5. Kyusi

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

🎵 At hahanapin ko ang tamang salita 🎵




 

            “Sugiiii, patingin kay Hyunnie.”, pagsigaw ni Aeri sa kabilang linya ng video call.

 

            “Taga palengke ka ba?”, tanong ko at napatulala.

 

            Pamilyar.

 

            “Oh, oh, oh. Bakit napapatulala, bes?”, tanong niya.

 

            “May tawagan ba na beh?”

 

            “Oh my gosh. Oh my gosh.”, aligaga siyang itinuon ang buong atensyon sa cellphone niya. “May jowa ka na ulit?”

 

            “Ha?”, kunot-noong tanong ko. Saan galing ‘yon?

 

            “May tumawag sa’yo ng ganon?”, gulat na gulat ang itsura niya.

 

            “Bakit ba? Anong meron?”

 

            “Beh, as in bebe. May bebe ka ba?”

 

            Muli, pamilyar…

 

            “Huy, Sugi anu ney? Sagot kaya muna bago tulala?”

 

            “Wala.”

 

            “Ay, kala ko naman masaya ka na ulit.”, dismayadong sabi niya.

 

            “Pero itinatawag din ‘yon sa kaibigan?”, pag-usisa ko.

 

            “Pwede naman. Why ba teh? May friends ka na ba ulit?”

 

            “Iba-balik ko na si Hyunnie sa kulungan ha.”, sabi ko at bumaba na bitbit ang kuneho at cellphone ko.

 

            “Ang hilig mong mangbitin, kainis ka.”, pag-iinarte nitong kausap ko.

 

            “Sugi? Are you there?”, boses mula sa labas sabay katok sa pinto.

 

            “Tsaka na ako magku-kuwento.”, sabi ko kay Aeri. “May kumakatok eh.”

 

            “Sus! Parang wala naman.”, umarte siya na parang nagtatampo.

 

            “Sige na, tawag ka na lang ulit kapag bored ka ulit. Bye!”, hindi ko na hinintay ang sagot niya at ibinaba ang tawag. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Tumambad sa akin ang pamilyar na muka, nakangiti na naman.

 

            “May kasama ka?”, tanong ni Irene.

 

            “Wala.”, agad kong sagot at pinapasok siya. “Si Aeri ‘yon, kapatid ko. Nag-video call kasi, tinignan na naman si Hyunnie.”

 

            “Ay, nag-explain.”, unang tawa niya para sa araw na ‘to.

 

            Unang pag-irap naman para sa akin, “kapag tahimik ako, ang dami mong sinasabi. Tapos kapag madaldal ako, may sinasabi ka pa rin. Hindi ko na alam kung saan lulugar sa’yo.”

 

            Tumawa na naman siya. “Sorry.”, sabay tawa ulit. “Nakakatuwa lang na hindi ka na parang robot.”

 

            “Magkaiba yung nakakatuwa sa nakakatawa.”

 

            “Huy, hindi kita pinagtatawanan ha.”, ngumiti siya, yung sinsero at makahulugan. “Masaya lang talaga ako sa’yo.”

 

            “Kumain ka na ba?”, pag-pihit ko sa pinag-uusapan at nagkunwaring may hinahanap.

 

            “Aalukin mo ba akong sabayan ka?”, nakangiting sabi niya, alam ko kahit nakatalikod ako. “Tara na, sume-segue ka pa.”

 

            Naghain na kami at kumain na rin. Katulad ng mga araw na napapadalas siya dito, madaldal pa rin siya habang kumakain. Hindi pa rin nauubusan ng salita. Pero ngayon ay mas marami nang salita kaysa irap at ismid ang nakukuha niya sa akin. Hindi ko maintindihan pero ang natural lang sa kaniya na pagsalitain ako, hindi pilit. Naiinis ako sa pagiging makulit niya nuon, pero ito ang inaabangan ko ngayon.

 

            Pagkatapos kumain ay walang sali-salitang inabot niya sa akin ang lalagyan ko ng gamot at isang baso ng tubig. Habang umiinom ako ng gamot ay nakatingin lang ako sa kanya. Bigla kasi siyang tumahimik.

 

            “Bakit?”, tanong ko pagkababa ng baso.

 

            “Sana dumating yung araw na hindi mo na ka-kailanganin uminom ng gamot.”

 

            “Malapit na ‘yon. Gusto mo pustahan pa tayo?”, pagmamayabang ko.

 

            “Basta i-promise mo na hindi ka a-absent sa pag-inom niyan kahit wala na ako.”, seryosong sabi niya.

 

            “Bakit? Aalis ka ba?”

 

            “Hindi ‘no. Maaga pa.”, sagot niya sabay tawa.

 

            Hindi ko magawang sumabay sa tawa niya. Para kasing may laman ang sinabi niya.

 

            “Huy!”, pinisil niya ang pisngi ko. “Bawal malungkot ‘di ba?”

 

            “Bawal mo muka mo.”, tugon ko sabay nguso.

 

            Humagalpak na naman siya ng tawa. “Ang cute mo diyan, promise!”, itinutok niya sa akin yung phone ko at akmang pi-picture-an ako pero hinawi ko ito agad.

 

            “Hey…”, nakangiti at kalmado na siya. “We good?”, itinapat niya sa akin yung kamay niya na naka-thumbs up.

 

            Tinignan ko lang siya.

 

            “Uhm.”, itinaas niya ang dalawa niyang kilay at mas inilapit sakin ang kamay niyang naka-thumbs up pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 786 streak #10
cant wait to start reading