Chapter 11 (pt. 1)

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Extended ang walang pasok hanggang monday. Nasakto kasing holiday kaya nagkaroon ng instant 3-day vacation si Winter.

 

And she's loving every bit of it. Kahit na lunes na naman ngayon at may pasok na naman ulit bukas. At least tatlong araw pa rin siyang humilata sa higaan.

 

At dahil nga nakapamalengke naman na sila nung sabado, balik na ulit si Winter sa healthy living niya. Hindi na kasi siya obligated na kumain ng hotdog (at longganisa) dahil nagluluto na sila ng housemates niya ng mga tunay na ulam. Actually nga ay meron silang schedule kung sino ang magluluto sa certain days. Nauna nang magluto si Jennie, na sinundan ni Rosé kahapon kaya si Winter na ngayon ang in charge sa kusina. Depende pa rin naman kung sino sa kanila ang may free time para magluto kasi pare-pareho pa rin naman silang mga estudyante, minsan may iba rin silang kailangang gawin. Pero habang hindi pa sila busy ngayon ay mags-stick muna sila sa schedule na ginawa nila.

 

It’s still 2 o’clock in the afternoon. 

 

Sinubukan ni Winter na matulog kaninang ala-una pero hindi na kaya ng electric fan niya na tapatan ang init. Kahit tuloy nakaramdam na siya ng antok ay hindi siya nakatulog dahil sa mainit na singaw. Mas gusto pa ni Winter na bumalik na lang ulit yung ulan kahit na mabasa na siya basta malamig. 

 

Bakit kasi ang init sa Pinas? Kung sana kasing lamig na lang ng klima sa Baguio ang buong Pilipinas ay okay pa.

 

Dahil nga hindi na siya makatulog at wala naman na siyang gagawin dahil nagawa na niya lahat kaninang umaga, manonood na lang siguro ulit siya ng series sa netflix. Actually ang gagawin talaga niya ay maghahanap ng pwedeng mapanood. Bored na bored na kasi siya dahil feeling niya napanood na niya lahat ng mga magaganda. Wala na siyang mahanap na maganda these days. Everytime kasi na matatapos niya ang 1st episode, dina-drop na niya yung iba. Hindi kasi interesting.



Ningning:  

psst gusto mo pumunta dito?

 

Winter:

bakit?

 

Ningning:

bonding winter bonding

o gusto mo ako na lang punta dyan??

 

Winter:

wag mainit dito

 

Ningning:

parang hindi dito??

 

Winter:

malakas ba wifi niyo dyan?

 

Ningning: 

parepareho lang naman tayong naka-pldt dito

 

Winter:

punta aq dyan paconnect

 

Ningning:

dala ka food



Buti na lang at nag-aya itong si Ningning. 

 

Bumangon si Winter at inayos yung mga dadalhin niyang gamit. Hindi naman siya nagdala ng marami. Pera lang at susi, pati yung pagkaing pinapadala ni Ningning. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit dahil mangangapit-bahay lang naman siya. Ang taray talaga ng term. Mangangapit-bahay. 

 

Siguro ganito sila ni Ningning kapag tapos na silang mag-aral at may sarili ng bahay. Nag-promise kasi sila dati na dapat magkatabi lang ang bahay nila kapag may sarili na silang pamilya para kapag bigla silang nagkaroon ng problema ay madali nilang mapupuntahan yung kabilang bahay.

 

Sinuot na ni Winter yung bucket hat niya at lumabas ng kwarto. 

 

Tahimik lang ang bahay nung lumabas siya. Walang tao sa sala pero nakasarado yung pinto sa kwarto nila Jennie at Rosé. 

 

Baka natutulog, isip ni Winter.

 

Hindi naman na siya nag-abalang katukin sila. Nagchat na lang siya sa GC nila na aalis muna siya saglit. 

 

Hindi pa rin nila na-seen pero delivered naman na kaya baka nga natutulog sila.

 

Lumabas na si Winter after niyang ma-check kung nadala niya yung susi. Pagkasarado niya ng pinto ay may bumati kaagad sa kanya.

 

“Hi, neighbor!” kumaway sa kanya si Minju. Nandoon na naman siya nakaupo sa patio sa gilid ng bahay ni nanay. Nakita niya pa na nakabukas ang laptop nito.

 

Kumaway rin si Winter. “Hi.”

 

“Sa’n punta mo?”

 

“Pupuntahan ko lang yung kaibigan ko dyan sa kabilang bahay.”

 

“Ah okay. Enjoy!”

 

“Okay bye,” paalam ni Winter at dumiretso na sa may gate. Narinig niya pa na may tumawag kay Minju.

 

“Minju nasaan yung laptop ko?!”

 

“Nandito sa labas!”

 

“Ba’t nandyan?!”

 

“Para lumabas ka!”

 

Hindi na ‘yon pinansin ni Winter at dumiretso na siya ng lakad papunta kila Ningning. 

