Wala Nang Kumakatok
SilidNagmadali ako sa pagligo. Nabalitaan ko kasi na dito na rin daw titira sila Yuri, sabi ni Lola.
“Sugi, bilisan mo na diyan.”, rinig kong sabi ni Lola mula sa baba.
“Opo, Lola.”, tugon ko at binilisan ngang magbihis at magpulbos. Pagkababa ko sa kusina ay nadatnan ko si Lola na naghahain. Mayroong paborito kong itlog, daing, hotdog, gulay, masarap na sinangag, at siyempre, kape. Si Lolo naman ay katatapos lang paganahin ang radyo niya tapos naghugas na rin ng kamay at binuhat ako papunta sa Lamesa.
Nasanay ako sa ganitong klase ng umaga. Ang presensya ng Lolo at Lola ko ang nagbibigay sakin ng enerhiya para sa isang maghapon ko. Nagsimula na rin kaming kumain.
“Lola, sigurado po ba kayo na dito na rin titira sila Yuri?”, tanong ko. “Dito na po siya magge-grade 6?”
“Opo, pati si Aeri, papasok na rin sa school mo.”, sagot ni Lola at dinagdagan ang kanin sa pinggan ko. “Kain lang nang kain.”
“Excited na po ako!”, pag-anunsyo ko. “Lolo, pwede po ba naming gamitin ang mga instruments mo? Ituturo ko po sa kanila yung mga tinuro mo sakin
Comments