Chapter 8

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Mabilis lang naman lumipas ang isang linggo. Friday na naman kaagad ngayon. 

 

Out of all the 5 days of classes in a week, Friday talaga ang pinakagusto ni Winter. Tinatanong pa ba 'yon? Maski sino naman siguro ang tanungin na estudyante, karamihan ang sasagot ng Friday unless may Saturday class sila. Because Friday is the last day of classes and it means weekends na naman.

 

Nothing much happened sa araw na 'to except na lang sa isang quiz na binigay kaninang hapon. Winter stayed up all night para makapagreview para sa quiz na 'yon. Ganito naman lagi ang scenario simula nung nagcollege siya. 

 

Minsan nga napapaisip na lang si Winter kung paano niya na-survive ang high school nang hindi man lang nag-e-exert ng effort. Kasi as far as Winter knows, hindi naman siya nagpupuyat nang gano'n nung high school siya. Ni hindi nga siya nagrereview at puro last minute ang ginagawa niya pero nakakapasa naman siya.

 

Ang tanging natatandaan lang niyang pinagpupuyatan niya dati ay yung pinapanood niyang mga k-drama. She even remembered herself crying late at night dahil namatay si Kim Woo Bin sa Uncontrollably Fond. Grabe lang ang heartbreak na naramdaman niya. Buti na lang at hindi masyadong halata na mugto ang mata niya nung pumasok siya no'n.

 

Meron pa ngang time dati na hindi pa siya gaanong nag-o-online dahil hindi pa naman uso ang wifi kaya nale-late rin siya minsan tuwing may mga announcements sa GC nila sa messenger lalo na kapag may quiz. Oh, how Winter really misses those times.

 

Pero ngayon parang ang hirap nang balikan yung mga nakagawian niyang gawin dati. It's not the same anymore, kimi.

 

Maaga silang na-dismiss kanina dahil sandali lang yung discussion na naganap at nagbigay na lang ng coverage yung prof nila for the midterms next week. He even said na may two choices daw sila. Winter hoped na sana kanta na lang ng Twice yung tinutukoy ng prof nila pero asa pa siya. 

 

It's either review or shift?

 

Akala talaga ng prof niya matatakot niya si Winter doon eh.

 

Pwes, hindi siya nagkakamali.

 

Kaya ngayon palang ay naghahanda na si Winter na matulog.

 

Babawiin kasi niya yung puyat na ginugol niya kahapon dahil panigurado sa mga susunod na araw ay hindi na niya matatamasa ang kumpletong tulog. Medyo natatagalan pa man din siya kapag nagrereview dahil madali siyang madistract sa mga bagay-bagay.

 

Inayos na ni Winter ang kama niya para maghandang matulog. Nag-set na rin siya ng alarm sa phone niya para magising siya mamaya para magluto kung sisipagin siya. Binabalak nga rin niyang maglaba na mamaya ng mga damit niya dahil malapit na ring maubos yung mga malilinis. 

 

Cons talaga ng pagtira sa boarding house ay ikaw na ang gagawa ng lahat. Yes I do the cooking, yes I do the cleaning lang ang peg ni Winter.

 

Dito ka talaga matututo sa real world.

 

Mas masaya sana kung kasama niya si Ningning sa isang bahay pero naubusan na daw kasi ng slot dito sa tinitirahan ni Winter kaya walang choice si Ningning kundi maghanap na lang ng ibang boarding house. Buti na lang at may nahanap siya five houses away sa tinitirahan ni Winter. 

 

So close yet so far. Hirap talaga kapag LDR. Di bale next sem maghahanap ulit silang dalawa ni Ningning ng bagong bahay para magkasama na sila.

 

Nakatulog na rin agad si Winter sa mga iniisip niya.

 

Mukhang napahimbing nga ang tulog ni Winter dahil hindi niya namalayan na lumipas na agad ang dalawang oras kung hindi pa tumunog ang alarm niya. 

 

She got up to prepare for her food. Inalala ni Winter kung meron pa ba siyang napa-ref na pagkain na pwedeng maluto pero ang tanging naalaala lang niyang pagkain na meron pa siya ay yung longganisa.

 

Ayaw na niya maglongganisa. She had enough of the longganisa. 

 

Meron pa naman siyang mga de-lata na stock pero hindi niya feel kumain ng gano’n ngayon.

 

Walang choice si Winter kundi kuhanin yung phone niya at saka buksan yung isang application na color pink at may drawing na panda.

 

Deserve naman niya siguro ito diba? At saka last day of the week na ito kaya deserve niya um-order.

 

Winter took her time scrolling through the app. Parang gusto niyang magpotato corner, magjollibee at um-order ng milktea. Kala mo naman ang dami niyang pera eh baka kapag order-in niya ‘yon lahat ubos na yung allowance niya next week. 

 

So she settled sa kung ano ang mas sulit. May nakita kasi siyang nagbebenta rin ng mga ulam doon at na-try naman na niyang bumili dito dati at tama nga ang rating dahil highly recommended talaga yung mga pagkain dito. Natikman naman na niya dati yung kare-kare nila kaya yung sisig na lang ang bibilhin niya.

 

Syempre hindi makukumpleto ang food panda orders niya kung hindi niya gagamitin ang magical voucher. 

 

EATNA.

 

Agad niya ‘yong tinype at voila! Nabawasan ng 100 pesos ang babayaran niya.

 

Habang hinihintay ni Winter yung order ay hinugasan na niya yung rice cooker at saka nagsimula nang magsaing ng kanin.

