3. Kyusi
Silid🎵 Kahit may kaba
Pipiliting ngumuya 🎵
Muli kong pinatahimik ang alarm clock.
Tumayo sa higaan.
Naligo.
Naglagay ng palaman sa tinapay.
Uminom ng mga gamot.
Hindi na mabilang sa mga daliri ko sa kamay at paa ang paulit-ulit kong ginagawa sa araw-araw. Mamayang tanghali ay papakiramdaman ko pa kung gugustuhin kong kumain sa karinderya sa labas o magti-tinapay na lang ulit. Tapos mag-aaksaya na naman ako ng oras para tumulala. At mag-iisip ng walang katapusan sa gabi.
Bawal akong manood ng palabas nang hindi kasama sila Yuri. Bawal akong masyadong magpagod kasi baka hikain ako. Bawal akong lumayo kasi baka atakihin ako. Ang daming bawal na sabi nila, para sakin din naman daw. Naiintindihan ko naman pero nakakaumay ang mga pwede kong gawin dito.
Bumaba ako sa sala at tinignan ang bahay. Wala naman dapat linisin bukod sa mga alikabok. Hindi ko naman kasi ginagalaw halos lahat dito.
Tinignan ko ang mga album ng mga larawan na naitabi ni Lola. Unang buklat ko pa lang dito, isinara ko na rin agad. Larawan kasi ‘yon ng pamilya namin, nuong kumpleto pa kami. Lumapit ako sa piano na binili ni Lolo. Binuksan ko ito at tumipa ng mga letra. Maayos pa rin ang tunog pero kailangan nang malinisan. Hindi ko pa rin magawang umupo sa harap nito at tumugtog.
Ang laki ng bahay na ‘to. Pero walang tao. Kung nakakapagsalita lang siguro ‘to malamang sasabihin niyang kota na siya sa pagtatampo.
Naglibot pa ang aking mga mata at nadaanan nito ang tapat ng kusina, yung daan papunta sa cr. Tingin ko pa lang ang nandoon pero ramdam ko na ang pagsikip ng dibdib ko. Ito ang dahilan kung bakit yung nasa taas na cr ang ginagamit ko. Hindi ko pa rin mapuntahan ang lugar kung saan niya ako iniwan.
Lumabas ako ng bahay para sana huminga, pero ganon din dito. Ang hirap pa rin huminga kahit saan ako magpunta.
Bumili na lang ako ng pagkain na hindi ko rin naman nauubos kaya hinahatian ko lagi yung mga pusang gala. Hindi ko kasi alam kung paano ko magagamit ang perang binibigay ni Yuri. Palagi ko siyang sinasabihan na huwag na akong bigyan ng pera pero sadyang nasa dugo niya ang pagiging makulit.
Pabalik na sana ako sa bahay pero nakita ko na naman yung babaeng makulit. Taga dito rin ba siya?
Umiiyak siya sa isang upuan. Nagkatinginan kami pero tumungo lang siya. Hindi ko na lang pinansin kasi mukang may problema siya. Baka kagaya ko, gusto niya rin mapag-isa.
Kakaiba dahil habang lumalayo ako, mas lumalakas ang iyak niya. Napapikit ako nang matagal at bumuntong hininga bago ko siya binalikan.
“Ang init-init dito tapos umiiyak ka diyan.”
“Naiyak na nga ako, pinapagalitan mo pa ako.”, ungot niya.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin kaya umalis ako saglit nang hindi umiimik. Pumunta ako sa tindahan ni aling Wanda.
“Pabili nga pong ice cream, dalawa.”
“Sweet tooth ka na ngayon?”, tugon niya. “Dalawa pa talaga ha.”
Kinuha ko na lang yung binili ko at hindi na siya sinagot. Hindi naman kailangan magpaliwanag, binayaran ko naman.
Bumalik ako sa babaeng makulit at inabot ang dalawang ice cream.
“Ano ‘to? Para ba hindi na ako malungkot?”, tanong niya.
“Hindi.”, agad na sagot ko. “Hindi kasi ako nakapagpasalamat kagabi. Kaya ayan na lang.”
Umalis na rin ako agad nung nakita kong nag-ayos siya ng sarili. Baka kasi mapadaldal na naman siya.
Pero ramdam kong sumusunod siya sa’kin.
“Tig-isa tayo.”, alok niya.
“Para sa’yo ‘yan. Ayaw kong mag-ice cream.”, tugon ko at binilisan ang paglalakad.
“Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako umiiyak?”, tanong niya mula sa likod.
“Hindi.”
“Or kahit kung bakit ako malungkot?”
“Hindi rin.”, sagot ko. “Hindi naman masamang maging malungkot. Bakit kita kukwestyunin?”
“May point ka diyan.”, medyo hinihingal niyang sagot. “Pwede ba akong makisabay sa’yo magtanghalian?”
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya, ayan siya, naka-peace sign at naka-ngiti. Hindi sana ako papayag pero nakita ko ang namumugtong mga mata niya. Hindi naman siya mukang masamang tao at sa liit niya, muka namang wala siyang magagawang masama sa akin.
“Kumakain ka ba nito?”, tanong ko sabay taas ng dala kong plastic ng bicol express.
“Oo naman.”, lumiwanag ang itsura niya. “Tsaka may dala ako oh.”
Hindi ako makapaniwala sa taong ‘to. Sinong iiyak sa isang upuan sa gilid ng daan na may dalang binalot?
Kumuha na ako ng paper plates at disposable spoon & fork sa loob at dumeretso sa lamesa sa garden ni Lola. Nakangiti siyang kinuha sakin yung mga dala ko at naghain.
Kakaiba talaga ‘tong taong ‘to. Kanina lang ngumangawa sa labas tapos ngayon parang hanggang batok ang ngiti. Parang dapat na akong kabahan.
“Bakit naman ganyan ka makatingin?”, nagtatakang tanong niya. “Hindi ako magnanakaw, promise. Gusto mo picture-an mo pa ako tapos i-report mo ako sa pulis kapag may nawala dito kahit dahon lang.”
“Ang dami mo laging sinasabi.”, tugon ko at naglagay ng
Comments