Wala Nang Kumakatok

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

            Tanaw ko mula dito sa inuupuan ko ang mga dati kong kaibigan. Alam kong pinag-uusapan nila ako at gusto nila akong lapitan pero alam ko rin na walang may lakas ng loob sa kanila na lumapit sakin. Takot kasi sila sa girlfriend ko.

 

            Mula kasi nung naging kami, palagi na niyang sinasabi na layuan ko yung mga kaibigan kong mahilig magbisyo. Sinunod ko siya at nakita at naramdaman ko naman ang pagbabago sa katawan ko.

 

            Pero itong mga kaibigan kong ‘to rin yung mga kasama ko sa ibang mga hilig ko katulad na lang ng pagbabanda. Kaya hindi ko mapigilang malungkot kapag nakikita ko sila.

 

            “Bubby, tara na?”, pag-aya niya. Hindi ko na namalayan na nandito na pala siya.

 

            “Saan tayo pupunta?”

 

            “‘Di ba ngayon yung birthday ng friend ko? Nasabi ko na sa’yo ‘to last week.”, pagpapaliwanag niya.

 

            “Nawala sa isip ko.”

 

            “Nawala sa isip mo o ayaw mo lang pumunta?”

 

            Napakunot ako ng noo. “May sinabi ba akong ganiyan?”

 

            “I’m just asking you, bakit ka nagagalit?”

 

            “Galit ba ako?”

 

            “Mataas ang boses mo. Nasa harapan mo lang ako, Sugi, hindi mo kailangang sumigaw.”

 

            Napatikhim ako nang mapagtanto ko na lumakas nga ang boses ko. Kasi naman, nakalimutan ko lang naman talaga na ngayon yung lakad namin.

 

            “Kung gusto mong sumama ulit diyan sa mga kaibigan mo, sabihin mo lang.”, galit na siya, alam ko. “Pwede naman na ako na lang ang umalis.”

 

            “Bakit napunta na naman diyan ang usapan?”

 

            “Ibang-iba ka kapag nandito tayo sa school kaysa kapag tayo lang dalawa.”, tumingin siya sa mga kaibigan ko, “dahil ba ‘yon sa kanila?”

 

            “Ate Aren, need ka daw sa SC office, ASAP”, pagsingit ng isang member ng SC.

 

            “Ay, LQ yata.”, bulong nung kasama niya.

 

            “Bakit kasi ayan pa jinowa ni Presi?”, tugon niya na pabulong din.

 

            Sinenyasan muna siya ni Aren bago tumingin sa’kin. “I’m sorry, Bub. Let’s talk later ha? Please. Let me know what’s on your mind.”

 

            Oo, minsan nami-miss ko talaga yung mga dati kong kaibigan. Pero hindi naman umaabot sa punto na aakto ako ng kakaiba sa girlfriend ko dahil lang don.

 

            Yung nangyare bago siya umalis, yung bulungan ng mga members niya, ayon talaga ang dahilan. Feeling ko lahat ng kakilala niya, ayaw sa’kin para sa kaniya. At hindi ko maintindihan kung bakit.

 

            Minsan iniisip ko, siguro dahil sa background ng mga dati kong kaibigan sa school, mga nagyoyosi at umiinom kasi sila. Pero anong kinalaman nuon sa lovelife ko? May sarili naman akong isip. Isa pa, hindi ko na sila nakakasama.

 

            Minsan naman iniisip ko, siguro dahil may mas gusto sila na iba para kay Aren. Yung vice president ng SC.

 

            Minsan din iniisip ko, baka nga hindi ko talaga natatapatan yung mga nagagawa niya sa’kin at para sa’kin.

 

            Hindi ako sigurado, basta alam ko lang na ang hirap huminga nang maluwag kapag magkasama kami dito sa school. Parang bawat galaw ko, may masasabing masama ang mga kakilala o kaibigan niya. Ayon din ang dahilan kung bakit hindi na ako kasing daldal ng dati at hindi na ako active sa extra curricular activities.





 

            

            Nakarating kami dito sa birthday party ng kaibigan niya nang hindi ako masiyadong nagsasalita. Ang sabi niya kasi, mag-uusap daw kami. Ang dami kong gustong sabihin na matagal nang gumugulo sa isip ko pero wala siyang oras para pakinggan ako. Hindi ko naman siya masisisi, madami siyang ginagawa sa buhay.

