Chapter 17

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Good morning ate Jennie," bati ni Winter kay Jennie nang namataan niya itong kakalabas pa lang ng kwarto.

 

"Good morning, rin. Nagbreakfast ka na?" humihikab na tanong ni Jennie at saka nagtingin ng mga pagkain sa kusina.

 

"Ah balak kong kumain ngayon sa labas ate."

 

Ang totoo niyan ay kanina pa nakabihis si Winter at ngayon ay naghahanda na siyang umalis. Hindi naman niya nakalimutang magsaing kanina dahil baka gusto ring kumain ng mga ate niya at para di na rin sila matagalan.

 

Nagtaas ng kilay si Jennie. "Araw-araw na 'yan ah?" pansin nito. "Good for you."

 

"Ubos na nga po allowance ko ate eh, char," she joked, making Jennie laugh at her. "Nagsaing po pala ako ng kanin pero kayo na lang bahala sa ulam," dagdag pa niya.

 

"Thank you, Winter. Balak ko rin kasing magbaon ng kanin mamaya for lunch."

 

"Sige po. Una na po ako ate," paalam ni Winter at isinukbit na ang bag sa likod.

 

"Okay, ingat."

 

Lumabas na si Winter at saktong paglabas niya ay nakita niya doon si Minju sa patio.

 

"Ingat neighbor!" Kumaway pa ito sa kanya kaya ginaya na lang rin ito ni Winter.

 

"Thanks. Wala ka pang klase?"

 

"Mamaya pa akong 9. Kakaalis lang ni Ryujin baka makasabay mo 'yun!"

 

Tumango na lang si Winter. 

 

Kumaway ulit siya at lumabas na sa gate nila.

 

Napaisip siya doon sa sinabi ni Minju. Ilang beses nang nabanggit ni Minju sa kanila na meron siyang roommate pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita. Nagda-doubt na tuloy si Winter kung totoo pa ba yung mga sinasabi ni Minju o gawa-gawa na lang ito.

 

Hindi naman nababaliw si Minju 'di ba?

 

Nagpatuloy lang si Winter sa paglalakad at ngayon ay nasa bungad na siya ng kanto nila.

 

Lumiko siya pakanan.

 

May naramdaman siyang sumusunod sa likod niya.

 

"Hindi mo ako magugulat, Karina."

 

Ibinaba ni Karina yung dalawang kamay niyang nakataas at ready nang gulatin sana si Winter.

 

"Kill joy mo naman," nanlulumong sabi nito at saka sinabayan siyang maglakad.

 

"Paano ako magugulat kung lagi na lang akong sinusundan? Alam ko na agad 'yon Karina."

 

"Hindi nga kita sinusundan."

 

Winter raised a brow at her.

 

"Sinusundan pa ba kung sabay na tayong naglalakad?"

 

"Oo," diretsong sagot ni Winter.

 

"Okay then, sundan mo 'ko." Nauna na maglakad si Karina habang nakatingin lang sa kanya si Winter.

 

"Saan?"

 

"Kain muna tayo."

 

"Libre mo?"

 

"Hindi."

 

"Tara na kasi." Karina grabbed her wrist kaya wala nang nagawa si Winter kundi sumunod na lang sa kanya.

 

Pang-ilang beses na nga ba ito? Pangalawa o pangatlo?

 

Well, hindi kasi ito ang first time na sabay silang kumain ni Karina. Hindi rin alam ni Winter kung paano 'yon nangyari pero bigla na lang isang araw nakatanggap siya ng text mula sa isa.



 

bubblegum:

welay

hoy

you there?

 

Winter:

ano na naman?

 

bubblegum:

wala pa nga akong ginagawa galit ka na naman😔

 

Winter:

umagang-umaga karina

 

bubblegum:

oh ano ANO?

seen.

 

bubblegum:

anong oras ka aalis dyan

 

Winter:

ayoko

 

bubblegum:

hindi ko pa nga sinasabi🙂


 

Ayun, pagkalabas ni Winter sa may kanto, bigla na lang siyang ginulat ni Karina tapos hinatak niya ito para samahan daw siyang bumili ng pagkain dahil ayaw daw siyang samahan ni Giselle.

 

At si Winter talaga ang naisip niyang second choice. 

 

Kaya ngayon ay magkasama na naman ulit silang dalawa.

 

Winter watched Karina as she eat. Mabilis lang kasi siyang natapos na kumain kaya wala na siyang magawa kundi panoorin si Karina. Or rather admire her? Hindi rin talaga niya sure.

 

“Ang ganda ko ‘no?”

 

Winter snorted at umiwas ng tingin. “Pwede ba?”

 

Karina chuckled lightly at saka tinuloy na ang pagkain.

 

Binalik ulit ni Winter ang tingin niya rito.

 

Winter took her time to look at her features. 

 

Mukhang ayos naman na si Karina ngayon kumpara nung nagkita sila dati. She could still remember Karina’s eyes that day. They were lonely. Pati yung ngiti niya ay mahahalatang pilit lang.

