Chapter 13

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter has an inner dilemma.

 

Kanina pa siya natutulala at nawawala sa sarili kaya pati ang mga ate niya ay nawiwirduhan na sa kanya. 

 

Kanina pa nga siya nakatulala sa pinapanood niya na pati ang pagpasok ni Minju sa bahay ay hindi niya napansin.

 

"Hi Winter, may dala akong ulam nag-order kami ni Ryujin sa food panda kanina. Pahinging kanin ah," paalam sa kanya ni Minju pero hindi siya sumagot.

 

Inisip na lang ni Minju na baka busy lang ito kaya dumiretso na lang siya sa loob para hanapin si Jennie. 

 

"Hi, ate Jennie!"

 

"Nandito ka pala Minju."

 

"Ate kumain na kayo?”

 

“Hindi pa eh pero patapos naman na akong magluto. Kukuha ka ba ng kanin?”

 

“Hehe.”

 

Napatingin si Jennie kung nasaan si Winter. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan niya. Nagpe-play pa rin sa laptop niya yung isang show.

 

Hindi na lang ‘yon pinansin ni Jennie. Maybe Winter just had a long day at school. After all, nakakafrustrate rin talaga minsan ang course nila. She also had the same major as Winter. 

 

“Anyare dun ate?” Maging si Minju rin ay hindi na rin nakatiis magtanong. Tuwing pumupunta kasi siya rito ay binabati siya ni Winter tuwing babatiin niya ito. Ito pa nga ang lagi niyang hinihingian ng kanin. Halos magkasing edad lang kasi silang dalawa kaya si Winter ang mas comfortable na kinakausap niya. Pero dahil halos araw-araw naman na siya dito ay naka-close na rin niya yung mga ate.

 

“Nauna siyang nakauwi kaysa sa akin tapos ganyan na siya nung dumating ako. Baka napagod lang sa school,” sagot ni Jennie sa kanya at nag-ayos na ng lamesa.

 

“Ah sabagay.”

 

Hindi naman totally nawawala si Winter sa mundo ngayon. 

 

Syempre rinig pa rin niya na siya yung pinag-uusapan ni Jennie at Minju. Maliit lang naman kasi ang bahay nila kaya nakikita pa rin siya ng mga ito sa sala kahit nasa kusina sila.

 

Alam rin niyang napapansin rin nila na parang wala siya sa sarili niya ngayon. 

 

Hindi kasi ni Winter matanggap ang mga realizations niya sa school kanina. Hindi pa nakatulong yung mga nangyari nung hapon.

 

Ganito kasi yan.

 

Mabilis lang kasing natapos yung unang klase nila nung hapon kaya na-dismiss na sila agad.

 

Same room lang naman sila para next subject kaya hindi na umalis sila Winter doon. Mainit kasi sa labas kaya dito na lang sila magpapalamig. Sayang naman kasi ang aircon kung hindi gagamitin ‘di ba?

 

Syempre hindi lang naman sila Winter ang naiwan. Kasali din sa mga naiwan yung mga kaibigan ni Karina. 

 

As usual, Karina’s with them habang triny munang matulog ni Giselle sa desk niya.

 

Pero dahil nga naka-world domination mode sila, malalakas na naman ulit ang boses nila. Typical day kapag magkakasama ang squad na ‘yon. Wala namang pake si Winter sa kanila dahil usually, she’s minding her own business. 

 

Nilabas na lang niya yung airpods niya para makinig ng kanta.



[Warning - Sejeong]

Jungyohan geol ijeun neukkim

Dagaoneun buranhame

Deo isangeun geotji mothae

Wae ireoji na moreugesseo

 

Yejeon gatji aneun nunbit

Bicheul ileundeuthan Future

Igeon mwoji

Heum era molla



She was peacefully playing music while casually bopping her head to the beat, completely unaware of her surroundings. Kung ano man ang ginagawa ng mga kaklase niya ngayon ay bahala sila sa buhay nila. Palilipasin na lang ni Winter ang oras hanggang dumating ang prof nila.

 

She was quietly scrolling through her phone habang nakatungo pa rin si Giselle sa desk niya. Nakatulog na ata. 

 

May naramdaman si Winter na kumalabit sa kanya.

 

She removed one airpod on her ear, nagpeplay pa rin yung kanta sa isa niyang tainga.

 

“Winter payag ka naman 'di ba?"

 

"Huh?"

 

Masyado siyang preoccupied sa nangyayari sa phone niya para mapansin niya na nagsasalita kanina si Haechan. Oo si Haechan, yung kaibigan nila Sakura, na kaibigan ni Karina.

 

"Oo 'di ba?" tanong pa nito. Wala talagang kaalam-alam si Winter sa mga nangyayari.

 

"Oo?"

 

"Ayun pumayag na siya! Tara na Winter."

 

Teka teka!

 

Anong nangyayari?!

 

Nakaupo lang kanina si Winter tapos ngayon hinahatak na siya ni Haechan papunta sa mga kaibigan niya. 

 

Mas lalong naguluhan si Winter dahil nakatingin talaga silang lahat sa kanya. By lahat, she means pati yung ibang mga kaklase nila na naiwan rin sa room. Nakangiti pa nga sila sa kanya.

 

What on earth is happening?

 

"Magfi-film daw tayo ng TikTok."

 

HA?!

 

At paano nga ba nasali si Winter sa kanila?

 

It turns out lahat pala ng blockmates nila na naiwan sa room ay pumayag sa mga pakana nila at si Winter at Giselle na lang yung hindi pa kaya nilapitan siya kanina ni Haechan.

 

Pero sandali nga.

 

"Akala ko ba kaming dalawa na lang ni Giselle? Wala naman siya dito?" reklamo ni Winter. 

 

"Tulog naman kasi siya."

 

Napalingon si Winter at oo, hindi pa rin gumagalaw si Giselle sa pwesto niya kanina.

 

Sana natulog na lang rin si Winter.

 

Pero ano bang gagawin nila?

 

Sasayaw ba sila? Kasi kung oo, magba-backout na kaagad si Winter. 

 

Ay wait, pumayag ba siya?

 

Hindi naman 'di ba?

 

Dahan-dahan siyang naglakad paalis para hindi nila mapansin pero kung minamalas ka nga naman ay nakita siya ni Karina.

 

"Sa'n ka pupunta?"

 

W

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real