 

Medyo matagal-tagal pa naman bago maluto yung kanin kaya hinanda na ni Winter ang mga maruruming damit niya para malabhan na. Wala namang washing machine and dryer dito kaya mostly handwash talaga ang ginagawa niya. Kapag sinabi niya siguro sa mama niya kung ano ang ginagawa niya rito ay hindi ‘yon maniniwala. Hindi naman kasi naglalaba si Winter sa kanila.

 

Pumunta na si Winter sa laundry area para mailagay na niya sa batya yung mga damit. Nahiwalay na rin niya yung mga puti sa may kulay.

 

Habang nagpapatulo siya ng tubig ay bumalik siya sa kusina para tingnan kung luto na yung kanin. Hindi pa naman ito luto pero nakita niya doon si Jennie na nagluluto ng pancit canton.

 

Nakita naman siya ng isa at binati. “Hi Winter, ikaw ba yung nagluluto ng kanin?”

 

Tango lang ang naisagot ni Winter at ngumiti. “Opo ate.”

 

Third year na si Jennie at isa rin siya sa mga boarders na kasama ni Winter sa iisang bahay. Sa kabilang kwarto siya natutulog kasama yung isa pa niyang kaibigan na si Rosé. Gusto kasi ni Winter na kahit papano ay meron pa rin siyang alone time kaya solo niya yung isang buong kwarto na katabi ng kwarto nila Jennie. Buti na lang at pumayag yung landlady sa gusto niya.

 

“Ah sige ako na lang ang magbabantay kung gusto mo?”

 

“Sige po ate.”

 

“Maglalaba ka ba?”

 

“Opo.” Isang tanong, isang sagot lang talaga ang lumalabas sa bibig ni Winter. Kahit naman kasi matagal na silang nagkakasama sa iisang bahay, hindi pa rin sanay si Winter na makipag-usap sa kanila dahil mas matanda ang mga ito sa kanya. Naa-appreciate naman niya si Jennie sa pagtatry makipag-small talks kay Winter. Minsan lang kasi makita ni Winter si Rosé dahil late ito laging umuuwi at kapag may oras naman si Winter sa umaga ay lagi itong tulog. Nursing student kasi.

 

“Ate Jennie?” tawag ni Winter. Lumingon naman si Jennie at ngumiti nang matamis sa kanya.

 

Isa pa ito sa mga dahilan kung bakit nahihiya si Winter. Napapalibutan kasi siya ng mga magaganda kaya hindi kinakaya ng bakla niyang puso tuwing ngumingiti sa kanya si Jennie.

 

Pero siguro nasasanay na rin siya kahit papano kaya nakakabuo na rin siya ng mga salita. “Pwede ka po kumuha ng kanin kapag naluto na kung gusto mo,” alok niya.

 

“Thank you Winter. Sige kuha na lang ako.”

 

Ngumiti si Winter at bumalik na siya sa laundry area para masimulan na niya maglaba. Tiningnan niya muna kung on the way na ba yung in-order niya pero maghintay pa raw muna siya ng 10 minutes so she exited the app at binuksan ang spotify para sa laba playlist niya.


 

[Let Me - GOT7]

Na oneul haessare bichin neol bone

Michidorok nunbusin neon naege

Gaseume taeyangeul simeo june

Oneureun neowa na duriseo hamkkehae


 

Ito yung favorite niyang kanta ng Got7. It nevers gets old. Winter hummed along the lyrics dahil una hindi niya ito memorized, pangalawa she’s just listening to enjoy the music. She doesn’t want to be like those other kpop stans na ginawang mandatory yung pagmememorize ng lyrics.

 

Natapos yung isang kanta pero wala pa sa kalahati yung nalalabhan na damit ni Winter. Tinuloy lang ni Winter ang ginagawa niya hanggang sa naputol yung playlist niya dahil may tumatawag na sa phone niya. Ito na siguro yung food panda.

 

“Hello po?” sagot ni Winter habang nagbabanlaw ng may sabon na kamay. 

 

Dumiretso siya ng pasok sa loob at nakita niya na hindi pa rin tapos kumain si Jennie. Luto na rin yung sinaing niyang bigas.

 

“Ma’am food panda po.”

 

“Papunta na po ako kuya. Wait lang po.”

 

Kinuha ni Winter ang wallet niya at naglakad palabas.

 

Pagkalabas niya ay nakita na niya sa harap ng gate nila si kuyang rider. Nagbayad na agad si Winter at saka bumalik na sa loob.

 

Nilapag naman niya sa mesa yung binili niyang ulam at saka kumuha na ng plato. Mamaya na lang niya itutuloy yung nilalabhan niya dahil nagugutom na rin siya.

 

"Kakain ka na Winter?"

 

"Opo ate. Kuha po kayo dito sa ulam marami 'yan," alok ulit ni Winter kasi nakakahiya naman kung hindi siya magbibigay.

 

Jennie politely declined at sinabing tapos naman na siyang kumain. Nagpaalam na rin siyang mahihiga muna sa kwarto pagkatapos niyang hugasan yung pinagkainan niya kaya ito, naiwan si Winter na mag-isang kumakain. 

 

Mabilis lang naman siyang kumain dahil marami pa siyang kailangang tapusing labahin. Sakto ring pagkatapos niya ay dumating si Rosé. 

 

"Kain po ate Rosé," aya ni Winter sa kakarating pa lang at naka-all white pang si Rosé. 

 

Inilapag ni Rosé yung bag niyang dala sa may sofa at lumapit kung nasaan si Winter.

 

"Wow niluto niyo yung sisig?" tanong n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real