Wala Nang Kumakatok

Silid
Please Subscribe to read the full chapter

            “Paki-check naman si Sugi, please, Aeri.”, rinig kong sabi ni Yuri sa telepono. “Make sure na okay lang siya.”

 

            “Should I tell her na ba? Umuwi ka dito, please. Natatakot ako.”, sagot naman ni Aeri.

 

            “Anong meron?”, ‘di ko na natiis na magbingi-bingihan. “Ba’t ka natatakot?”

 

            “Sugi, drink water! Yung madami ha?”, tugon ni Yuri.

 

            “Kanina ko pa kayo naririnig at alam kong may bad news.”, sabi ko sa walang kagana-ganang tono. “Palagi niyo akong hindi isinasali sa mga nangyayare sa pamilya.”

 

            “Sugi…”, hinawakan ni Aeri ang likod ko. “Hindi naman sa ganon, gusto lang namin na okay ka.”

 

            “Okay naman ako ah? Muka ba akong may sakit?”

 

            “Bakit? Makakayanan mo ba kapag sinabi kong—“, hindi na natuloy yung sasabihin ni Aeri kasi nagsalita si Yuri.

 

            “Huwag kayong mag-away diyan. I’ll wait for ate Jess niyo lang then uuwi kami diyan. Aeri, bantayan mo si Sugi.”

 

            Napa-irap na lang ako nung ibaba ni Yuri ang tawag. Ba’t naman ako babantayan? Hindi naman ako kinder. Hindi rin naman ako pet. At lalong hindi naman ako tatakas. Minsan, hindi ko talaga sila maintindihan dahil ayaw nilang magpaintindi. Mas gusto kasi nila na ako yung iniintindi.

 

            “Hindi naman kita aawayin, bakit ka ba nagtataray?”, panimula ni Aeri.

 

            Hindi na ako sumagot. Hindi ko naman kasi siya tinatarayan. Frustrated lang ako kasi alam ko naman na may masamang balita pero ayaw nilang sabihin kung ano. Pamilya rin naman ako ‘di ba?

 

            “Sugiiiii!”

 

            “Ano ba ‘yon?”, iritadong tugon ko.

 

            “Dalawa na nga lang tayo dito, ganiyan ka pa.”, naluluhang sabi niya.

 

            Nawala ang pagka-irita ko. Huling kita ko kay Aeri na ganito ay yung namatay pa si Lolo. “Ano bang… iiyak ka ba?”

 

            Hindi siya nagsalita pero bumuhos ang mga luha niya.

 

            Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko naman kasi alam kung bakit siya ganiyan. “Aeri…”

 

            “Kasi naman eh! Okay na nga ako kanina, strong na nga ako. Tapos itatanong pa kung iiyak. Ayan, lumabas tuloy.”

 

            Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga luha niya at hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin. Hinila ko siya papunta sa’kin at kinulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang pag-alon ng dibdib niya dahil sa pag-iyak niya.

 

            “Sugi…”

 

            Mukang hindi lang simpleng bad news ang sasabihin nila mamaya.







 

            Halos anim na oras ang lumipas bago nakarating dito sila Yuri. Pare-parehas sila nila ate Jess at Aeri na namumugto ang mga mata. Naglabas ako ng malamig na tubig at ipinatong ito sa lamesa sa sala.

 

            “Sugi..”, pagtawag ng pinakamatandang kapatid ko. “Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo ngayon?”

 

            Napakunot ako ng noo at nagsalin ng malamig na tubig sa apat na baso. “Bakit ako ang tinatanong mo? Kayo yung pugto ang mga mata diyan.”

 

            “Kinakausap ka pa ba ni…”, tumingin siya saglit sa girlfriend niya bago muling tumingin sa’kin, “…ni Aren?”

 

            “Kahit naman ibahin niyo yung usapan, tatanungin ko pa rin kayo kung anong nangyayare.”, ininom ko yung tubig na sinalin ko. “Bakit ba kayo umiyak? Anong problema natin ngayon?”

 

            Tanging ang pagtitinginan lang ng tatlong nasa harap ko ang natanggap ko. Walang umiimik. At nagsimula na namang umiyak si Aeri. Niyakap siya ni ate Jess.

 

            Hindi ako makasabay. Parang mali na mairita ako kasi nga may problema kami. Pero parang mali rin naman na hindi nila sinasabi sa’kin?

 

            “Kapag ba natulog ako ngayon, paggising ko, isasali niyo na ulit ako sa pamilya?”, tanong ko at tumayo mula sa kinauupuan ko.

