Chapter 7

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter hates Mondays.

 

Kahit naman matatawag niya ang sarili niyang isang responsableng estudyante, ito pa rin talaga ang pinaka-ayaw niyang araw sa lahat. Actually, buong weekdays talaga ang ayaw niya kasi it means makukulong na naman siya sa isang institution na ang tawag ay school.

 

At ayaw niya talaga ang monday dahil sa flag ceremony.

 

Kapag may flag ceremony kasi, kailangan gumising siya ng mas maaga sa usual wake up time niya. 

 

Kinuha ni Winter ang phone niya na nakapatong sa bedside table at tiningnan ang oras.

 

5 A.M.

 

Winter groaned.

 

Pwede bang mag-freeze muna ang oras para madagdagan pa kahit papano ang tulog niya? 

 

Pero mas okay na rin siguro yung ganitong oras ng gising kaysa nung hindi pa siya nagbo-board. Dati kasi 4 A.M. palang dapat gising na siya dahil aabutin pa ng halos dalawang oras ang biyahe niya para hindi siya ma-late. 

 

Pinilit ni Winter na ibangon ang katawan niya para makapaghanda na siyang pumasok. 

 

Kung tutuusin nga pwede naman siyang matulog pa ng isang oras pero baka mas lalo siyang magahol. Matagal pa man din siya mag-ayos ng sarili. Kailangan rin kasi niyang magluto ng agahan ngayong umaga. Dinamihan na rin niya ang sinaing niyang kanin dahil nakasanayan na niyang palaging may humihingi sa kanya.

 

Katulad na lang ngayon.

 

Binuksan ni Winter ang pinto nang may narinig siyang katok sa labas.

 

“Hi, may kanin ka ba? May dala akong fried siomai.”

 

At least may dala siyang ulam ngayon. Dati kasi, lagi lang itong humihingi ng kanin. Na-guilty siguro kasi hindi naman siya nagbabayad kapag humihingi siya ng kanin kay Winter.

 

“Gaano karaming kanin kailangan mo?” tanong ni Winter at kinuha na niya yung plato na hawak ng bisita niya at saka nagsandok doon.

 

“Sa tingin mo ilan?”

 

“Ewan ko sa’yo Minju.”

 

Tumawa si Minju habang naghihintay na masandok ni Winter yung kanin niya.

 

“‘To naman parang others. For sure alam mo na kung gaano karami kukunin ko.”

 

Bumalik na si Winter habang dala-dala yung plato na puno ng kanin at saka inabot kay Minju. “‘Yan na.”

 

Kinuha na ni Minju yung plato at saka tumayo na rin para magpaalam. 

 

“Thanks Winter! Magluto ka ulit bukas, hihingi ulit ako,” paalam niya at tuluyan nang lumabas para bumalik sa kabilang kwarto. 

 

“Dapat talaga sinisingil ko siya sa kanin. Ang mahal ng bigas ngayon eh,” mahinang bulong ni Winter.

 

Biglang bumukas yung pinto na ikinagulat niya. Sumilip doon si Minju. “Don’t worry magdadala ulit ako ng ulam bukas.”

 

At sinarado na ulit niya yung pinto. Napailing na lang si Winter. 

 

Hindi rin niya alam kung paano siya nagkaroon ng kapitbahay na laging humihingi sa kanya ng kanin. Bigla na lang kasing isang araw, may kumatok sa pinto nila tapos nagtanong kung may extra na kanin pa siya. Bilang mabait na nilalang, she didn’t hesitate to give. Hanggang sa inaraw-araw na ni Minju. Kulang na lang dito na rin siya makikain sa boarding house nila Winter.

 

Pagkatapos kainin ni Winter yung fried siomai na iniwan ni Minju ay naligo na agad siya at buti na lang ay medyo marami pa yung oras na natira sa kanya para makapag-ayos ayos. After that ay umalis na agad siya.

 

“Ingat neighbor!"

 

Ikinaway na lang ni Winter ang kamay niya habang nakatalikod. Alam naman na niya kung kaninong boses galing 'yon. Mga ganitong oras tumatambay si Minju sa mini patio sa labas ng boarding house nila. Palibhasa kasi wala itong klase sa umaga kaya hindi na niya kailangan um-attend ng flag ceremony.

 

Winter walked papunta sa paradahan ng tricycle papunta sa campus nila. Naisipan niyang 'wag na lang magjeep ngayon dahil tinatamad na siyang maglakad. Sa jeep kasi, hindi siya ibaba sa mismong tapat ng campus. She still has to walk at least 200 meters bago makarating doon. 

 

Ngayon lang nagsink in sa kanya yung katangahan niya nung na-late siya dati sa 7 A.M class niya kay ma’am Aguirre kung saan naging partner niya si Karina. Alam naman ni Winter na random talaga yung pairings doon pero hindi pa rin niya maiwasang sisihin na yung pagka-late niya ang dahilan kung bakit niya naging partner si Karina.

