3. Huminga
Silid“Hello? Jy? Bakit nasa hospital si Lis?”, agad na tanong ko kay Jy nung sagutin niya ang tawag.
“Hindi ko nga alam eh. Nurse yung tumawag kay Rosé. Nasa emergency contact daw kasi siya ni Lis. Papunta na kami don.”
“Sige, papunta na rin ako don.”, sabi ko bago ibaba ang tawag.
Kabang-kaba akong sumakay ng taxi. Sinabi ko na kasing ‘wag akong sunduin eh, napakakulit na pinsan talaga ni Lis.
Bakit ba napakabagal ng mga sasakyan dito? Dumadagundong na yung dibdib ko sa kaba. Kahit minsan parang sira si Lis, nag-aalala ako nang sobra para sa kaniya.
Nagmadali akong nagbayad at bumaba ng taxi nang makatigil ito sa harap ng hospital. Napakainit pa. Habang lumalapit ako sa main entrance, lumalalim ang paghinga ko. Ayaw tumigil ng kabog ng dibdib ko. Nahihilo na rin ako. Hindi ko na nakayanan. Nanlambot ang mga tuhod ko at bumagsak ang katawan ko sa lupa.
“Miss? Miss!”, boses ng isang babaeng lumapit sa akin. “Miss, okay ka lang ba?”
Hindi na ako makapagsalita. Hindi talaga ako makahinga.
“Huy, Miss!.”, hinawakan niya ako at tinapik-tapik ang balikat ko. “Guard! Kuya guard, pa-help!”
Hindi ko maaninag ang muka niya dahil na rin siguro sa pagkahilo, pero kitang kita ko ang mga letrang nakasulat sa name badge niya.
E R I N
“Sugi…?”, pagtawag ni Yuri na nakapagpagising sa’kin. “Okay ka lang?”
Tumango ako. “Napanaginipan ko lang si…”, napatikhim ako. “…si Lis.”
“Ano? Nagka-trauma ka na sa kadaldalan niya kaya napapanaginipan mo
Comments