1. Huminga

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

            “Sugi! Sugi… gising.”

 

            Sa pagdilat ng mga mata ko, agad akong sumagap ng hangin.

 

            “Napanaginipan mo ba si…”, tumikhim si Yuri. “…si Irene?”

 

            Ibinangon ko ang katawan ko para mapaupo sa higaan. Umiwas ako ng tingin. Panaginip ba ‘yon? Umiling na lang ako bilang tugon sa kaniya.

 

            Nilapat niya ang kamay niya sa likod ko. “Sige na, maligo ka na. Tapos bumaba ka na para makakain na tayo, baka mahuli ka sa pag-inom ng mga gamot mo.”

 

            Tumango ako at kumilos na. Pagkatapos kong maligo at magbihis, umupo ako sa malambot na upuan dito sa kwarto ko. Binuksan ko yung drawing notebook ako. Napabuntong hininga na lang ako at bumaba na papunta sa sala.

 

            “Tapos ka na agad?”, gulat na tanong ni Yuri.

 

            “Dapat ba mamaya pa ako bababa?”

 

            “No… hindi naman sa ganon. Ngayon ka lang kasi mabilis na naligo.”, sumenyas siya na umupo ako sa tabi niya at tumawa naman ang girlfriend niya.

 

            Ibig sabihin hindi ako isang oras naligo? Hindi ko agad napansin pero oo nga, nakakagulat nga. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

 

            “Sugi, may good news kami ni ate Jess mo sa’yo.”

 

            Itinaas ko ang mga kilay ko habang tahimik na ngumunguya, inaabangan ko ang sasabihin niya.

 

            “Nagresign na kami sa trabaho.”

 

            Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa ibinalita niya. 

 

            “Sugi, water oh.”, agad na pag-abot ni ate Jess ng tubig.

 

            “Huy, okay ka lang?”, nag-aalalang tanong naman ni Yuri.

 

            “Paano kasi naging good news yung sinabi mo?”, napahawak ako sa dibdib ko.

 

            “Hindi pa kasi tapos!”, tatawa-tawang sabi niya.

 

            “Ang tagal mo kasi magkwento, Love. Deretsohin mo na.”, sabi naman ni ate Jess na natatawa na rin.

 

            “Pina-prank niyo ako, ‘no?”

 

            “Hindi ah.”, tumawa na nang tuluyan si Yuri.

 

            Napakunot ako ng noo. Para kasing pinagti-tripan nila ako.

 

            Hinampas ni ate Jess nang mahina si Yuri para sawayin ito. Tumingin siya sakin na naniningkit ang mga mata. “Sugi, we’ll stay here with you na.”

 

            Gusto kong mapangiti pero teka lang, “‘Di ba nag-iipon kayo? Pa’no ‘yon?”, nagpaplano na kasi silang bumili ng sarili nilang bahay, ang tagal na rin kasi nilang rumerenta.

 

            “Nag-apply na kami here.”, tugon ni ate Jess pagkatapos malunok ang kinakain niya.

 

            “Pero ang taas na ng posisyon niyo duon sa dati niyong company ‘di ba? Sayang naman.”

 

            “Okay lang ‘yon, Sugi. Mas gusto namin dito sa’yo.”

 

            Hindi ko na talaga napigilang mapangiti. Kung kailan hindi ko hiniling, tsaka nila tinupad. Ganon pala dapat ‘yon?

 

             “Yieee, kinilig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 786 streak #10
cant wait to start reading