 

            May mga ilan siyang kaibigan na kinakausap ako pero ramdam kong hindi naman talaga sila interesado. May mga ngumingiti, pero parang hindi naman totoo. Kung hindi mo kilala ang circle of friends nila, aakalain mong yung girlfriend ko ang may birthday. Halos lahat kasi, excited o sayang-saya na makausap o makasama siya. Hindi ko sila masisisi, si Aren ‘yan eh. Kaya hinahayaan ko na lang sila at nililibang ko na lang ang sarili ko sa mga inumin at kung anuman pwedeng pagdiskitahan dito.

 

            “Huyyyy! Sugi?!”, malakas na sabi ng isang babae. “…lead guitarist ng Bad Blood?!”

 

            Napangiti ako, may nakakakilala pala talaga sa banda namin? “Uhm… hi?”, nahihiyang bati ko.

 

            “OMG, ikaw nga!”, inabot niya sa harap ko ang kamay niya, “I’m Jane. I’m a fan.”

 

            Nakipagkamay ako sa kaniya.

 

            “Bakit hindi na kayo tumutugtog?”, tanong niya.

 

            “Nag-iba-iba na kasi mga priorities namin.”, agad na sagot ko. Ito kasi ang palagi kong isinasagot kapag may nagtatanong kahit hindi naman ito yung dahilan talaga.

 

            “Oh… Life.”, napatawa siya, “pero if ever ma-invite kayo ulit, tutugtog kayo?”

 

            Nag-isip ako saglit, hindi imposible na may mag-invite sa amin pero posible kaya na magsama-sama pa kaming magkakaibigan para tumugtog?

 

            “Huy!”, paggulo niya sa iniisip ko sabay tawa, “cheers na nga lang. Masyado kang seryoso.”

 

            Nag-usap pa kami ng ibang mga bagay. Parehas kaming mahilig sa music and instruments.

 

            “Bubba, kanina pa kita hinahanap.”, panimula ni Aren sabay hawak sa bewang ko. Nandito na pala siya.

 

            Ipapakilala ko sana si Aren kay Jane, kahit sa tingin ko magkakilala na sila, pero biglang sumenyas si Jane na aalis na siya kaya tumango na lang ako.

 

            “Bakit ka umiinom?”, tanong ng girlfriend ko.

 

            “Aren—“

 

            “Aren na lang?”, taas-kilay na sabi niya sabay crossarms.

 

            Napatawa ako sa kaniya. Strong independent woman at madalas naka-leader mode siya pero gumaganito sa’kin. “Ali, inuman naman ‘tong celebration ‘di ba? Anong gusto mong gawin ko dito?”

 

            “I mean…”, kinuha niya yung hawak kong canned beer, “wag ito inumin mo, mag flavored beer ka or SanMig light. Bigay niya ba ‘to sa’yo?”

 

            “Ha?”, hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.

 

            “Bub, stay away from Jane.”

 

            Napakunot ako ng noo. “Bakit?”

 

            “Basta, stay away from her.”

 

            “Pwede bang reason ang basta?”, totoong napatawa ako.

 

            “Why? Close na ba agad kayo?”, seryoso ang pagbalik-tanong niya.

 

            “Nagse-selos ka ba?”, hindi ako nagfi-feeling, gusto ko lang malaman.

 

            “Hindi.”, napairap siya. 

 

            “Eh bakit ganiyan ka? Alam mo bang siya lang yung kumausap sa’kin dito? Lahat ng kaibigan mo, hindi gusto na nandito ako.”

 

            “Nandiyan na naman tayo? Bub, akala ko ba tapos na ‘yan? Sabi mo okay na ‘yan?”

 

            “Sinabi kong okay na ‘yon kasi akala ko magiging okay talaga kapag nagbago ako. Pero meron ba? Wala naman. Nilayuan ko na nga yung buhay ko dati pero ganon pa rin. Ayaw pa rin nila sa’kin.”, paliwanag ko.

 

            “Alam mo, umuwi na tayo.”, tanging tugon niya sa sinabi ko. 

 

            Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya na wala man lang pumansin sa akin, patunay sa mga sinabi ko kanina.

 

            Halos 15 minutes na kaming nandito sa loob ng kotse ng tatay niya bago siya nagsalita.

 

            “I’m sorry, Bub.”, hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong lang sa binti ko. “Jane is a -stirrer, madami rin akong naririnig na hindi maganda about her.”

 

            Hindi ako nagsalita. Alam ko naman na hindi niya ako palalayuin sa isang tao nang walang katanggap-tanggap na dahilan. Pero hindi naman ayon ang gusto kong pag-usapan.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 786 streak #10
cant wait to start reading