7. Kyusi
Silid🎵 Sasamahan ka sa Kyusi 🎵
Nakapag-dilig na ako ng halaman sa labas at nakapag-linis na rin ako rito sa loob. Kinuha ko si Hyunnie mula sa kulungan niya at umupo sa sofa.
“Gutom ka na ba?”, tanong ko sa kuneho. “Hindi na kita papakainin ha? Nado-doble kasi ang kain mo. Bubusugin kita tapos pipilitin ka pa rin kumain ni Irene. Ayaw ko naman lumobo tiyan mo.”
Ibinaba ko siya sa sofa at kinuha ang phone ko. Ite-text ko na lang si Irene. Ang tagal kasi, nagugutom na ako. Wala pang isang minuto ay nag-ring na ang cellphone ko. Agad ko rin itong sinagot.
“Miss mo’ko?”, bungad na tanong niya.
“Nasaan ka na? Gutom na ako.”
“Ay, pupunta ba dapat ako diyan?”, tumawa siya sa kabilang linya. “Hindi ako nainform, beh.”
“Okay.”, ibababa ko na sana ang tawag pero nagsalita siya.
“Sabi na, nakalimutan mo eh.”
“Ha?”, ‘di ako sigurado kung anong tinutukoy niya.
“‘Di ba sabi mo magga-gala tayo?”
Tinignan ko ang kalendaryo. “Ngayon ba ‘yon?”
“Ayan… isip ka na naman ba nang isip?”
“Hindi ah. Nakalimutan ko lang talaga.”
“Sus. Bilisan mo nang kumilos. Hihintayin kita dito.”
Ibinaba ko ang tawag at mabilis na naligo.
Pagkabihis ko ay binigyan ko lang ng pagkain si Hyunnie tapos umalis na rin ako.
Parang ang bilis lang ng biyahe at nakarating ako agad dito sa Cubao. Sumakay ako sa jeep papunta sa Mall na sinabi ni Irene.
Nakita ko agad siya nang makapasok ako sa Mall. Agad ko siyang nilapitan.
“Pinakain mo ba si Hyunnie?”, pambungad niya.
“Hindi mo ba tatanungin muna kung kumain na ako?”
“Alam ko namang hindi ka kumakain nang wala ako. Nasa’kin ba pinggan niyo?”, pagbibiro niya.
Binadya ko lang siya bilang sagot.
“Ang laki naman ng bag mo, sinama mo ba buong bahay niyo?”, unang tawa niya para sa araw na ‘to.
“Kaysa naman sa’yo. Ba-biyahe ka tapos wala kang dalang bag.”
“Ganda lang, beh. Sobra-sobra na ‘yan.”, sinabi niya ‘yon habang ipinangangalandakan ang muka niya.
Hindi ako tututol diyan. Sobrang ganda mo nga naman.
Parang magkasundong-magkasundo kami dahil sabay kaming lumiko sa KFC kahit hindi namin pinag-usapan. Tapos pina-upo na niya ako sa table at siya ang umorder. Tama rin ang inorder niya, ang paborito kong part ng manok. Binawasan na rin niya yung yelo sa softdrinks ko, ayaw ko kasi ng masyadong ma-yelo.
“Oh, uminom ka na ng gamot.”, utos niya. “Ako pa rin ba maglalagay sa bibig mo?”
Napatawa ako sa sinabi niya. Kinuha ko sa kaniya yung lalagyan ko ng gamot at uminom na.
“Nood tayong sine?”, pag-aya niya.
Naalala ko ang bilin ni Yuri. Baka daw matrigger ako ng kung anong mapapanood ko at ‘di ko makontrol ang sarili ko.
“Hello? Earth to Sugi”, ikinaway pa niya ang palad niya sa harap ko. “Anu ney?”
“Ayaw ko.”
“Sure ka? O natatakot ka lang?”, seryoso ang muka niya ngayon.
Tumungo lang ako bilang tugon.
“Hey.”, hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. “Kung gusto mong subukan, ako ang bahala sa’yo.”
Paanong may ganitong muka na nagawa si Lord tapos hinahayaan niya lang na pakalat-kalat ‘to dito? Dapat nasa langit lang ang mga diyosa.
“Dito lang tayo hanggang sa matapos kang tumulala diyan? Okay tayo don, teh?”
Napatawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya.
“May pasabi-sabi ka pang ikaw ang bahala eh ang liit-liit mo.”, pagbibiro ko.
“Ah, kaya pala halos magpabuhat ka na sa’kin nung nakakita ka ng palaka sa gate niyo.”, pang-aasar niya. “Pupunta talaga tayo sa ganiyang usapan?”
“Tara na nga, daldal mo.”, sabi ko na lang at tumayo na.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments