Wala Nang Kumakatok

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

            “Libre lang po kapag 7 years old pababa.”, sabi ng babae sa cashier.

 

            “Tatay, free po kami ni Sugi?”, tanong ni Aeri kay Tatay.

 

            “Oo, baby. Kaya magpa-stamp na kayo duon sa loob.”, sagot niya. “Huwag masyadong lalayo, okay? Wait niyo kami diyan.”

 

            “Yeee-eeey! Yeee-eeey! Maglalaro kami for free!”, tumatalon-talon habang umiikot si Aeri sa saya.

 

            Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. Si Aeri ang practice-an ko para maging kagaya ko si Yuri, best ate. Okay lang ako sa pangalawa basta siya ang nasa una.

 

            “Ah, bungal!”, pang-aasar ng mga batang lalake sa tabi ng istatwa ni Mickey Mouse.

 

            Tumingin sa’kin saglit si Aeri tapos tinignan ulit yung mga lalake. Tumatawa pa rin sila habang tinuturo ang kapatid ko. 

 

            “Sugi, bungal daw ako.”, sumbong ni Aeri nang makalapit siya sa’kin, umiiyak.

 

            “Inggit lang sila kasi may invisible teeth ka.”, pag-aalo ko. “Tahan na, Aeri. Lagot sakin ‘yang mga ‘yan.”

 

            “Away mo sila?”

 

            “Gusto mo sapakin ko sila?”

 

            Nakangiti siyang tumango-tango.

 

            Itinikom ko ang kamao ko at akmang lalapit na sa mga lalake pero narinig ko ang boses ni Yuri.

 

            “Anong gagawin mo?”

 

            “Sasapakin ko yung mga ‘yon”, tinuro ko yung mga lalake. “Pinaiyak nila si Aeri.”

 

            Ginulo-gulo niya ang buhok ko. “Diyan lang kayo.” Taas-noo siyang naglakad nang medyo nakabuka ang braso. Hindi pa man siya nakakalapit sa mga lalake ay nagtakbuhan na ang mga ito.

 

            Tumawa kami ni Aeri.

 

            “Ang galing naman, Yuri!”, pumapalakpak pa si Aeri. “Pa’no mo gawa ‘yon?”

 

            “Magkunwari ka lang na malakas.”, bulong niya at nagtawanan kaming tatlo.

 

            Agad na tumakbo si Aeri kila Tatay nang makapasok sila sa entrance.

 

            “Sugi.”, pagtawag sa’kin ni Yuri. “Sabi ni Tatay, hangga’t kaya mong magtimpi, huwag na huwag kang mananakit ng tao.”

 

            “E’di silang mga hindi marunong magtimpi, pwede nila akong saktan?”, pag-usisa ko.

 

            “Pinapagalitan kasi yung mga nananakit.”, sagot niya naman. “I-sumbong mo na lang sila sakin tapos ako na ang bahala. Para ako na lang ang mapapagalitan. Okay ba ‘yon?”

 

            “Okay ba ‘yon sa’yo?”

 

            “Oo naman. Kapatid ko kayo eh.”

 

            Tumango-tango ako. “Yuri, bakit hindi ako tinuturuan ng ganyan nila Tatay at Nanay?”

 

            “Baka kasi hindi mo pa maintindihan.”

 

            “Pero naiintindihan naman kita.”, ngumuso ako.

 

            “Hayaan mo, ituturo ko sa’yo lahat ng ituturo nila sa’kin.”, ngumiti siya at ipinulupot ang braso niya sa braso ko.

 

            Hindi niya nasagot ang tanong ko pero okay na rin ako sa sinabi niya.





 

            Mahilig kaming mag-bonding sa mga amusement center o park. Bata pa lang kami, reward na para sa aming magkakapatid ang ganitong klase ng lugar. Palagi kaming kumpleto kapag pumupunta kami sa ganito.

 

            Pero ngayon ay paminsan-minsan akong natutulala. Nakita ko kasi sila Nanay kanina na nagtitiklop ng mga damit at inilalagay sa maleta. Aalis ba sila? Saan sila pupunta?

 

            Kumuha na lang ako ng lapis at nag-drawing. Dinrawing ko ang pabilog na lamesang kinakainan namin ngayon. Si Nanay na pinapagitnaan ni Aeri at Yuri. Tapos ako naman na nakatabi kay Tatay.

 

            “Wow! Ang galing pala mag-drawing ni Sugi.”, pagpansin ni Tatay sa ginagawa ko. “Hun, tignan mo yung drawing ni Sugi oh.”

 

            “Aba maganda nga.”, pagpuri ni Nanay na ikinatuwa ko. “Mahilig ka palang mag-drawing?”

 

            “Opo.”, sagot ko sabay tungo, nahihiya kasi ako kapag pinupuri.

 

            “Hindi lang po mahilig. Magaling pa!”, pagmamalaki ni Yuri. “‘Di ba nga po nanalo si Sugi ng drawing contest nung grade1? First place pa po!”

 

            “Nanalo ka?”, tanong ni Nanay at tumango naman ako. “Bakit hindi mo sinabi sa’kin?”

 

            “Sinabi ko po. Pero kailangan niyo pong samahan si Yuri nuon kasi nanalo din siya sa A1 child.”

 

            “Pasensya na, nak. Nagtatrabaho si Tatay at hindi kaya ni Nanay pagsabayin ang pagsabit sa inyo ng medalya, ang gagaling niyo kasi.”, pagpapaliwanag ni Tatay.

 

            “Okay lang po.”, tugon ko. “Palagi naman po akong binibili ni Yuri ng Plus at Fudgee Barr sa tuwing may napapanalunan ako.”

 

            “Very good talaga si Yuri-baby!”, komento ni Nanay at pinisil-pisil ang pisngi ni Yuri.

 

            “Si Aeri, may medal din ba sa pabilisang umubos ng candy?”, pabibiro ni Tatay at nagtawanan kaming lahat.






 

            “Excited na ba kayo? Pupunta tayo kay Lola at Lolo.”, sabi ni Tatay na ngayon ay nagd-drive.

 

            “Pwede po kami mag-play ng instruments ni Lolo?”, galak na tanong ni Aeri.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 787 streak #10
cant wait to start reading