 

"Sabihin mo lang kung tapos ka na magplano kung pano ako patayin."

 

"Patay agad?"

 

Tumingin si Karina sa kanya. "Kung hindi mo ako papatayin dahil hinatak kita dito, anong iniisip mo?" hamon niyang tanong.

 

"Okay ka na nga talaga," tanging nasabi na lang ni Winter.

 

"Since when am I not okay?"

 

"Simula nung hinatak mo ako papunta rito."

 

Binaba ni Karina yung hawak niyang kutsara at tinidor at saka pumahalumbaba sa lamesa.

 

She grinned. "Crush mo talaga ako 'no?"

 

Winter was caught off guard. Inilibot niya ang tingin niya mula kay Karina papunta doon sa pagkain na hindi niya pa nauubos.

 

"Dalian mo na ngang kumain dyan male-late na tayo!" utos niya.

 

"Oo na ito na." Kinuha na ni Karina yung kubyertos pero bago niya itinuloy ang pagkain ay tumingin ulit siya kay Winter. "Thank you for accompanying me here."

 

"Kahit labag sa loob ko, sige, welcome."

 

"Cute mo 'pag nagsisinungaling."

 

Umirap si Winter. "Psh." Pero halata rin yung mumunting silay ng ngiti sa labi niya and she knows Karina saw it too.

 

Hindi alam ni Winter kung anong nangyari sa kanya noon but she’s glad na maayos na ngayon si Karina.



 

***



 

Napansin na agad ni Winter yung maintrigang tingin ni Giselle nang pumasok siya sa classroom. As usual ay nandoon siya sa gilid kaya dumiretso na agad doon si Winter.

 

“Pansin ko lang na sabay na kayo lagi ah?” bungad ni Giselle na tanong pagkaupong-pagkaupo niya.

 

“Hindi kami magsasabay ni Karina kung pumayag kang samahan siya ‘no,” sagot ni Winter at saka ginawi ang tingin kay Karina. Nandoon na naman ulit siya sa tabi nila Sakura.

 

Mukhang napansin ni Karina na may nakatingin sa kanya kaya bigla itong lumingon at nagtama ang tingin nila ni Winter. She winked at her. Nagtaas lang ng kilay si Winter at ibinalik na ang tingin kay Giselle.

 

“Wow, dedma ka girl?” tukso ni Giselle nang mapansin niya yung ginawa ni Winter sa kaibigan niya.  

 

Winter remained expressionless.

 

Pero deep down, may naramdaman siya sa tyan niya. Ayaw na lang niyang pangalanan kasi mawawala angas niya.

 

"Medyo hassle lang kasi na sumama sa kanya kasi sasakay pa ako ng tricycle. Nag-iipon kaya ako ngayon," paliwanag ni Giselle.

 

"Kaya ako yung sinabi mo?" sarkastikong sabi niya.

 

"Ay ayaw mo ba?"

 

Hindi nagsalita si Winter. Medyo gusto naman niya kasi.

 

Napansin ni Giselle yung biglang pagtahimik ni Winter.

 

"Sabihin mo lang sa 'kin kung sumusobra na si Karina sa pangungulit sa'yo. I know she can be too much sometimes."

 

Winter appreciated her genuine care. She gave Giselle a smile. "Okay lang naman. Parang 'di ka pa nasanay sa kanya."

 

"Now that you said it, meron kang point."

 

"'Di ba."

 

Winter opened her bag at nilabas yung yellow paper niya. Mukhang hindi pa dadating anytime now yung prof nila kaya ginamit niya muna yung time para magsulat dito. 

 

Pinagmamasdan lang ni Giselle yung ginagawa niya.

 

“Ano ‘yan?” tanong niya at saka sumilip.

 

Pinakita ni Winter yung nakasulat dito.

 

I already told you before that your smile looks good on you pero mas maganda siya tingnan kung nakangiti rin yung mga mata mo. I hope I get to see it more often.

 

Giselle gave her an amused look after looking at the paper and raised a brow. “Akala ko ba ayaw mo na magsulat?”

 

“Mura lang naman yellow paper.”

 

“Meron pa akong scented paper dito kung gusto mo,” she joked.

 

“Ayoko nga.”

 

“Hoy nag-effort pa kami ni Mark para sa scented paper tapos kayong dalawa ni Karina nasa yellow paper lang?” Ito na nagsimula na siyang magreklamo. 

 

“Eh ba’t kasi nagganun pa kayo? Sino ba may pasimuno?” tawa ni Winter. 

 

“Si Mark yung unang nagbigay ng ganon tapos ginaya ko na lang.”

 

“Siya talaga?”

 

“Oo.”

 

Winter slightly frowned but she immediately dismissed it. Baka mali lang siya ng iniisip. Masyado kasi siyang ma-issue.

 

Tinupi na niya yung papel at saka hinanap ng tingin si Karina pero wala na ito sa pwesto niya kanina.

