Chapter 19

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

bubblegum: 

winter

 

Winter:

ayoko

 

bubblegum:

patapusin mo kasi muna ako !!


 

Nakaharap no'n sa salamin si Winter kaya nakita niya agad yung itsura niya. There was a smile creeping on her face. 

 

Agad siyang nagbawi ng ngiti at nanatiling seryoso.


 

Winter:

ano?

 

bubblegum: 

good morning🌞🥰🫶😩🙈😍

 

Winter:

karina please

 

bubblegum:

??

 

Winter:

di mo bagay

 

bubblegum:

panira ka talaga ng trip

so anong gusto mo?😍

 

Winter:

wala😍

 

bubblegum:

HAHSHAHAHAHA DI MO BAGAY😭

 

Winter: 

🙄

 

bubblegum:

san ka?

 

Winter:

i swear kapag magpi-pick up line ka

 

bubblegum:

oh ano ano???🤺


 

Natawa si Winter. 

 

Napatingin ulit siya sa salamin. 

 

Nakangiti na naman siya.

 

Eh bakit ba kasi umagang-umaga ginaganito siya ni Karina?!


 

bubblegum: 

seryoso nga, umalis ka na ba?

 

Winter:

ano naman sayo?


 

"Good morning Winter," bati sa kanya ni Jennie nang lumabas ito ng kwarto. 

 

Binalik ulit ni Winter yung poker face bago humarap kay Jennie.

 

Lagi kasi talagang nauunang magising si Winter sa kanilang tatlo dahil laging maaga yung schedule ng klase niya. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit mas nauuna siya minsan na makauwi sa bahay.

 

Ibinaba muna ni Winter yung phone niya para makausap si Jennie.

 

"Good morning po ate. May niluto po akong scrambled egg dyan."

 

"Thanks Winter. Kahit 'wag ka nang mag-abalang lutuan kami sa umaga. Kaya naman na namin ni Rosé 'yon."

 

"Okay lang. Marami pa naman po akong time."

 

Tinuloy na rin ni Winter kumain dahil aalis na rin siya maya-maya. Tiningnan niya yung oras. 

 

Anytime now, kakatok na si Minju.

 

Siguro in ten seconds.

 

Nagsimula si Winter na magcountdown sa utak niya.

 

3..

 

2..

 

1..

 

"Knock knock!"

 

"Hi Minju." Si Jennie ang bumati sa kanya. Winter didn't even spare a glance at her.

 

"Hi ate Jennie, hi Winter!"

 

"Kakain ka na ba Minju? Where's Ryujin?"

 

"Tulog pa si baks ate. Maya-maya pa 'yun lalabas," sagot niya at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa loob. 

 

"Ay by the way, may kasama pala ako. Wait lang."

 

Nilapag muna ni Minju sa mesa yung dala niyang malaking mangkok at plato at saka bumalik ulit sa pintuan.

 

Taka siyang sinundan ng tingin ni Winter.

 

"Pasok ka teh," narinig ni Winter na sabi niya. Hindi nagtagal ay may familiar na uniform siyang nakita, it was from Winter's course. 

 

At familiar rin yung taong nakasuot ng uniform.

 

"Good morning po." Tipid siyang kumaway kila Winter at Jennie.

 

"Oh!" Jennie points at her. "You're Winter's friend 'di ba. Wait…" Jennie starts thinking. "Yung name mo uhm…Karina 'no?"

 

"Opo."

 

Jennie grins. "I knew it. Pasok ka. Did Winter invite you?" 

 

Napatingin silang lahat kay Winter na nakatingin pa rin kay Karina. May isang tanong na tumatakbo sa utak niya. Bakit siya nandito?

 

"Hindi ko po siya pinapunta ate," sagot niya at patanong na tiningnan si Karina. 

 

'Ba't ka nandito?'

 

Karina smiles and shrugs.

 

Sa pangunguna ni Minju, lumapit sila doon kila Winter at Jennie.

 

"Kain ka Karina. Don't be shy," alok sa kanya ni Minju at binigyan si Karina ng malinis na plato.

 

Alangan itong kinuha ni Karina at saka tumingin sa mga tunay na nakatira sa bahay.

 

Nagtama ang tingin nila ni Winter. Karina raised a brow.

 

Mahinang natawa si Winter. "Kuha ka lang. Si Minju nga hindi nahiya eh."

 

Inurong ni Winter papunta kay Karina yung pagkain. 