 

            “Sugi, si Nanay at Tatay…”

 

            Napatigil ako dahil sa pagbanggit ni Yuri sa mga magulang namin. Bigla akong kinabahan. Humarap ako sa kaniya at nag-abang ng masamang balita.

 

            “Naaksidente yung sinasakyan nilang bus.”, tumulo ang mga luha niya. “Wala na sila.”

 

            Gusto kong magreklamo sa narinig ko. Gusto kong magwala sa ibinalita niya. Pero tanging ang malakas na dagundong lang ng dibdib ko ang naramdaman ko kasabay ng paghagulgol ni Aeri.

 

            Tumakbo ako sa taas papunta sa kwarto ko at ni-lock ang pinto.

 

            “Sugi! Buksan mo ‘tong pinto”, malakas na sabi ni Yuri mula sa labas.

 

            Hindi ako sumagot at nagtalukbong ng kumot.

 

            “Sugi, buksan mo sabi ‘to!”, sigaw ni Yuri habang kinakatok nang malakas ang pinto ng kwarto ko. 

 

            “Love, hayaan muna natin siya.”, rinig kong sabi ni ate Jess.

 

            Tuloy-tuloy lang ang paglabas ng luha sa mga mata ko pero hindi ako makalikha ng tunog. Gust

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sluggiebearr
#1
Chapter 24: naiiyak ako taena 😭
hotpinkMIMI #2
Chapter 24: Thank you sm for this po huhu!!!
hotpinkMIMI #3
Chapter 5: there must be something wrong...
hotpinkMIMI #4
Chapter 4: 💔💔💔
hotpinkMIMI #5
Chapter 3: ang cute ni irene hahahaha
hotpinkMIMI #6
Chapter 2: awwww this is so saddd.. yuri best girl<3
hotpinkMIMI #7
Chapter 1: nagcecrave ako sa seulrene these days so ito muna. BTW, mukhang masakit to pero keri. first chap palang pero relate na ako kay sugi:'(
Pengseul
#8
Chapter 24: Chapter 24: Kwentuhan kita Otor....

For 13 years... Alam ko na may something na mali sakin... I tried talking about it yet nasabihan ako na inarte yon... 2021 when I was diagnosed with Chronic illness... Progressive at walang cure... And deadma pa rin....

I had Physical Therapy... for months... Sabi ng PT ko... Tulungan ko ang sarili ko para di lumala... Pero paano kung babagsak ako sa pagtayo lang?

I also had Speech Therapy... Siguro ika 4th month nung itigil ko... Sabi kasi... I need to relearn how to speak properly.. I need to go out and talk... Paano?

1. Ang pinakamalayo kong napuntahan in a month eh kusina...
2. Gustuhin ko man umalis... Alagain ako...hindi ko kaya magpunta kahit tindahan lang.. wala ako chance to breathe and to assess my life.

3. I stopped PT kasi walang mag tyaga dalhin ako sa ospital 3x a week. Dabog lang inaabot ko pag alam nila na scheduled ko magpunta...
4. I also stopped Speech Therapy for the same reason. Magkaibang ospital kasi..
5. I was offended by the suggestion ng Therapist ko... paano naman kasi ako lalabas?

What am I trying to impart...
Not all professional help,helps
We need to be sensitive... Hindi maawa.. magkaiba yon. For someone who was diagnosed with a disability na di nakikita.. hindi ko gustong kinaawaan.. ayokong inaalalayan na parang imbalido.. ayokong tinatratong iba.. kasi nakaka insulto...
Maging sensitive in what way? Ayain nyo ko lumabas khit hirap na hirap ako kumilos. Wag naman antayin ako magma kaawang ilabas naman ako.. kasi everytime na umaalis kayo ng tulog ako ( tulog ako kada umaga, patulog na ako actually) pakiramdam ko, pabigat ako kaya naaiwan ako...
I am working permanently at home for 3 years now, so prior pa lang sa diagnosis ng Doctor, from voice to non voice call center. They need to reassigned me due to my condition.so nawalan ako ng chance may kausap. Pang gabi ako so wala din makausap sa bahay..



So please try to understand. Sa lahat ng bumasa at nakabasa nito...someone is needing you.. di lang nabibigyan ng chance maivoice out... Observe people around you... We need help.... Dahil ako... Konting konti na lang... Bibigay na ..
Pengseul
#9
Saved...
reveluv316 787 streak #10
cant wait to start reading