 

“Hinahanap mo ako?” May nagsalita sa likod ni Winter.

 

“Plano mo bang maging kabute?”

 

Giselle snorted. “Kabute na talaga ‘yan dati pa.”

 

Pumunta si Karina sa tabi nila para maupo. May mga vacant chairs pa kasi doon sa may pwesto nila.

 

Binigay ni Winter yung papel na hawak niya kay Karina. Taka siya nitong tiningnan pero kinuha niya rin ito.

 

Karina opened it to read what was written.

 

Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin. “May ballpen ka?”

 

Binigay ni Winter yung hawak niya.

 

She watched as Karina also wrote something on it at saka binalik kay Winter yung papel at ballpen.

 

Binasa ni Winter yung nakasulat.

 

Alam ko ;)

 

She turned her gaze back at her at masama siyang tiningnan. Halatang-halata yung pagpipigil ng tawa ni Karina nung nagtama ang tingin nila. She reached out her hand para baliktarin yung hawak na papel ni Winter and there, meron pang nakasulat.

 

Thanks for saying that. It makes me feel positive about myself :)

 

Winter could already see Karina smiling in her peripheral.

 

And maybe she is too.



 

***



 

“Nakita mo na grades mo sa portal?”

 

“Meron na ba?” tanong ni Winter. 

 

Naglalakad sila ni Giselle ngayon papunta sa labas ng campus para bumili ng pagkain. Meron kasing mga hilera ng nagbebenta ng streetfoods sa gilid ng gate nila kaya doon ang punta nila ngayon.

 

“Oo, I think last week pa.”

 

"Kumusta?"

 

Giselle shrugged. "Matataas naman yung minor subjects."

 

"Eh yung mga major?"

 

"Ang mahalaga wala akong tinatapakang tao."

 

Lumingon sa kanya si Winter. "Weh totoo ba?"

 

"Winter muntik na ako magkaroon ng tres kay sir Agra. Buti nga hindi niya sinakto. Narinig ko sa iba nating kaklase na binigyan niya yung iba ng 3.0 na grade tapos yung iba naman lagpas pa talaga sa tres."

 

Nawala yung ngiti ni Winter at ngayon ay napalitan na ito ng kaba. Hindi pa kasi niya nakikita yung grades niya. Hindi naman siguro siya binagsak nung prof nila na 'yon 'no? Pero kung tutuusin, kaysa bumagsak, mas tatanggapin na lang niyang magkaroon ng tres. At least pasado pa rin siya.

 

Giselle softly pat Winter's back. "'Wag ka mag-alala 'di ka naman no'n ibabagsak. Matataas naman mga nakukuha mo sa quizzes. Siya na lang talaga yung may problema kapag mataas yung score mo tapos bibigyan ka niya ng mababang grade."

 

"Hindi mo pa rin sure."

 

"May finals pa naman. Babawi ako sa finals," determinado niyang sagot kaya wala nang nagawa si Winter kundi sumang-ayon.

 

"Same kahit na ilang years ko na rin 'yang sinasabi."

 

"At least hindi mo nakakalimutan." Tumawa siya.

 

Napailing na lang si Winter at saka tumingin sa harapan.

 

Hindi kalayuan sa paglalakad nila nang may bumukas na pintuan at bigla na lang umingay yung tahimik na hallway. Maraming mga nagsilabasang estudyante mula roon pero napansin na agad ni Winter yung pamilyar na pigura hindi malayo sa kanya.

 

"Bye Nadine!"

 

"Nadine next time kantahin mo yung Paligoy-ligoy!"

 

"Bye Queen Antoinette!"

 

"Eme niyo! Ningning kasi! Hindi ko kilala si Nadine."

 

Kumaway si Ningning sa iba niyang mga kausap at saka nagsimula na ring maglakad. Naramdaman ni Winter yung paghatak ni Giselle sa braso niya para mas bilisan nila ang paglakad.

 

"Ningning!" 

 

Lumingon si Ningning sa likod at doon niya nakita si Giselle na kumakaway sa tabi ni Winter. Binagalan niya maglakad para makasabay sila sa kanya.

 

"May practice kayo?"

 

"Oo na-invite kasi yung Rhythm Central na kumanta sa isang event sa labas ng school kaya ayun, todo practice kami ngayon."

 

"Kailan?"

 

"Next week pa naman. Nasabi ko na 'to kay Giselle–"

 

Napako ang tingin ni Winter sa kaibigan.

 

"–sabi ko pwede siyang manood," Ningning grinned at her friend. "Pero kung wala ka namang ibang gagawin Win, pwede ka ring pumunta."

 

"Ning, is it okay kung isama ko si Karina?" tanong ni Giselle.

 

"Okay lang! The more the merrier 'di ba Winter?" Ningning glanced at her as if to . Hindi naman nagfail doon si Ningning kasi binigyan siya agad ng tingin ni Winter.

 

Giselle also smirked, glancing at the two, also knowing the reason behind their stares.

 

"Oh I'm sure Rina will come."

 

"Hi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real