 

Nung hindi pa rin kumuha si Karina ay si Winter na yung naglagay sa plato niya at hinila siya para makaupo sa upuan.

 

"Kain ka. Gusto mo ba magkape o gatas?" tanong niya at saka tumayo para kumuha ng tasa.

 

"Tubig na lang."

 

"Okay." Nagsalin ng tubig si Winter at saka inilapag sa harap ni Karina.

 

Napansin ni Winter na parang biglang tumahimik ang paligid so she diverted her attention kila Jennie at Minju.

 

Kaya pala sila tahimik dahil kanina pa nila pinapanood yung dalawa.

 

"Hindi ko alam na ganito ka pala ka-caring, neighbor," sabi ni Minju.

 

Winter feigned a scoff. "Alam mo naman na kung saan nakalagay mga gamit sa bahay kaya ba't pa kita aasikasuhin."

 

Jennie laughs then agrees at her statement. "Medyo tama si Winter do'n Minju. Mas may alam ka pa nga kaysa sa'min na nakatira talaga dito. No offense ha."

 

"Hay, pa'no na lang kayo kung wala ako ate."

 

"Rise and shine my dears!"

 

They all look at where the voice came from.

 

"Ba't ganyan kayo makatingin?" tanong sa kanila ni Rosé at saka humikab. "Jen, may pagkain pa ba tayo dyan?"

 

"May kanin dyan Sé tapos may nilutong scrambled egg si Winter."

 

Kumuha na rin ng pagkain si Rosé. Nasa may tabi kasi ni Karina nakalagay yung rice cooker kaya nagkagulatan pa silang dalawa nang kinausap siya nito.

 

"Hi ate Rosé."

 

"Ay palakang kabayo!"

 

They all contained their laughs at Rosé's reaction. 

 

"Jusmiyo marimar. Karina, hello!"

 

Rosé immediately looked at Winter na umiwas lang sa kanya ng tingin. Meron na siya ngayong ngiting nanunukso habang palipat lipat ang tingin sa dalawa. "Anong meron..?"

 

"Kain ka na ate," biglang sabi ni Winter. 

 

"Tapos ka na ba Karina? Tara na male-late na tayo."

 

Binilisan na ni Karina na lumunok dahil minamadali siya nitong isa. 

 

Nahihiya lang siyang ngumiti at kumaway nang hinatak na siya ni Winter paalis. 

 

Naglalakad na sila ngayon sa kalsada. Nangunguna pa rin si Winter maglakad habang nakasunod lang sa kanya si Karina.

 

Nagbaba ng tingin si Karina sa kamay nilang dalawa. Winter literally dragged her out earlier pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binibitawan ni Winter.

 

"Sabihin mo lang sa akin na gusto mo talaga hawakan yung kamay ko."

 

Natigilan si Winter at napatingin rin sa kamay na tinutukoy ni Karina. 

 

Literal na bibitawan na sana niya 'yon nang mas lalo itong hinigpitan ni Karina. 

 

Winter looks at her.

 

Ngumiti lang si Karina sa kanya tapos naramdaman na lang ni Winter yung kamay ni Karina na gumalaw. She intertwined their hands.

 

"Chansing ka ba?"

 

“Hindi ‘no.”

 

Inangat ni Winter yung kamay nilang dalawa. “Oh eh ‘di anong tawag mo rito?”

 

“Holding hands.” Karina grins.

 

Triny talaga ni Winter na pigilan yung ngiting gusto kumawala pero wala eh. Hindi niya kinaya.

 

“Ayiee kilig siya,” tukso ni Karina at binilisan maglakad para sabay na sila ni Winter. Syempre hindi pa rin niya binibitawan yung kamay niya.

 

“Landi mo, Katarina Marie.” ‘Yan lang talaga ang tanging nasabi ni Winter.

 

“Ba’t ka ba pumunta sa bahay?” tanong ulit niya.

 

“Gusto ko lang bakit ba? Saka tinext kaya kita.”

 

Doon napaisip nang malala si Winter. Eh wala naman kasi siyang maalalang may tinext si Karina sa kanya na pupunta siya.

 

“Ante wala ka kayang sinasabi.”

 

“Meron kaya. I literally texted you kung nasa’n ka.”

 

“Hindi ‘yun counted!” angal pa ni Winter. “Buti pinapasok ka ni Minju.”

