Chapter 16

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

Saturday na naman ulit ngayon pero maaga pa lang ay gising na si Winter. 

 

Pagkalabas niya sa kwarto ay sakto ring paglabas ni Jennie sa kabilang pintuan. Nagkagulatan pa nga silang dalawa. Pero mas halata yung gulat ni Jennie dahil napatalon pa ito. Buti na lang at hindi siya napasigaw kasi for sure baka maunahan ni Rosé ng gising yung alarm clock niya.

 

“Hehe sorry po,” nahihiyang sabi ni Winter at nagpeace sign. Sabay na sila ni Jennie na naglakad papunta sa kusina.

 

“Ang aga mong gumising ngayon ah? May saturday class kayo?”

 

“Wala ate, balak ko lang pong umuwi ngayon sa bahay.”

 

“Oh okay. Anong oras ka aalis? Meron rin kasi akong pupuntahan.”

 

Napaisip si Winter. Alas syete pa lang naman ngayon at marami pa naman siyang oras ngayong araw.

 

“Mauna na lang po kayong gumamit ng CR ate. Hindi naman ako nagmamadali.”

 

“Okay.”

 

Pagkalipas ng ilang sandali ay sakto ring bumukas ulit ang pinto sa kwarto nila Jennie. Lumabas doon ang bagong gising na si Rosé. Papikit-pikit pa siya at nag-uunat nang napansin niyang gising na yung dalawa niyang kasama sa bahay.

 

“May klase rin kayo ngayon?” bungad niyang tanong at naupo sa tabi ni Winter.

 

“Uuwi ako sa amin ate,” sagot ni Winter at saka kumuha ng tasa na nakapatong sa mesa. Magtitimpla na lang muna siya ng gatas.

 

Nang mailagay na niya sa tasa yung titimplahin niya ay tumayo na siya para kunin yung takure at nagpatulo ng tubig mula sa gripo.

 

“Ate Rosé, ate Jennie, magpapainit ako ng tubig, gusto niyo rin ba?” tanong niya.

 

“Damihan mo na lang Winter. Magtitimpla rin kami.”

 

“Wala pa pala tayong pagkain ngayon pero may kanin pa tayong tira kagabi,” sabi ni Jennie nang binuksan niya yung rice cooker.

 

Pinatay na ni Winter yung gripo at saka sinalang na niya sa kalan yung takure.

 

“Marami pa ba yung kanin, Jen?”

 

“Medyo marami pa yung natira. Kasya pa ‘to sa ‘ting tatlo pero…” huminto si Jennie sa pagsasalita at nag-alangan sa sasabihin. “Oo, sa’ting tatlo lang.”

 

Nagpigil ng ngisi si Winter. Napaka-considerate talaga ng ate Jennie niya. Alam naman niyang si Minju ang dahilan kaya bigla siyang tumigil kanina.

 

“Jennie hindi mo na kailangan i-censor yung pangalan ni Minju,” natatawang sabi ni Rosé which made Jennie pout unconsciously. “Wag kayo mag-alala guys siya yung nakatoka ngayon sa ulam natin,” dagdag pa niya.

 

Nagtaka si Winter. “Kasali na si Minju sa schedule natin?”

 

Rosé shrugged. “Winter, araw-araw na siyang nandito sa atin. Dapat sumali na siya sa sched natin.”

 

“Hindi ka na nahiya, Sé,” Jennie scolded her. “Dalawa lang sila ni Ryujin doon tapos tatlo tayo dito.”

 

“Okay lang ‘yan. Hindi naman nahiya si Minju sa’tin kaya dapat tayo rin.”

 

Natawa si Winter. Pinaglalaban talaga ni Rosé ang rights nila sa pagkain. Pero sang-ayon rin si Winter na dapat sumali na rin si Minju sa schedule nila kasi inaraw-araw na talaga niya ang pagpunta rito.

 

“Good morning mga magaganda kong ate! Hi Winter!” 

 

Speaking of their hidden 4th housemate.

 

Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita sa may pintuan. Nandoon na nga si Minju at may hawak na plato sa kabilang kamay.

 

“May dala akong ham at pritong itlog. Sana mabusog kayo.” Tuloy-tuloy nang pumasok si Minju sa bahay at hindi na nag-abalang magpaalam. 

 

Pinatay na ni Winter yung kalan nang marinig niyang sumipol na ‘yung takure at saka tinubigan na niya yung tasa niya.

 

“May mainit na tubig dyan Minju, baka gusto mong magtimpla rin.”

