Chapter 12

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter:

san kayo??

 

giselle (globe): 

208



Kaagad na ibinulsa ni Winter ang phone niya pagkabasa niya ng message ni Giselle. Mas binilisan niyang maglakad paakyat ng hagdan.

 

Nakita niya pa yung iba niyang kaklase na nakatambay sa labas pero hindi na niya sila pinansin dahil malapit na ring magtime. Bahala silang ma-late dyan.

 

Dumating si Winter sa room at unang hinanap niya ng tingin ang familiar na mukha ng kaibigan niya. She saw Giselle sitting on the side, katabi ng aircon. Typical Giselle.

 

Pinuntahan siya ni Winter at doon naupo.

 

Giselle turned to her.

 

"Nakaka-flatter naman ikaw na yung lumalapit sa akin," biro nito nang makaupo na si Winter sa tabi niya.

 

Winter shook her head. "Akala ko talaga dati tahimik ka lang, hindi ko expect na gan'to ka."

 

"Alam mo kasi Winter," nag-pause pa siya saglit. "Ako'y tahimik lang sa umpisa, kahit 'di mo 'ko pilitin," pakanta niyang sabi kaya nahampas siya ni Winter. Ibalik niyo si Giselle! Hindi 'yan si Giselle!

 

Tawang-tawa lang si Giselle sa reaksyon ni Winter. Parang nakarinig siya ng bagay na hindi dapat kung makaasta eh.

 

"Ang saya mo ngayon ah?" puna ni Winter sa tawang-tawang kaibigan. 

 

"Bawal na bang maging masaya ngayon?"

 

"Hindi ko 'yan sinabi."

 

"Eh ikaw ba't mukhang pagod ka?"

 

Winter momentarily stopped. "Anong pagod?"

 

"Ewan, you looked like you woke up on the wrong side of bed."

 

Sumandal si Winter sa upuan niya. "Malamang, sino ba naman ang may gusto na magkaroon na ulit ng klase ngayon?"

 

"May point." Gumaya rin si Giselle ng pwesto kay Winter at sabay silang bumuntong-hininga.

 

"Ayoko na mag-aral," mahinang sabi ni Winter na tinanguan ni Giselle.

 

Tiningnan ni Winter ang oras sa wristwatch niya. Lagpas alas-otso na pero wala pa rin ang prof nila.

 

Bumukas ang pintuan at pumasok doon yung squad nila Kazuha. Syempre kasama doon si Karina. Mas lalong umingay sa room nila nang pumasok sila dahil ang dami ng barkada nila. Halos kalahati siguro ng klase nila kaibigan na nila (OA lang talaga si Winter sa part na 'yan pero marami pa rin sila). Plano ata nilang magkaroon ng world domination sa section nila (syempre joke ulit 'yan). 

 

Winter was still looking at the squad in front kaya no'ng ginalaw niya ang paningin niya ay hindi niya inaasahang magtatama ang mata nila ni Yunjin. 

 

Ngumiti naman ito sa kanya at binati siya. "Hi, Winter!"

 

Napatingin rin yung iba nilang kaibigan sa kanya dahil sa lakas ng boses ni Yunjin. Pati si Karina rin ay tumingin sa pwesto niya.

 

"Uy si lodi Winter pala 'yan!" sabi nila.

 

Myghad.

 

Winter awkwardly smiled at them at umiwas na ng tingin. Natatawa si Giselle sa tabi niya.

 

"Ano feeling ng ma-shoutout lodi?" biro sa kanya ni Giselle.

 

"Shut off, Giselle."

 

Friendly naman kasi yung friend group nila. Kapag lumapit ka sa kanila, hindi naman sila maghe-hesitate na kausapin ka. Ang red flag lang nila ay yung ginawa nila sa midterms at halos wala silang pake sa acads. Isali niyo na rin yung fact na masyado silang maingay para kay Winter. I mean, kaya namang i-tolerate ni Winter yung mga maiingay pero hindi lang yung energy nila.

 

Okay na siya na paisa-isa lang yung mga maiingay na kakilala niya.

 

“Hi my bestie and Welay.”

 

Katulad na lang nito.

 

Umupo si Karina sa tabi nila.

 

Lumingon si Winter kay Karina at saka ulit binalik ang tingin sa harap. Hindi niya ito pinansin.

 

Napakunot ang noo ni Karina. “Anyare sa’yo?” tanong niya kay Winter.

