4. Kyusi

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

🎵 At tulala

    Ang gusto ko lang ay ang totoo 🎵






 

            “Sugi, gising na.”

 

            Nagising ako sa mahinang boses ni Yuri at pagtapik nito sa akin.

 

            “Sige na, maligo ka na, tapos pumunta ka na sa baba. Kakain tayo.”

 

            “Wala akong gana kumilos.”, sagot ko at nagtalukbong ng kumot.

 

            “Sugi, wag nang makulit, please.”, mahinahon na sabi niya pero alam kong naiinis na siya.

 

            Bagsak ang balikat akong tumayo, kumuha ng tuwalya at nagpunta sa cr.

 

            Kasabay ng pagpatak ng tubig sa shower ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papaano ay naaalis sa ganitong paraan ang bigat sa dibdib ko na hindi ko alam ang partikular na dahilan.

 

            Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod na naman ang mga bangungot ko. Naaalala ko na naman ang mga kinakatakot ko. Iniiwasan ko na naman ang liwanag ng araw. At kahit saan ako tumingin ay wala akong makitang malinaw.

 

            “Sugi, labas na diyan.”, pagkatok ni Yuri sa pintuan ng cr. “Isang oras ka na diyan, baka naman pulmonyahin ka.”

 

            “Susunod na ako sa baba.”, sagot ko. Isang oras na agad ang parang sampung minutong pag-upo ko rito. Pinilit kong gumalaw at nilinis ang sarili ko.

 

            Nagbihis ako at bumaba. Nanlalambot ang tuhod na lumapit ako sa sala. Tumambad sa’kin ang iba’t-ibang uri ng pagkain na inaayos ng girlfriend ni Yuri.

 

            “Good morning, Sugi.”, bati nito na tinanguan ko lang.

 

            “Kumain ka na.”, sabi naman ni Yuri.

 

            Mayroong may sabaw na putahe, may prito, may sarsa, kanin, matamis, softdrinks, juice, pero tubig lang ang kinuha ko at ininom.

 

            “Sugi, ano na naman bang nangyayare?”, inis na tanong ni Yuri.

 

            “Love, kalma. Si Sugi ‘yan.”, bulong ng girlfriend niya.

 

            “Palagi lang daw coffee jelly ang kinakain mo sabi ni Aeri.”, sabi niya sa ngayon ay kalmadong tono. “Tinignan ko yung lalagyan mo ng gamot, huli ka sa pag-inom ng anim na araw. Hindi ka na rin makaligo. Tapos puro bote pa ng alak sa kwarto mo. Sugi, ano bang problema?”

 

            Nakakalungkot na dito kami kumakain ngayon sa maliit na lamesa sa sala at halos puro alikabok at sapot na ang malaking lamesang narra sa kusina. Hindi ko pa rin kayang pumunta duon at kumain. Kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin kaya.

 

            “Sugi, binabangungot ka na naman ba?”

 

            “Naaalala mo na naman sila?”

 

            “Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa’kin?”

 

            “Love.”, mas malakas na boses na pagpigil ni Ate Jess sa pagbomba niya ng tanong sa akin.

 

            “Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, Love.”, pag-amin niya.

 

            Hindi ko namalayan na may tumutulo nang mga luha mula sa mga mata ko.

 

            Agad na tumayo si Yuri sa tabi ko at niyakap ako. “I’m sorry, Sugi. Ayaw kong malungkot ka kapag nandito si Yuri. Tahan na. I’m sorry.”

 

            “Sorry din.”, sagot ko pero wala akong maipakitang emosyon. “Hindi ko rin kasi alam ang gagawin.”

 

            “Shhh…”, pag-alo niya at pinunasan ang mga luha ko. “Madami akong dalang coffee jelly. Kumain ka kahit ayon lang, please, tapos inumin mo na ulit yung mga gamot mo, okay ba 'yon?"

 

            Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot. Hinanda ni ate Jess yung coffee jelly at nakangiting inilagay ito sa harap ko.

 

            Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain sila at ako nama’y paminsan-minsan sumusubo ng paborito kong coffee jelly.

 

            Alam ko namang nahihirapan sila. Bukod sa ayaw kong iwanan itong bahay ni Lolo dahil ipinama niya ito sa Tatay ko, alam kong magiging pabigat lang ako kay Yuri kung sasama ako sa bahay nila at duon titira.

 

            Kung ako nga sa pag-alaga ng sarili ko ay hirap na hirap na, ano pa kaya sila?






 

            Malinis na ang sala at nakainom na rin ako ng gamot. Nagpatugtog si Yuri habang pabalik-balik na naglilinis ng kalat sa kwarto. Sinabihan ko naman siya na ako na ang mag-aayos duon pero umiral na naman ang pagiging mapilit niya. Hinayaan ko na lang siya habang nagkukwento dito ang girlfriend niya na tanging pagtango at iling lang ang nakukuha sa’kin.

 

            Nang matapos si Yuri sa paglilinis ay tumabi ito sa girlfriend niya. Walang sali-salitang pinunasan ni ate Jess ang pawis sa likod at muka niya sabay abot ng tubig. Inabutan niya rin ako na tinanggap ko naman sabay inom.

 

            “Sugi, ayaw mo bang bumalik sa pag-aaral?”, panimula ni Yuri.

 

            “Pagchi-chismisan at pagta-tawanan lang ako duon.”, sagot ko at umiwas ng tingin.

 

            Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. Ginulo-gulo niya ang buhok ko kaya tumingin ako sa kaniya. Kahit halatang pilit ay nakangiti siya sa akin.

 

            “Binili kita ng bagong diary.”, nilagay niya sa lamesa ang makapal na kuwaderno. “Ginaya ko ulit yung cover ng pinaka-una mong diary para ma-feel mo na ayan pa rin ‘yon.”

 

            “Nasaan na yung huli?”, pag-usisa ko. “Hindi pa ‘yon puno.”

 

            “Sugi…”, hinawakan niya ang balikat ko. “Iba na lang ang isulat mo o kaya mag-drawing ka na lang ulit. ‘Di ba nga dinrawing mo ako tapos niregalo mo sa’kin? Ang galing mo kaya.”

 

            Alam ko naman ang ibig niyang sabihin at alam ko na ang susunod na sasabihin niya kaya tumango na lang ako at ngumiti nang pilit.

 

            “Alam kong hindi ka magpapapilit na sa amin tumira kaya binili ka namin ng kasama dito.”, may pina-abot siyang isang maliit na kulungan kay ate Jess. “Sinabihan ko ‘yan na bantayan ka.”, tumawa pa siya.

 

            Isang maliit na puting kuneho. Nilabas ito ni Yuri at nakipaglaro dito. Bigla niya itong inabot sa akin at natuliro ako dahil nawi-wirduhan ako sa mga paa niya pero ayaw kong bitawan at malaglag siya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 787 streak #10
cant wait to start reading