 

“Uy thanks. Kailangan ko rin ng mainit na maiinom,” wala nang hiya-hiyang sabi ni Minju at kumuha na rin doon sa mga tasa nila Winter.

 

Tahimik lang siyang pinanood nung tatlo hanggang sa matapos siyang magtimpla. “Kape tayo ate,” alok niya pa.

 

“Kita mo na?” Rosé said to Jennie as she gestured at Minju. Hindi na nagsalita si Jennie at inirapan na lang ang kaibigan. Rosé does have a point.




***




“Sabay ulit tayo pauwi bukas ah. Bye!”

 

“Chat mo na lang ako kung anong oras ka aalis bukas.”

 

“Sige!” 

 

Kinawayan ni Winter si Ningning nang bumaba na ito mula sa bus na sinasakyan nila. Sabay kasi sila ni Ningning na umuwi ngayon dahil wala rin naman daw siyang masyadong gagawin. Onting review lang naman para sa recitation nila next week pero kaya naman ‘yong i-rush review sa sunday.

 

Umayos na si Winter ng upo at tumingin sa bintana ng bus. Malapit na rin kasi ang bababaan niya. Same town lang naman kasi sila ni Ningning pero magkaiba ang barangay nila. Hindi nagtagal at nakarating na rin si Winter kaya agad na siyang pumara. 

 

Pagkababa niya ng bus ay sumakay ulit siya sa tricycle dahil sa highway lang naman siya binaba at medyo papasok pa ang daan papunta sa kanila.

 

Bumungad kaagad ang kapatid niyang si Yuna na nanonood ng movie nang dumating siya.

 

“Pst!” tawag niya rito.

 

Lumingon si Yuna sa kanya tapos ibinalik rin niya agad ang tingin sa pinapanood.

 

“Mhiemasaurus, nandito na si Welay!”

 

Tuluyan nang pumasok si Winter sa loob at nilapag yung maliit niyang bag sa upuan. Hindi naman siya magtatagal dito at babalik rin siya bukas dahil may pasok na sa lunes.

 

Pagkaupo ni Winter para makinood sa kung ano mang pinapanood ng kapatid niya ay siya ring paglabas ng nanay nila mula sa kusina. 

 

“Welay nandito ka na pala. Kailan balik mo?”

 

“Bukas pa, mhie.”

 

“Ba’t umuwi ka pa kung babalik ka rin bukas?” nakataas ang kilay nitong tanong habang may hawak na sandok sa kanang kamay. Kakauwi lang ni Winter pero pinapaalis na agad siya. Itong mama niya talaga naku.

 

“Unang halika dito at bantayan mo yung kanin,” utos ng nanay nila kay Yuna.

 

“Mhie, araw-araw ko na ‘yang ginagawa. ‘Di mo ba miss si Welay?”

 

Sinamaan ni Winter ng tingin ang kapatid niya pero binugaw lang siya nito. “Punta ka na doon nanonood pa ako.”

 

“Pagkatapos kitang samahan dati sa principal ginaganyan mo na ako,” hindi makapaniwalang saad ni Winter pero tumayo rin siya para sumama sa nanay niya sa kusina.

 

“Anong principal pinag-uusapan niyo?” takang tanong ng nanay nila.

 

Nagkatinginan si Winter at Yuna.

 

‘Hindi pa rin nila alam?’

 

‘Hindi!’

 

Binalik ni Winter ang tingin sa nanay niyang seryoso na ngayon. 

 

“‘Wag kang magsisinungaling sa akin, Winter.”

 

Wala nang nagawa si Winter kundi sabihin sa mama niya yung nangyari dati. Kaya nung kumakain na sila ng tanghalian ay si Yuna na yung nagkwento ng buong nangyari. Nakaltukan pa silang dalawa (kasali si Winter kasi hindi niya sinabi agad) ng nanay nila at pinuri naman sila ng tatay nila kaya nasali rin ang tatay nila sa mga nakaltukan.

 

“Kapag naulit ulit ‘yon, ‘wag mo nang gantihan. Isumbong mo na lang sa adviser niyo.”

 

“Opo mhiema.”

 

“Umuwi rin ba si Ningning sa kanila?” tanong ng nanay niya kay Winter.

 

“Sabay po kami kanina tapos sabay rin po kaming babalik bukas.”

 

“Ay alam mo ba mhie may kasama si Welay nung pumunta siya sa school noon.”

 

Saglit lang si Yuna na tiningnan ng nanay niya at saka bumalik na ulit sa pagkain. “Oh?” 

