9. Kyusi

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

🎵 Sinabi mo ang totoo

    Pinagdudahan ko 🎵







 

            Nagising ako dahil sa pagsi-sigawan ng mga kapatid ko. Parang nag-aaway sila.

 

            Pinakinggan ko ang pinagta-talunan nila habang tahimik na naglalakad pababa.

 

            “Yuri, nagiging makasarili tayo!”

 

            “Pero duon siya masaya.”

 

            “Sige nga, tignan mo yung mga nangyayare. Muka bang mas o-okay siya sa kasiyahan niya?”

 

            “Aeri, pwede bang huwag kang sumigaw? Baka marinig ka niya.”

 

            “Yuri, alam kong napapagod ka na. Pero bumabalik siya sa dati, kailangan natin siyang tulungan.”

 

            “Sinong bumabalik sa dati?”, pagsingit ko. “Ano bang pinag-aawayan niyo?”

 

            “Si Irene.”, agad na sagot ni Aeri kaya napakunot ang aking noo.

 

            “Aeri, huwag. Hindi sa ganitong paraan.”, mahinahon na sabi ni Yuri. “Sugi, sa garden ka muna.”

 

            Hindi sana ako aalis dahil nabanggit ang pangalan ni Irene pero nakita ko ang hindi magandang aura sa kanilang dalawa kaya tama lang siguro na lumabas na muna ako.

 

            Isasama ko sana si Hyunnie sa labas pero wala siya sa kulungan niya.

 

            “Nasaan si Hyunnie?”, tanong ko sa dalawa. “Hindi ko siya makita.”

 

            “Sugi, tama na.”, tugon ni Aeri na ngayon ay umiiyak na. “Yuri, tama na ‘to, please.”

 

            “Hindi kita maintindihan.”, kunot-noong sabi ko. “Tinatanong ko lang kung nasaan si Hyunnie, ba’t ka umiiyak?”

 

            “Sugi, wala na si Hyunnie.”, si Yuri ang sumagot. “Patay na si Hyunnie.”

 

            Tumawa ako. “Pina-prank niyo ako ‘no?”

 

            Tumigil ako sa pagtawa nung hindi sila sumagot. Hindi sila mukang nagbibiro. “Imposibleng patay na si Hyunnie.”

 

            Hinawakan ako ni Yuri at pinaupo sa sala. “Sugi, may sasabihin ako pero gusto ko makinig ka lang muna. Kumalma ka lang. Pwede ba ‘yon?”

 

            Napakaseryoso ng muka niya ngayon at si Aeri naman ay parang galit pero umiiyak pa rin. “Ano ba ‘to? Ano bang meron?”

 

            “Sugi, nung bumalik kami dito ni ate Jess mo, mga isang buwan after namin siyang dalhin dito, nakita namin siya sa kulungan niya na nabubulok na.”, paliwanag ni Yuri.

 

            “Imposible ‘yan. Ang taba-taba nga niya kasi lagi siyang pinapakain ni Irene nang madami.”

 

            “Kumalma ka sa maririnig mo, huminga ka.”, hinawakan niya ang kamay ko. “Sugi, walang Irene. Hindi siya totoo.”

 

            Napatayo ako sa sinabi niya at natawa. “Ayan, sure na akong pina-prank niyo lang ako.”

 

            “Sugi, ‘di ba kinausap ko si Wanda kahapon tapos akala niya may ka-LDR ka? Sabi niya kasi daw kahit isang beses, hindi niya nakitang may kasama ka dito.”

 

            “Baka naman nagsi-sinungaling lang siya? Halos araw-araw nandito si Irene, kahit isang beses wala siyang nakita?”

 

            “Wala, Sugi.”

 

            “Imposible. Nililista pa nga namin ni Irene yung mga nagagawa namin sa araw-araw. Tignan mo pa duon sa kalendaryo.”, lumapit ako kung saan nakasabit yung kalendaryo pero tanging mga tally lang ang nakasulat dito. “Hindi ako ang naggu-guhit diyan.”, naguguluhang sabi ko.

 

            “Sugi, ikaw lang ang nandito.”, sabad ni Aeri na umiiyak pa rin.

 

            “Pumupunta dito si Irene!”, madiin na sabi ko. “Palagi nga siyang nagpapa-deliver ng pagkain at kape, siya rin yung may dala nung sirang coffee maker sa kusina, pinatingin ko pa nga kay Yuri ‘yon dati kasi baka pwede pang gawan ng paraan para hindi mapagalitan si Irene. ‘Di ba, Yuri?”

 

            “Sugi, yung mga pagkain na dine-deliver dito, kami ni Aeri ang umo-order non.”, naluluha na rin siya. Kinuha niya yung coffee maker sa kusina. “Ito, gift sa’yo ‘to ni ate Jess mo kasi nabanggit mo sa kaniya na mas gusto mo nang magkape kaysa alak. Nung pinatingin mo ‘to sakin dati, hindi naman talaga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 787 streak #10
cant wait to start reading