Wala Nang Kumakatok
SilidHigh school life.
Nadala ko dito ang naging ugali ni Yuri at Aeri noon.
Minsan ko na lang makita si Aeri. Madaldal naman siya kapag naririnig ko siyang nagkukwento kay Yuri sa kabilang kwarto pero hindi niya ako iniimik kapag kaharap niya ako, hindi ako sigurado pero parang nahihiya o natatakot siya. ‘Yun din ang dahilan kung bakit wala akong masyadong alam tungkol sa kaniya.
Sobrang dami kong kaibigan. Iba’t-ibang circle of friends para sa iba’t-ibang hilig ko. Ang maghapon ko’y ginugugol ko kung saan-saan at sa mga bagay na gusto ko, na ang sabi ni Yuri ay wala daw kabuluhan. Siya na ngayon yung sinasabihan ko na wag mangealam sa’kin. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya, eh ganitong-ganito rin naman siya dati.
Kapag nasa bahay ako, nakakulong lang ako sa kwarto. Paminsan-minsan
Comments