 

“Mhie hindi si ate Ningning yung kasama niya. Mas maganda siya sa’yo.” Yung huling sinabi talaga ni Yuna yung nakapagpaangat ng tingin ng nanay nila at ang masamang tingin ni Winter kay Yuna.

 

Plastic na ngumiti si Winter sa nanay niya. “Mhiemasaurus este mama syempre ikaw ang pinakamagandang nanay sa angkan natin.”

 

Mahinang sinipa si Winter ng tatay niya sa ilalim ng lamesa at pinanlakihan siya ng mata. “Anong nanay?” mahina nitong bulong pero dahil malapit lang silang apat sa isa’t isa ay rinig pa rin ang bulungan nila. “Did I lie papshie? Nanay naman na si mhiema.”

 

“Winter dalhin mo rito sa bahay yung sinasabi ng kapatid mo at nang makilala namin,” biglang sabi ng nanay niya. Hindi ba niya nagustuhan yung pambobola ni Winter kanina?

 

“Ma, bakit?”

 

“Anong bakit? ‘Wag mong ikahiya ang girlfriend mo Winter.”

 

“Ma!”

 

Bakit parang biglang nagtransition ang mga topic sa hapag? Binobola lang naman niya kanina ang mama niya tapos biglang lovelife na niya ang pinag-uusapan. Ang tanong, meron nga ba? Syempre wala.

 

“Wala akong girlfriend?” patanong niyang sabi kasi maski siya ay naguguluhan na rin.

 

Kaagad namang nagtaka ang mama niya.

 

“Kakasabi lang ni Unang na mas maganda siya sa akin. Welay, hindi nagjojowa ang mga Quinto ng mas pangit sa kanila.”

 

“True,” sang-ayon ng tatay niya.

 

“Papshie, hindi kayo nakakatulong,” saway niya rito at bumaling sa nanay niya. “Ma, wala akong jowa.”

 

Kung alam lang ni Winter na ganito ang mangyayari sa kanya kapag umuwi siya, hindi na sana siya umuwi.

 

“Nga pala pinapapunta ka ng tita Maymay mo doon sa kanila.”

 

Ang bilis lang talaga mag-iba ng topic ng nanay niya.

 

“Bakit daw mhie?”

 

“Gusto ka raw niyang makita.”




***




Katulad ng sabi ng nanay niya ay pumunta na kaagad si Winter sa bahay ng tita Maymay niya pagkatapos nilang kumain. Hindi rin talaga alam ni Winter ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Pero may isa siyang hula.

 

Baka bibigyan siya ng allowance, hehe.

 

Pinatuloy rin naman kaagad si Winter sa loob ng bahay ng tita niya nang makarating siya. 

 

“Winter, buti nakapunta ka!” masayang bati ng tita niya nang makapasok na sila sa loob, marahan rin niyang hinawakan ang tiyan niya na hindi nakawala sa paningin ni Winter.

 

“May bago ka na namang pamangkin,” sabi niya nang makita yung pagtingin ni Winter sa tiyan niya.

 

“Congrats po tita.”

 

“Oh siya sige samahan mo muna ako sa kusina at kakain ako.”

 

Nagtatakang sumunod lang si Winter sa kanya.

 

“Upo ka muna. Nagtanghalian ka na ba?”

 

“Opo kakatapos lang,” sagot ni Winter at naupo rin sa may lamesa. 

 

“Kung nagugutom ka, ‘wag kang mahihiyang kumuha rin ng pagkain.”

 

“Sige po.”

 

Nagsimula nang kumain ang tita niya habang si Winter ay nakatunganga lang na nakaupo sa tapat ng lamesa. Hindi niya kasi dala yung phone niya kaya hindi niya alam ang gagawin bukod sa tumahimik at saka ilibot ang tingin sa loob ng bahay ng tita niya. Hindi rin kasi siya kinakausap nito kaya parang nawawalang bata lang si Winter.

 

Pinag-aaralan na ngayon ni Winter yung design ng mantel sa table nila nang may napansin siyang parang nakatitig sa kanya.

 

“Uh, tita Maymay ayos lang po ba kayo?” alanganin niyang tanong. Ang intense kasi ng titig sa kanya ng tita niya.

 

“Oo Winter ayos lang. Sinisigurado ko lang na buhay ka pa.”

 

“Po?!”

 

It turns out naglilihi pala itong tita niya at si Winter ang pinaglilihian nito. Gusto raw niyang makita si Winter na huminga sa harapan niya kaya nung nabalitaan niya na umuwi ang panganay na anak ng mga Quinto ay pinatawag niya agad ito.

