2. Huminga

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

           Tapos na akong uminom ng gamot. [Send]

 

           [1 message] Okay, see you later, Sugi. :)

 

            See you.  [Send]

 

            “Ba’t walang smiley?”

 

            Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat kay Yuri. Hindi ko namalayan na nakikibasa na pala siya. Tumayo ako at akmang susuntukin siya pero tumakbo siya papunta sa girlfriend niya na nagluluto sa kusina. Hinabol ko siya at pilit na inaabot.

 

            “Love, baka mapagod si Sugi.”, pagsaway ni ate Jess.

 

            “Nagtatanong lang naman kasi ako kung bakit walang smiley yung reply niya kay Doc, nakangiti naman kasi siya habang nagte-text.”, nagtago pa si Yuri sa likod ni ate Jess. “Ewan ko ba diyan kung bakit ganiyan ‘yan.”

 

            “Bakit kasi nakikibasa ka?”, umirap ako at tinigilan ang pag-abot sa kaniya.

 

            “Tingin lang ih. Damot.”

 

            “Heh!”, lumapit ako sa kalan para tignan ang niluluto ng girlfriend niya. “Ate Jess, tulungan na kita.”

 

            “Thank you, Sugi. Pero duon ka na lang sa sala. Ayaw kong mapagod ka. Call mo na lang si Aeri or si Doctora.”

 

            “Love, huwag mo ngang pinapakilig ‘yan si Sugi. Magseselos na ako niyan, tignan mo.”, pagmamaktol ni Yuri.

 

            “Kakaadwa.”, bulong ko kahit natatawa naman talaga ako sa itsura niya. “Tawagin mo lang ako ate Jess kapag may iuutos ka.”

 

            “Okay!”, nakangiting tugon niya.

 

            “Oh, tara na. Baka maging crush mo pa ‘yan.”, sabad ni Yuri at inakbayan ako. Sinuntok ko nang mahina ang tagiliran niya.

 

            “Yuri, saan ka pupunta?”, tanong ni ate Jess bago kami tuluyang makalayo.

 

            “Sabi mo magpahinga na lang kami?”, seryosong tugon niya.

 

            “Anong kami? Si Sugi lang.”, nakapamewang pa si ate Jess habang may hawak na sandok. “Help me here.”

 

            Agad napalitan ng busangot na muka ang mapang-asar na itsura ng kapatid ko. Inasar ko pa siya bago ako bumalik sa sala.





 

            Nagpumilit na akong tumulong kila ate Jess nung inaayos na nila sa lamesa ang mga niluto nila. Pagkatapos naming madisenyohan ang loob ng bahay, sunod naman naming inayos yung garden. Death anniversary kasi ni Lolo at pupunta dito ang mga kamag-anak namin.

 

            Nung dumating si Aeri, nilamog niya muna ako sa yakap at gigil bago siya tumulong sa amin. Para lang kaming mga bata magkakapatid habang nag-aayos. Napaka mapang-asar kasi ni Yuri at sobrang OA naman ni Aeri.

 

            Unti-unti nang dumadating ang mga kamag-anak namin pati na rin ang mga naging kabanda at mga kaibigan ni Lolo. Nandito rin si Wanda na hindi ko na tinatawag na ale. Dumating na rin si Krystal. 

 

    

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 787 streak #10
cant wait to start reading