Wala Nang Kumakatok

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

            Nakatalukbong lang ako ng kumot pero kanina pa ako gising. Hinihintay ko na buhatin din ako ni Nanay.

            “Yuri-baby, gising na. Kailangan nang maligo ng first honor.”, paglalambing ni Nanay sa ate ko. Grumaduate kasi siya ng kinder as first honor kaya ipinaghanda siya ni Nanay. “Hun, gisingin mo na rin si Sugi, paliliguan ko lang si Yuri.”

            “Sugi, anak.”, pagtawag ni Tatay. “Gising na, kailangan mo nang maligo.

            Nagkunwari akong bagong gising. “Good morning po, Tatay.”

            “Good morning!”, masayang bati niya sa akin. “How old are you na?”

            “Five!”

            “Very good!”, binuhat niya ako. “Happy birthday, anak. Lakad na, maligo ka na.” Hinatid niya ako sa pinto ng cr at nagderetso siya sa kusina. Nagluluto pala siya.

            Nakaupo lang ako habang naghihintay na matapos paliguan si Yuri.

Agad akong tumayo nang makalabas sila sa cr.

            “Good morning po, Nanay.”

            “Good morning, Sugi. Lakad na sa cr.”

            Naririnig ko dito sa loob ng cr ang mga tawa ni Yuri, baka kinikiliti na naman siya ni Nanay. Umupo lang ako habang hinihintay na may magpaligo sa akin.

            Dumaan si Nanay kaya lumiwanag ang muka ko at napangiti.

            “Oh, Sugi? Bakit hindi ka pa nags-start?”, tanong niya. “Open mo na yung shower tapos mag sabon at shampoo ka na.”

            “Opo.”, halos walang tunog na sagot ko sabay tuntong sa maliit na upuan para mabuksan ang shower.

            Siguro big girl na ako kaya hindi na ako pinapaliguan. Si Yuri kasi baby pa daw.



 

            Magsisimula na ang program sa tapat ng bahay namin. Nagkalat ang mga bata at mga nakabantay nilang mga magulang sa paligid.

            Mas malaki ang tarpaulin ni Yuri kaysa sa akin. Siguro dahil siya ang ate.

            Wala akong masyadong makitang kaklase ko. Sa pagkakaalam ko, may kaibigan naman ako duon kahit mga tatlo? Bakit wala sila dito?

            Nakarinig ako ng iyakan ng mga bata kaya muli akong napatingin sa paligid. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa dalawang clown na dumating, papalapit kasi sila sa’kin.

            Hindi ko na napigilang mapaiyak nang hawakan nila ako. Pumikit ako at nagtakip ng tenga. May sinasabi sila pero hindi ko na maintindih

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 787 streak #10
cant wait to start reading