 

Karina had that enthusiastic look nang nabanggit ni Winter yung kapitbahay nila and then she began telling Winter what happened. “Hindi ko alam kung paano niya ako nakita kasi wala naman ako sa harap ng gate niyo no’n. Nasa gilid kaya ako. Tapos bigla na lang na nasa tabi ko na siya tapos ayun sabi niya pasok daw ako.”

 

Minsan napapaisip na lang si Winter kung paano ni Minju nakukuha yung gano’ng confidence sa pag-approach ng mga taong hindi niya close.

 

“Buti naalala ka pa niya.”

 

“Why not? Sinabi mo kayang friend mo ako.” Ramdam na naman ulit ni Winter yung pang-aasar sa tono niya.

 

“Hindi ka pa talaga titigil dyan ah?” 

 

Karina gasps fakely. “Ay sorry ayaw mo pala ng friend.”

 

Binitawan ni Winter yung kamay nilang dalawa pero hindi ulit siya hinayaan ni Karina na bumitaw. Syempre hindi na nagpumiglas si Winter. Malandi rin kasi siya eh. Pero secret na lang ‘yon.

 

Tumahimik na rin naman sila for a while. 

 

Pero nakikita ni Winter sa gilid niya si Karina na nakatingin sa kanya.

 

“Sa harap ang tingin Karina.”

 

“You’re wrong.”

 

Winter looked at her weirdly. 

 

“You look so pretty, Winter,” biglang sabi nito na nagpatigil kay Winter.

 

Karina’s face lit up as she gazed at Winter with pure admiration.

 

Literal na natigilan si Winter.

 

Parang bigla kasing bibigay yung tuhod niya anytime.

 

Umagang-umaga ginagano’n talaga siya ni Karina. 

 

Makatarungan pa ba ‘yon?!

 

“Uy! Kinilig siya!”

 

“Hindi ‘no! ‘Wag mo nga akong landiin.” Winter tried to compose herself. Kailangan niyang bumawi.

 

“What makes you think na nilalandi kita?”

 

“Kakasabi mo pa nga lang na maganda ako.”

 

“Flattered ka?”

 

“Oh please.”

 

Tinitigan ulit siya ni Karina.

 

“Ano na naman?”

 

“So what will you say about me?”

 

Winter frowned. “Anong sasabihin?”

 

“Anything or pwede mo ring sabihin na crush na crush mo ako,” she continued to tease.

 

“So pa’no kung sabihin kong crush nga kita?” Seryoso niyang tanong which caught Karina off guard. Gustong matawa ni Winter. Tameme ka rin pala eh.

 

Winter chuckles as she starts to walk forward, leaving Karina standing there. 

 

Hindi pa siya masyadong nakakalayo nang may naramdaman na siyang kamay na umakbay sa kanya.

 

“How dare you leave me there?”

 

“Deserve so much.”

 

“Pasalamat ka gusto rin kita,” Karina whispered quietly but it was enough for Winter to hear. A smile slightly tugged on her lips.

 

“Alam mo..” Winter starts, making Karina glance at her. “Kahit nakakaasar ka minsan, masaya ka rin kasama.”

 

"Took you long enough."

 

"Ayan nang-iinis ka na naman."

 

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Karina leaned in. "Aminin mo, crush mo na ako dati pa 'no?"

 

Tinulak ni Winter yung mukha ni Karina palayo sa kanya. "Galing mo gumawa ng kwento. Baka ikaw 'yon."

 

Karina playfully scoffed. "I would never."

 

Napailing na lang si Winter at hindi na nagsalita. They just quietly walked together hanggang sa makarating sila sa sakayan.



 

***



 

“Nareview niyo na ba yung ire-report natin mamaya?” Giselle asks the both of them. Nasa library ulit sila dahil according to Giselle, sayang yung aircon ng library kung hindi nila gagamitin. Dito ulit sila nagpalipas ng oras bago ulit yung sunod na klase.

 

“Oo binasa ko na rin yung part ko.”

 

“How about you Karina?”

 

"Syempre, anong tingin mo sa'kin?"

 

"Just making sure 'no para ready tayo mamaya kung biglang magtatanong si Sir."

 

"Kahit tanungin mo pa ako ngayon, masasagot ko 'yan," determinado niyang saad.

 

"Weh 'di nga?" dudang tanong ni Winter.

 

"Try me," Karina replied, creating another playful tension between them.

