, isali niyo na ako sa usapang jowa niyo ah?”

 

“Hindi na kami nag-uusap ng tungkol dun noh, tagal na nun”

 

“Oo nga eh, ni hindi ko nga alam na may jowa palang prof tong si Seul, hindi pa sinabi kay Mama na prof si Irene”

 

“Ate naman eh, alam mo naman sasabihin ni Mama eh. Hindi papayag yon, mayayari kami ni Irene nun”

 

“Ah basta, mag-ingat lang kayo. Delikado yang ginagawa niyo. Pwedeng makulong si Irene niyan”

 

“Nag-iingat naman kami Ate eh, hangga’t maaari sa malayo kami nagdedate para hindi kami nakikilala ng mga student niya”

 

“Kahit pa”

 

“Graduating na din ako Ate, last sem ko na oh?”

 

“Okay okay basta mag ingat pa din ah? Hindi ako nagkulang sa pag-papaalala sayo at ikaw Minjeong, wag mo pabayaan pag-aaral mo kahit anong mangyari”

 

“Opo Atee” pagpapacute ko

 

Hindi namin namalayan na 6am na pala, nagkukwentuhan lang kaming magkakapatid sa kusina habang kumakain ng oreo. Ang lakas pa din kasi ng ulan kaya hindi namin namalayan oras tapos madilim pa din sa labas.

 

Nagsibabaan na sila Ate Irene at Rina kaya nalaman namin na ala-sais na ng umaga.

 

“Baby, why did you leave me in your room?” nagtatampo si Rina kasi iniwan ko siya sa kwarto

 

“Sorry baby, iinom lang talaga dapat ako ng tubig kaso nakita ko sila Ate dito”

 

“What time did you wake up?”

 

“Around 4am siguro baby”

 

“That early? Are you not sleepy?”

 

“Hindi naman baby”

 

“Huy lovebirds! Kain na kayo ng breakfast dito, hindi pa  pala daw makakauwi sila Mama kasi stuck sila dun” saway sa amin ni Ate Taeng

 

“Makakauwi kaya sila sa birthday ko Ate?”

 

“Pagtumila siguro ulan?”

 

Medyo nakakalungkot lang na possible na hindi makauwi sila Mama sa lakas ng ulan. May bagyo din daw kasi sabi sa balita dahilan ng sobrang ulan at hangin.

 

“Buti nga nakapamili sila Mama ng panghanda, may lulutuin si Ate Taeyeon” sabi ni Ate Seulgi

 

“Excuse you? Pag hindi nakauwi si Mama, lahat tayo dito magluluto”

 

“Pati mga jowa namin? Ate?” nagtataka kong tanong

 

“Hey baby, I don’t mind helping sa preparations. It’ll be fun if all of us will work together” napakabait talaga ng girlfriend ko

 

“Walang problema sa girlfriend ko, napakasarap magluto nito” pagmamayabang ni Ate Seul habang naka-akbay kay Ate Irene

 

“Yes Ate Taeyeon, I like cooking din po”

 

“Tsaka laundry din, mas mahal pa ng bebe ko maglaba kaysa saken-hmp”

 

“Stop it Seul” saway ni Ate Irene kay Ate Seul pagkatapos niya itong sikuhin ng mahina

 

“Ako na walang jowa” walang emosyon na sinabi ni Ate Taeyeon

 

Nagtawanan na lang kami after samantalang si Ate Taeyeon ay padabog kumain ng breakfast.

 

“Why are you not eating?” tanong sa akin ni Rina

 

“Busog pa ako eh, dami kong nakain na oreo kanina”

 

“Hayaan mo yan Karina, naubos niya din isang pack ng oreo. Dinaan kami sa kwento ng batang yan” sabat ni Ate Taeng

 

Napatawa na lang si Rina at hinayaan na lang ako, tinabihan ko na lang siya kumain habang nakikinig sa radio na binuksan ni Ate Taeyeon.

 

Buong araw ay nagkulong lang kami sa kani-kanilang kwarto at lumalabas lang kapag kakain. Mga tinatamad pa din kasi dahil walang tigil ang ulan halos, titila pero ilang oras lang ay bubuhos ulit.

 

Kasulukuyang 3pm na at nakatambay lang kami ni Rina sa kwarto ko, nakakaguilty kasi alam kong boring ngayon sa bahay tapos hindi ko pa siya maipasyal.

 

“Baby, sorry ha? Nakulong ka lang dito sa kwarto ko” nagsorry ako sa kanya habang nakaupo kami sa sofa at nagbabasa siya ng libro

 

“Hey, it’s alright. I love being with you so I’m enjoying every hour with you. Don't worry about it”

 

“Hindi ka ba nagsasawa sa akin?”

 

“Why would I?”

 

“Makakasama mo ako for almost a week dito na walang ginagawa”

 

Hinalikan niya muna ako sa pisngi, and not gonna lie na kinilig ako, “Which part of ‘I love being with you’ ang hindi mo naintindihan?” nakataas na yung kilay niya and she’s so cute.

 

Sabay naman tumunog na notif namin kaya pareho kaming napatingin sa phone.

 

“It’s Ningning at Gigi, they want us to video call”

 

“Ikaw na lang sumagot baby, kuha ako ng holder para hindi mo na hawakan yung phone mo”

 

Tumango na lang siya kaya I made my way para kunin yung phone holder.

 

“Cute naman ng holder mo, si Stitch” comment ni Rina ng maibigay ko na sa kanya yung phone holder

 

“Bigay sa akin yan ni Miyeon nung high school”

 

“Miyeon? The Miyeon ng class b?”

 

“Yes?”

 

“I didn’t know na you two are close”

 

“Uhm, she likes me before kaya binigay niya sa akin yan nung birthday ko”

 

“Oh, I think I have my phone holder sa bag. Thi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ 16 streak #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ 16 streak #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1151 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