 

Buong maghapon na ‘yon ay walang ginawa si Winter kundi huminga sa harap ng tita niya. Ang awkward lang kasi nakatitig lang yung tita niya sa bawat galaw niya. It was the most draining situation na naranasan niya ngayong taon.

 

Buti na lang at binigyan siya nito ng allowance bago siya umuwi.

 

Ang bilis lang lumipas ng araw at gabi na naman ulit ngayon. Babalik na naman ulit si Winter bukas sa boarding house.

 

“Kumusta?” tanong ni Yuna sa kanya nang palasampak si Winter na naupo sa sala.

 

“Hindi niyo sinabing buntis na pala si tita?”

 

Natawa si Yuna. “Bakit ano bang pinagawa sa’yo?” 

 

“Ante, pinanood lang niya akong huminga sa harap niya!”

 

“Buti nga hindi ka iniyakan. Nung pumunta ako doon last week umiyak siya sa harap ko.”

 

“Deserve.”

 

“Speaking of deserve.” Lumapit sa kanya si Yuna at ngumisi nang nakakaloko. “Kumusta kayo ng girlfriend mo?”

 

Inirapan ni Winter ang kapatid niya. Isa siguro sa genes na naipamana sa pamilya nila yung bilis nilang mag-iba ng topic.

 

"Hindi ko nga sabi girlfriend si Karina," may diin ang pagkakasabi niya pero hindi natinag si Yuna. Sanay naman na kasi siya sa ganitong ugali ng kapatid niya.

 

"Pero gusto mo?" 

 

Doon natahimik si Winter.

 

Bigla na lang nag-iba ang scene.



'Gusto kita Karina,’ pag-amin ni Winter sa taong nasa harap niya.

 

Tumingin si Karina sa kanya at hinawakan ang kamay niya. 

 

'Gusto rin kita, Winter.' sabi nito nang nakangiti.

 

'Tayo na?'

 

'Yes.'

 

Niyakap ni Winter si Karina at yumakap rin ito pabalik sa kanya.



Wait a minute!

 

NAG-DAYDREAM BA SIYA?

 

“So, gusto mo nga.” Yuna nodded to herself, not even waiting for Winter to answer.

 

Bakit ba paladesisyon yung mga nakakausap ni Winter ngayong araw?

 

"Kaibigan ko lang siya."

 

"Pero gusto mo maging ka-ibigan."

 

"Ikaw Yuna bakit parang may mas alam ka pa sa nararamdaman ko?"

 

“Psychic,” sabi niya sabay turo sa ulo.

 

“Eme mo.”

 

“Seryoso nga kasi ate!”

 

“Sige kung lahat alam mo, ano sa tingin mo yung nararamdaman niya para sa’kin?” kaswal niyang tanong na para bang hindi siya umamin indirectly sa kapatid niya na gusto niya si Karina.

 

Mas lalong lumawak yung ngisi ni Yuna. “Hmm, depende kung paano yung interactions niyo. Kailan mo ba siya huling nakita?”

 

Ang huling kita nila sa pagkakatanda ni Winter ay nung hinatid siya nito nung friday.

 

“Sige ito na lang. Tungkol saan yung huli niyong pag-uusap?” tanong ulit ni Yuna nang hindi nagsalita si Winter.

 

Umayos ng upo si Winter habang mataman lang na nakatingin sa kanya si Yuna.

 

Sinimulan na ni Winter i-kwento yung mga nangyari nung araw na ‘yon. Mula sa paghingi sa kanya ng sorry ni Karina hanggang sa paghatid niya kay Winter. Kasali rin doon yung nakasabay nila sa daan pauwi si Minju. Tahimik lang naman si Yuna na nakikinig pero may panaka-naka ring sinasabi minsan dahil kinikilig daw siya. 

 

Nang matapos siyang magkwento ay hindi siya makapaniwalang tiningnan ni Yuna. “Seryoso ka pala talaga sa kaibigan na ‘yon?” natatawa niyang saad.

 

Sabi na nga ba ni Winter wala siyang makukuhang matino sa kapatid niya. Dapat hindi na lang siya nagkwento. 

 

“Wala ka talagang dulot,” sabi niya at saka tumayo na papunta sa kusina. 

 

Naiwan naman si Yuna doon na natutuwa sa inaasta ng ate niya.

 

“Gusto mo yung tao tapos in-add m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real