1. Kyusi

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

🎵 Huwag kang mahiya

   ‘Di kita huhusgahan 🎵




 

            Kriiing… kriiiing… kriiiing…

 

            Isang malalim na paghinga ang tanging nagawa ko nang patayin ko yung walang awang alarm clock. Isang araw na naman akong mabubuhay nang walang kabuhay-buhay.

 

            Gusto kong bumalik ulit sa pagtulog pero biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong dinampot at sinagot ang tumatawag.

 

            “SUGIIIIIII!”, bungad ng kapatid kong bunso. “Nakaligo ka na ba? For sure hindi pa. Bilisan mo nang kumilos. Wag ka nang pabagal-bagal ha! Dapat matuloy yung surprise natin kay Yuri!”

 

            “Hindi naman sa ayaw kong—“

 

            “Edi ayaw mo nga? Ano? Magkukulong ka na lang talaga diyan ‘te? Paano ka makakaahon niyan? Kilos na, please. Ili-libre kita ng Pringles.”

 

            “Tapos na ba yung sinasabi ko?!”, hindi ko namalayan na mataas na pala ang boses ko, pagalit.

 

            Ilang segundong katahimikan ang nanaig sa magkabilang linya. Hindi ko na alam kung paano maibabalik yung mood nya kanina.

 

            “S…Sugi, okay lang ba pakiramdam mo ngayon?”, tanong nya, halata sa boses ang pag-aalangan.

 

            “Aeri, sorry ha?”, tanging nasabi ko sabay buntong-hininga.

 

            “Maligo ka na ha? Ibi-bili lang kita ng Pringles.”, pag-alo niya. “Tatawagan ulit kita mamaya.”

 

            Hinintay ko na lang na maibaba niya ang tawag. Tumayo ako sa higaan ko at naligo. Hindi na ako nagugulat kapag lalabas ako ng cr at napapansin na halos isang oras akong naligo kahit parang ang bilis ko lang sa loob nito. Para kasing pinapanatag ako ng patak ng tubig at otomatikong mapapa-isip na ako ng mga bagay-bagay.

 

            Kahit ayaw kong kumain ay naglagay ako ng palaman sa tinapay, na hindi ko alam kung ilang araw nang nandito, para lang magkalaman ang tiyan ko. Kinuha ko ang isang litrong tubigan ko at inabot ang lagayan ko ng gamot na parang hindi nauubos. Naalala ko yung inakto ko kanina. Alam kong mali ako. Naiinis ako sa sarili ko at naaawa ako sa kapatid ko.

 

            “Hindi ko naman sinasadya.”, linyang aking nabitawan bago ko ilagay sa aking bibig ang tatlong piraso ng tabletang gamot.

 

            Lumabas na ako ng bahay bitbit ang isang bag na may lamang dalawang pares ng damit, tubigan ko, mga regalo ko kay Yuri, at ang aking diary.

 

            Hindi ako masyadong marunong bumyahe pero nasaulo ko na kung paano pumunta sa bahay ni Yuri at ng partner niya. Nang makasakay ako sa bus, isinuot ko ang earphones ko at nakinig sa mga paborito kong kanta.



 

            “Oh, Cubao, Cubao. Cubao na ‘to.”, sigaw ng konduktor. Hudyat na kailangan ko nang bumaba.

 

            Isinuot ko muna ang facemask ko bago ako bumaba ng bus. Ang sabi kasi ni Yuri, kailangan kong mag facemask dahil sa matinding polusyon na mayroon ang lugar na ‘to.

 

            Nasa Kyusi na ako. Dito nag-aaral ng kolehiyo si Aeri kaya dito siya tumitigil. Magsasabay na kami para sa isa pang byahe ng bus papunta sa lugar nila Yuri. Bumili na ako ng ticket namin at mayroon pa akong kalahating oras para hintayin ang kapatid ko bago dumating ang bus.

 

            Ngayon ko lang napansin na naiwan ko pala sa bus ang tubigan ko. Bumili na muna ako ng dalawang bottled water sa gilid pati na rin mga kendi.

 

            Bago pa ako makaupo sa hintayan ay muling tumunog ang cellphone ko. Agad ko ring sinagot si Aeri.

 

            “Hello, Sugi. Nasaan ka na?”

 

            “Terminal sa Cubao. Nasaan ka na?”

 

            “Ito nga kasi…”, mabagal niyang pagsabi na parang may problema. “Hindi na tayo tuloy.”

 

            “Ano?!”, napansin ko ang muling pagtaas ng boses ko kaya pinilit kong maging mahinahon. “Bakit hindi na?”

 

            “Nasa Singapore si Yuri.”, bakas sa pananalita niya ang pabadyang iyak niya. “Sorry, kasalanan ko naman kasi may pa-surprise surprise pa akong nalalaman. Sorry, Sugi. Napagod ka pa tuloy.”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 787 streak #10
cant wait to start reading