 

For the nth time, masasaksihan na naman ulit ni Giselle yung dalawa niyang kaibigan sa ganitong sitwasyon. 

 

Ano pa bang bago?

 

Kung dyan sila sasaya, eh 'di okay.

 

She continued to observe both of them. Winter was asking Karina questions and the latter was proudly answering the questions given to her.

 

And then there's Winter who's staring at Karina habang sumasagot ito na para bang siya lang talaga ang tao sa library (technically nasa gilid kasi sila nakaupo kaya wala talagang tao pero, basta!).

 

And there's also Karina. Giselle knows that Karina is fond of their other friend pero napansin niyang mas halata ito ngayon. There's something about her eyes that hints warmth and tenderness while listening to Winter give her feedback. And she would smile! Like smile smile na nagpipigil ng kilig.

 

She raised a brow. 

 

There is definitely something going on.

 

"Anong meron?" singit niyang tanong sa dalawa.

 

Both sported questioning looks at her.

 

"Anong meron sa inyong dalawa?" she squints both her eyes para mangilatis. She even tried to lean in to each of them at pareho naman silang napaurong palikod. “I can literally sense the landi energy from here.”

 

Winter and Karina looked at each other, both with a knowing smile across their face 

 

"'Yan tingnan niyo 'yan. Ano 'yan?" Giselle points at them.

 

“Guni-guni mo lang ‘yon Giselle.”

 

"Hindi niyo ako maloloko. I know what you're doing."

 

"Oo na oo na!" Karina playfully raised both her hands to surrender. "Actually Giselle, may aaminin ako." Bigla siyang nagseryoso kaya itinuon rin ni Giselle ang atensyon dito.

 

Napatingin rin sa kanya si Winter, hindi mawari kung ano yung balak niya.

 

"Uhm…" Karina glances at Winter. 

 

"So, ano?"

 

"Actually…" Karina paused, making the scene more dramatic.

 

"Please lang Katarina Marie sabihin mo na or I'll just ask Winter instead."

 

"May gusto si Winter sa'kin," she confessed as she looked at Winter with that teasing smile of hers. Inaasar na naman siya nito.

 

Winter acted surprised at the revelation. "Kapal naman ng mukha mo."

 

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

 

"Oh really?"

 

"Really."


 

[Very Special Love - Sarah Geronimo]

I never believed in love

I was deceived by love

I never had much luck with lovers before…


 

Sabay silang napatingin kay Giselle nang magring ang phone nito. Giselle immediately turned it off at hindi na chineck kung sino yung caller. 

 

Binalik niya ang atensyon sa dalawa. “Hehe, sorry. Tuloy niyo lang.”

 

And surprisingly, tinuloy nga nila.

 

“So sino yung nagsabi na gusto niya pa ng second date ha?”

 

Giselle’s ears perked up at the mention. “Date?!”

 

Tumawa si Karina. “Date pala yung tingin mo dun ha,” asar nito sa namumula na ngayong si Winter.

 

“Hindi ‘no!”

 

“Welay, I didn’t know gano’n mo ‘ko kagusto.”

 

“Please stop talking, Marie.”


 

[Very Special Love - Sarah Geronimo]

I never believed in love

I was deceived by love

I never had much luck with lovers before…


 

Much to Giselle’s displease ay bigla ulit tumunog yung phone niya. Giselle looked at the caller ID at nung nakita niyang si Ningning ito ay agad niya ‘tong sinagot.

 

“Please do not continue hangga’t ‘di ako nakakabalik,” she told the both of them at saka siya tumayo para sagutin yung tawag.

 

“Hello?”

 

“Giselle..!”

 

“Yes, Ning?”

 

“Free time niyo ba ngayon? Or may klase kayo?”

 

“Our next class is still an hour pa. Bakit? Is there a problem?”

 

“Sorry, hindi kasi sinasagot ni Winter phone niya. Kasama mo ba siya?”

 

“Oo, nandito kami ngayon sa library actually. Bakit?”

 

“May ipapabili sana ako sa kanya para sa next class ko. Hindi kasi ako makaalis kasi tuloy-tuloy classes namin ngayon,” nag-aalala niyang sabi. “Pwede bang kausapin ko si Winter?”

 

“I can do it Ning. Ako na lang ang bibili.”

 

“Hala ‘wag na..”

 

“Baka ‘di rin magustuhan ni Winter kapag inutusan mo siya ngayon.”

 

“Huh? Bakit?”

 

Giselle ch

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real