Into the Unknown

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

Simula nung self-declared dinner "party" naming apat last week, naalala ko nanaman ung 'Is that a pickachu' ni Giselle nang nakita nila underwear ko na nakasampay. Nagsimula din ung pagiging feeling close ni Ning kila Karina at Giselle.

 

Yung tipong nakikitawag na din siya na bes sa kanila. Tumatambay na din si Ning sa office ng SSG, grabe tigasin mukha nitong babaeng to. Minsan pa ay pinipilit niya ako sumama sa kanila. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapahigit sa isang to e, siguro dahil kay bebe ko.

 

Nag-uusap naman kami ni Karina, pero may kapangyarihan ata akong pa-awkwardin ung conversation ko with everybody kaya madalas si Ning sumasalo kausapin sila.

 

Minsan may naitutulong din pala si Ning kahit papano.

 

Pero kasi mahirap talaga magfocus lately sa mga ginagawa ko kasi parang every other day ay nagyayaya si Giselle gumawa ng plates kaming tatlo sa dorm namin. Si Ning naman tamang support lang at tagabili ng mga snacks namin. Pero bakit kasi laging nakasleeveless night gown ung suot ni Karina pag napunta sa dorm namin.

 

Isa ngayong gabi yung pagpunta nila Giselle dito para gumawa ng plates, pero ang catch dito; niyaya ni Ning si Giselle bumili ng dinner namin kaya naiwan kami ni Karina dito. Nadidistract talaga ko sa suot niya, lihim kong inabot ung remote ng aircon at nilower ung temperature. 

 

Maya-maya pa ay pansin ko na nagtataasan balahibo ni Karina indicating na nilalamig na siya. At dahil planado ko to, may nakahandang makapal na sweater dito sa tabi ko. Tumayo siya bigla.

"Winter, kukuha lang ako ng jacket ah? Nilamig ako bigla e" pag-papaalam niya.

 

Hindi ako sumagot, tumayo din ako at binigay sa kanya ung sweater na kanina ko pa hawak.

 

"Eto na gamitin mo, sayang naman punta mo sa kabila kung meron naman dito diba?" sabi ko na kinagulat naman niya.

 

"T-thanks Winter" agad naman niya sinuot ung sweater.

 

Pero very very wrong nanaman ata yung ginawa kong pag-alok ng damit ko kasi... it looks so fcking good at her. Holy cow, may butterflies nanaman sa tyan ko. Para akong natatae na ewan, malamig pero ang init ata ng mukha ko.

 

"Are you okay Winter? Namumula ka kasi." tanong naman niya saken. Kasalanan mo kaya to!

 

"Yep, I'm okay. Don't worry, reaction ko lang to kapag naiinis sa plate na ginagawa ko." pagdadahilan ko

 

"Gusto mo ba tulungan kita?" pag-aalok niya.

 

"Ay hindi okay naman na. Focus ka na jan sa plate mo." 

 

Tumango na lang siya at binalik ang attention sa plate na ginagawa niya.

 

 

Bakit ang tagal nila Ning? San pa ba sila bumili? Sa Trinoma pa ba? Marami naman pagpipilian dito sa taft ah? Nakakainis, nagugutom na din ako. 7:30pm na oh. Baka gutom na din tong si Karina, ang awkward lang din kasi pareho na kaming tapos sa plate namin.

 

"G-gutom ka na ba Karina?" tanong ko

 

"I think this is the first time you say my name?" Talaga ba? 

 

"Ah, di lang din kasi talaga ako palakibo"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ 15 streak #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ 15 streak #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1147 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