If This Was A Movie

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Ningning

Nawi-weirduhan ako kay Winter nitong mga nakaraang araw, hindi niya na ako sinusungitan tapos ang bait bait niya. Natatakot tuloy ako, may ginawa ba siyang kasalanan sa akin? Eto ba yung epekto ng pagiging mag-jowa nila ni Karina?

Oo alam ko naman na magjowa na sila, nakakatawa lang itorture si Winteong na nagpapanic kapag nahuhuli ko sila ni Karina. Hello? Hindi naman kasi sila marunong magtago, halatang halata sila pareho mygad.

Naging okay naman ako lately, nasanay na ako sa set-up namin ni Giselle. Hindi ko alam bakit hindi niya mahiwalay-hiwalayan si Jeno pero willing naman ako maghintay hanggang sa maging okay ang lahat. Alam ko naman may dahilan si Giselle bakit hindi niya magawa gawang makipaghiwalay. Nandito lang naman ako, hindi ako aalis unless sabihin niya.

Naging kuntento muna ako for now, ayaw ko naman magkuwento kay Winter ng nakakadepress kong lovelife lalo na maganda lovelife niya. Baka maspoil ko pa, masaya na lang ako for them kasi sa wakas; sila na. Galing ng manok ko pero I doubt na si Winter yung unang nagconfess kasi napaka-torpe ng tropa kong yon. Pusta ko si Karina talaga unang nagtanong sa kanilang dalawa.

Nakakairita lang talaga tong si Winter kasi tuwing umaga katok ng katok sa pintuan ko or kapag nalimutan ko pang i-lock, bigla bigla na lang niya ako dinadaganan at nagsasabi ng good morning. Mayron kami pareho duplicate na susi sa room namin in case of emergency kaya ginagamit naman niya yon kapag nilolock ko yung pinto ko.

 

Flashback

"Goodmorning Ningning! Rise and shine!" bati sakin ni Winter habang nakadagan sa akin

Kaasar, nalimutan ko nanaman i-lock yung pinto ko. Lagi siyang ganito kapag nalilimutan ko i-lock yung pinto, nanggugulo sa umaga ko.

"Alis ngaaa, antok pa ako" reklamo ko

"Ako na nga lang yung nagmamagandang loob na bumati sayo ng goodmorning kasi wala kang jowa, tinataboy mo pa ako" pang-aasar niya

Lord, baka may paakyatin ako diyan sa inyo ng wala sa oras, napakabastos ng bibig.

"Aga aga nanaket ka!" reklamo ko

"Tumayo ka na kasi! Nakapagluto na ako ng breakfast, tumayo ka na jan tapos jogging tayo." excited na sabi niya sa akin

"Si Karina or Giselle guluhin mo, wag ako" inis kong sabi at nagtalukbong ng kumot kahit nakadagan siya sa akin

"Ikaw nga gusto ko kasamaaa, tayo ka na nga jan! Niiiiiing" pangungulit niya

"Wag mo na ako daganan, ito na, tatayo na. Alis na" pagsurrender ko

Hindi ko nalimutan siringan siya bago ako pumasok ng banyo para mag-ayos at magtoothbrush.

End of flashback

 

Parang sa tatlong araw na sunod sunod siyang ganyan sa akin kaya napagdesisyunan kong tumakas ngayong araw dahil naiirita na ako sa kakaganon niya. Sakto naman friday ngayon at wala silang maagang pasok. Naisipan kong kausapin si Karina para sa evil plan ko na "Oplan Winter stop bwisitin si Ning". Kaya niyaya ko si Karina na samahan ako bumili ng pagkain namin ngayon lunchbreak, hindi naman pumalag si Winter kaya ngayon, kasama ko si Karina.

"Karina, pwede bang favor?" panimula kong tanong sa kanya

"Oh Ning, what is it?" 

"Pwede bang ngayong gabi palit tayo ng room?" ang ridiculous ng tanong ko kaya hindi ako magugulat kung tatanggihan ako ni Karina

"Sure, yun lang pala" she just smiled at nagproceed ng bumili ng food namin.

Ganoon lang yun? Hindi niya ako tatanungin kung bakit? Tsaka teka hindi pa ako tapos.

"Wait Karina, may isa pa hehe" nagtataka naman siyang humarap sa akin

"Ano yon?" tanong niya ulit 

"Wag mo sasabihin kay Winter? Magpalit na lang tayo ng room kapag nakatulog na siya? 10:30pm - 11pm naman tulog na yun hehe" lalo tuloy siyang nagtaka

"Why is that? Is there something wrong?" dyosmiyo, bakit ba lagi sila naka-english ni Giselle nakakapressure tuloy mag-english din minsan

"Baka asarin kasi ako kapag nakita niya na nakipagpalit ako sayo eh" tumango na lang si Karina at nagsmile pa din, napakabait naman ng jowa mo Winter, kabalikt

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ 11 streak 0 points #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ 11 streak 0 points #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1143 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