 

Not that she still didn't like the idea of being partnered with Karina. 

 

Ngayon kasi, nato-tolerate na niya. Nato-tolerate na niya yung laging pang-aasar nito sa kanya any chance she gets. Dapat talaga nung nag-away sila, sinumbat na rin ni Winter sa kanya yung pang-aasar nito. Pero wala eh, siguro part na rin talaga ng buhay ni Karina yung pang-aasar at pati si Giselle ay hindi rin nakakaligtas.

 

Simula kasi nung time na nagrant si Winter tungkol kay Karina, lagi nang sumasabay sa kanya si Giselle. 

 

Siguro natauhan na rin si Giselle at naisip na mas matinong kaibigan si Winter kaysa kay Karina.

 

And speaking of Karina, napapansin ni Winter na hindi na nito sinusulat yung words of affirmation. She's just saying it casually to her like it's a normal thing to do. 

 

Normal lang naman talaga 'yon. Pero hindi pa rin sanay si Winter na lagi siyang nako-compliment on the spot.

 

Parang kailan lang naiinis siya kay Karina kasi hindi ito nakikipag-cooperate tapos ngayong nakikipag-cooperate na siya, parang ayaw naman ni Winter. 'Wag gano'n mamsh. 

 

"Aga natin ngayon ah?" May biglang umakbay sa kanya and judging by the scent, kilala na agad ito ni Winter.

 

"Pati ba naman dito sinusundan mo ako?"

 

Tinanggal ni Winter yung nakaakbay na kamay ni Karina.

 

"Feeling mo naman. Baka nga ako talaga sinusundan mo eh."

 

"Kapal mo ah," sabi ni Winter at mas binilisan maglakad. Wala ring silbi yung bilis ng paglalakd niya kasi naabutan rin siya ni Karina. Wala naman kasing binatbat yung height ni Winter sa height nitong isa.

 

"Sabay na tayo sa tric. Magtatric ka naman diba?"

 

"Hindi magji-jeep ako."

 

"Sige sabay na tayo sa jeep."

 

Lunes na lunes pero wala bang balak si Karina na lubayan si Winter?

 

"Ready ka na sa report natin?" tanong nito.

 

“Oo na-review ko na yung key points. Ikaw ba?”

 

Karina remained silent kaya napatingin si Winter sa kanya. Don’t tell me…

 

“Joke lang! ‘To naman syempre na-review ko na rin. Baka mamaya sabihin mo na namang ‘wala kang interes sa iba kundi sa sarili mo lang.’” Ginaya pa talaga ni Karina yung exact way kung paano ‘yon sinabi ni Winter. Jino-joke time na lang niya ngayon yung away nila dati.

 

For Winter, hindi naman talaga siya technically away. Siguro matatawag niya itong meaningful debate dahil thought-provoking ang mga lumabas na salita sa kanila no’ng araw na ‘yon. And now look at how Karina applied it in her life. Meaningful talaga. Although Winter can’t also help but wonder what made Karina change. Dati kasi ay hindi talaga maipagkakaila na masipag si Karina. Winter will never say this out loud but she always admired Karina back then. Siya pa nga ang dahilan kung bakit nagsisipag itong si Winter. Ngayon kasi ay parang wala na itong paki sa pag-aaral niya. Naging kaibigan na nga rin niya yung mga blockmates nila na pabaya. And speaking of them…

 

“Bakit ‘di mo kasabay mga kaibigan mo?” tanong bigla ni Winter.

 

“Sinong friend?”

 

Perks of being a social butterfly, ang dami lang friend ni Karina.

 

“Yung mga maiingay,” Winter blurted without thinking. “I mean sila Sakura.”

 

Natawa naman si Karina sa sinabi ni Winter. Winter knows for sure na narinig ni Karina yung nauna niyang sinabi.

 

“What did you say?”

 

“Wala.”

 

“Okay, Welay.”

 

Winter could only glare at Karina after hearing that familiar name again. Ang akala kasi ni Winter ay makakalimutan rin agad ni Karina yung pangalan na ‘yon dahil may 2 days break sila. Weekend lang talaga ‘yon. But the point is, akala ni Winter ay makakalimutan na ni Karina yung mabaho niyang pangalan sa loob ng two days na ‘yon.

 

She was wrong.

 

“Are you saying something Welay?”

 

Kung bakit pa kasi kailangan pang i-expose ni Yuna yung tawag sa kanya sa kanila at kung bakit uso sa probinsya ang magbigay ng mga mababahong palayaw. Ang ganda-ganda ng pangalan niyang Winter tapos tatawagin lang siyang Welay? The disrespect. Mas tanggap pa nga niya kung tatawagin na lang siyang snow (kahit mukhang pangalan ‘yon ng aso).

 

“Wala, Marie.”

 

It was now Karina’s turn to look at Winter na parang tinubuan siya ng dalawang ulo.

 

“Parang namali ako ng rinig, ano nga ulit yung sinabi mo?”

 

Winter smir

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real