 

It only took her a minute and a half bago makarating sa harap ng boarding house ni Ningning. Nilabas ni Winter ang phone niya para i-chat sana ang kaibigan nang bumukas ang pintuan at nakita niya itong sumilip.

 

"Huy halika dito!" aya ni Ningning nang nakita niya si Winter na nakatayo lang sa labas.

 

Pinagbuksan siya ni Ningning ng gate at saka inaya nang pumasok sa loob.

 

“Di ba sabi mo dati may roommate ka?” tanong ni Winter nang makapasok sila sa loob. 

 

“Oo, meron.”

 

Hindi naman masyadong kalakihan yung tinitirhan ni Ningning. Mas maliit ito kung ico-compare ito sa kung saan nagsstay si Winter pero maayos naman at malinis yung bahay. Livable na rin. Nakita pa ni Winter yung ibang housemates sa bahay na tumingin sa kanila nang pumasok silang dalawa ni Ningning.

 

“Si ate Jisoo pala ‘yan at ate Seulgi,” mahinang sabi ni Ningning sa kanya nang mapatingin siya sa kanila.

 

Nginitian ni Winter yung dalawang babae na tumigil uminom ng kape para ngitian rin siya. Nagtatakang nilingon ni Winter si Ningning.

 

“Normal lang sa kanila yung magkape kahit ganto kainit,” sagot niya. 

 

“Hello, kaibigan mo ba siya Ning?”

 

“Opo, si Winter nga pala.”

 

“Hello po,” nahihiyang bati ni Winter.

 

Kumaway sa kanya si Seulgi habang ngumiti lang sa kanya si Jisoo.

 

“Hi, I’m Seulgi.”

 

“Hello ako naman si Jisoo at okay lang ako.” Napatingin sa kanya si Winter nang sinabi niya ‘yon. Napansin niya rin yung mahinang pagsiko ni Seulgi dito.

 

“Ah hehe pasensya ka na dito sa kaibigan ko, nasobrahan lang siya sa kape,” sabi niya. Napatingin si Winter sa hawak na tasa ni Jisoo. Ang ironic lang?

 

“Oops,” kinuha ni Seulgi yung hawak na tasa ni Jisoo. “‘Wag ka na magkape, Soo.”

 

“Pero magrereview pa ako mamaya.”

 

“Matulog ka na lang muna tas gumising ka na lang mamayang gabi.”

 

“Ate punta muna kami ni Winter sa kwarto,” paalam ni Ningning at saka dumiretso na sila papunta sa isang pintuan. Lumingon pa si Winter kung nasaan sila at nakita niyang nakangiti pa rin si Jisoo bago ni Ningning maisara yung pinto.

 

Halatang-halata sa itsura ni Winter na gusto niyang magtanong dahil sa mga nasaksihan niya kanina pero inunahan na agad siya ni Ningning. 

 

“Bago ka pa may masabi, unahan na kita. Gano’n talaga ‘yon si ate Jisoo pero matino naman siyang kausap. Kung ano-ano lang minsan yung lumalabas sa bibig niya. Minsan tinutulungan niya ako sa iba kong subjects.”

 

Tumawa si Winter. “Hindi mo naman kailangan i-explain.”

 

Sinamaan siya ng tingin ni Ningning. “Baka mamaya kung ano-ano nang iniisip mo eh!”

 

“Wala naman akong inisip. Medyo ano lang, kasi nakangiti pa rin si ate Jisoo.”

 

Lumapit si Ningning sa kanya para bumulong. “Nung una, gano’n rin impression ko sa kanya. Ang random kasi minsan naririnig ko siyang kumakanta ng random songs. I mean ginagawan niya ng kanta yung mga random na bagay.”

 

“Talaga?”

 

“Oo, gano’n daw talaga yung personality niya sabi ni ate Seulgi. Kapag nakilala mo sila, okay naman sila maging housemate,” sabi ni Ningning at nag-ayos ng gamit doon sa kama niya. “Ikaw, kumusta pala yung mga kasama mo sa bahay?”

 

“Mababait sila. Parang kasing edad lang rin nila sila ate Jisoo dito.”

 

“Baka kilala nila sila ate,” excited na sabi ni Ningning.

 

“Tanungin ko sila ate Jennie mamaya kung kilala nila,” sagot ni Winter.

 

Umupo si Winter sa sahig at pinanood si Ningning na mag-ayos ng mga eche bureche sa kama niya.

 

Inilibot ni Winter ang tingin sa buong kwarto. Sakto lang naman yung space para sa dalawang double deck dito sa loob. Meron ring shared cabinet sa gilid at maayos naman yung ventilation sa buong kwarto. 

 

“Dyan yung kama ng roommate ko,” turo ni Ningning sa kabilang double deck. 

 

“Asan siya?” Tanong ni Winter.

 

“May work siya sa café kung saan ako. Shift niya ngayon. Siya nga rin yung nagsabi sa akin about sa pagwowork doon eh.”

 

“Aalis ka rin mamaya ‘no?”

 

“Oo, shift ko na.”

 

Tumango si Winter. “Sige sabay na ako. May dadaanan rin ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real