 

“Gusto ko na agad umuwi,” sabi ni Giselle.

 

“Same,” sang-ayon ni Winter.

 

Mas lalong kumunot ang noo ni Karina. “Anong meron?”

 

“Nagluluksa lang kami ni Winter kasi may klase na naman.”

 

Confused pa rin si Karina.

 

Winter supressed a laugh nang nakita niya yung nakakunot na noo ni Karina. Parang naliligaw na bata si teh.

 

Nagtataka pa rin si Karina pero hindi na siya nagtanong dahil dumating na yung prof nila. It’s been almost 40 minutes pero ngayon lang siya dumating. 

 

“Sayang, dapat pinaabot na niya ng 40 minutes para makaalis na tayo,” bulong ni Giselle sa kanila. Kapag kasi na-late ang professor sa first third fraction ng scheduled class nila, pwede na silang umalis. Mas lalo ulit nanghinayang si Winter dahil magsisimula na naman ang klase.

 

Nagsalita na yung prof nila sa harap at inayos na yung laptop niya para maikabit sa projector habang naglabas naman si Winter ng yellow paper para sa notes niya. Hindi naman kasi siya masyadong nakakapagsulat ng maraming notes ngayon kung ico-compare noong highschool siya kaya okay na sa kanya yung yellow paper.

 

Nakatingin na sa harap si Giselle at busy makinig.

 

Winter glanced at her right. Nagdo-doodle lang si Karina.

 

“Nakikinig ka ba?” bulong niya.

 

“Oo,” sagot ni Karina at tumingin na sa harap. “Makinig ka na Winter.”

 

Luh siya? 

 

“Alam kong maganda ako, you don’t need to stare at me,” sabi pa niya kaya napatingin si Winter bigla sa harap. Hindi naman niya tinititigan si Karina eh.

 

“Hindi kita tinititigan.”

 

"Ow-kay." 




***




“Don’t forget to attend our next meeting because I will be giving you an activity related to our lesson today. That’s all, goodbye.”

 

“Goodbye po, Sir!” paalam ng iba nilang kaklase. Ngumiti naman ang prof nila at umalis na. 

 

“‘Wag niyo kalimutang magreview. Magbibigay rin pala ako ng quiz that day,” pahabol pa nito bago tuluyan na talagang umalis. 

 

Rinig pa nila yung reklamo ng iba nilang kaklase at syempre kasali doon si Winter. Kakasimula pa lang ng klase after ng midterms tapos quiz na agad at may activity? 

 

#AcademicFreezeNow #WeAreNotRobots

 

“Sabi ko na nga ba may kapalit yung long weekend na ‘yon,” reklamo ni Giselle at padabog na nag-ayos ng gamit.

 

“Giselle?”

 

Isang tao lang ang tinawag pero tatlong ulo ang lumingon.

 

“Mark? Bakit?” tanong ni Giselle sa lalaking nasa harap niya, nila, to be exact. Nagkatinginan si Winter at Karina. They both don’t have any idea kung anong pakay ng lalaki sa kaibigan nila. Binalik nila ang tingin sa kanya nang magsalita ito.

 

“Yung sa UTS pala, ito.” May inabot siyang papel kay Giselle, he gave her a smile at saka umalis na. 

 

Tumayo na rin silang tatlo para umalis na ng room dahil meron nang ibang block na naghihintay sa labas na gagamit rin ng room. 

 

“Saan tayo tatambay?”

 

“Try natin tingnan yung student lounge. Baka wala pang nauupo doon sa sofa.”

 

Nakarating nga sila doon at swerte na lang nila dahil wala pang masyadong estudyante na tumatambay ngayon. Winter immediately plopped herself down at the softness of the sofa at gano’n rin ang ginawa ni Giselle sa tabi niya. They sighed contentedly. 

 

Karina stared at the both of them weirdly.

 

“Ginagawa niyo?”

 

“Nauupo Karina. Now go sit.”

 

Hawak pa rin ni Giselle yung papel na binigay ni Mark kanina and Winter couldn’t help but be curious about it. 

 

“Scented paper ba ‘yan?” tanong niya kaya napatingin rin si Giselle dito.

 

Inamoy niya ‘yon at oo, mabango siya.

 

Lumapit rin si Karina kay Giselle para makibasa nang binuksan ni Giselle yung paper.

 

You've got this! Trust in your abilities and keep pushing forward. Simula pa lang ng araw pero

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real