Wala Nang Kumakatok
SilidIlang linggo na ang nakalipas mula nung iniwan nila ako.
Ilang linggo na ang nakalipas mula nung naging mag-isa ako rito.
Ilang linggo na ang nakalipas pero pinipilit pa rin nila na nandito ako dahil kasalanan ko.
Ito ang lugar na may sobrang katahimikan na hindi ko nagustuhan. Ang lahat dito ay puti; pader, damit ko, kama, kumot, at unan. Paminsan-minsang may pumapasok dito para turukan ako para daw mahimasmasan. At ayon ang dahilan kung bakit nakaposas ang isa kong kamay sa aking higaan.
Hindi ko matanggap ang dahilan kung bakit ako nandito, hindi naman ako nasisiraan ng bait.
Dahil sa maliit na bintana lang na tanging kamay lang ang kasya kaya ko nalalaman ang gabi at umaga.
Sa maghapon ay ang papel at lapis lang ang nakakasama ko. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi huminga.
Itinuring kong kalaban ang mga nakauniporme na pumapasok lang dito para magtanong ng paulit-ulit na tanong at kapag hindi nila nakuha ang gusto nilang sagot ay may ituturok sa’kin na kung ano. Ang sabi nila, gamot daw. Pero hindi ko naman kailangan ng gamot. Wala akong sakit at nagsasabi ako nang totoo.
Butas-butas na ang katawan ko dahil sa walang awa nilang pagturok nang paulit-ulit. Puro sugat na rin ang mga kamay ko dahil sa pagpupumiglas sa tuwing gagawin nila sa’kin ‘yon.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments