Chapter 24

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Anong oras tayo aalis?” 

 

“Ewan ko rin. Anong oras ba yun?”

 

Sabay na tumingin si Jennie at Rosé kay Winter.

 

Nagkibit lang ng balikat si Winter. “Hindi ko rin sure ate,” sagot niya at saka binuksan ang phone para tingnan na rin kung anong oras nga ba yung showing.

 

Linggo na naman ngayon and supposedly ay dapat nagpapahinga na lang si Winter sa kama niya sa boarding house pero nakita niya yung message ni Minju sa GC nila na nagpapaalala na magready na raw sila dahil ngayon daw sila manonood ng sine.

 

At doon lang naalala ni Winter na may plano nga pala sila. 

 

Winter’s mind is still not functioning properly since yesterday. 

 

Ni hindi naman siya napagod sa practice nila. 

 

Okay lang rin naman sa kanya nung sinabihan siya ni Yunjin na maging lalaki na lang yung role sa sayaw dahil kulang daw sila ng mga lalaking members sa group.

 

“May showing mamayang 1 PM tapos meron ring 4 PM,” banggit ni Winter habang nagtitingin ng mga latest film schedules sa facebook page ng SM.

 

“Edi anong oras na tayo nyan, Sé?”

 

“Gusto niyo ba ng 1? Pero parang mas maganda pag pagabi na ‘no?”

 

“Pwede, tapos kain na lang tayo sa labas for dinner.”

 

“Sige sabihin ko—”

 

Winter didn’t have the moment to listen to their conversation when her finger automatically opened a conversation on her phone.



Karina:

be my girlfriend instead?

sent 3:37 pm.



Siguro nga ito talaga ang dahilan.

 

Akala kasi ni Winter nung una nagbibiruan lang sila so when she read Karina’s message, she waited again for another.

 

Sa sobrang tagal nga ni Winter naghintay ng susunod na message ng kausap niya ay madilim na pala ang paligid.

 

Karina didn’t text or say anything after that. So Winter also did what she did. Hindi rin siya nagreply.

 

Hanggang sa matapos ang araw at nagsimula na naman ulit ng panibago.

 

So that question is a serious one.

 

Winter frustratingly let out a sigh. 

 

Hindi naman siya napansin ng dalawa niyang ate dahil busy sila magplano ng mga gagawin after manood ng sine kaya tumayo na muna si Winter para bumalik sa kwarto tutal maaga pa naman.

 

Nang nakahiga na siya sa kama ay binuksan niya ulit yung phone at paulit-ulit na binasa yung nakasulat.

 

Hindi alam ni Winter kung matutuwa ba siya o ano.

 

Bakit naman kasi sa chat siya tinanong ni Karina!

 

Natawa siya.

 

Obviously, she already has an answer in mind. Hindi naman na siya high school para magpabebe pa.

 

But their situation right now really calls for it.

 

Bakit ba, eh gusto lang talaga ni Winter magdrama.

 

After 22 hours, 46 minutes, and 8 seconds, Winter replied to Karina’s message.



Winter:

dito ka talaga magtatanong?🤨



And surprisingly, Karina replied fast.



Karina:

tagal mo naman magreply🙄

 

Winter:

kinabahan ka ba

 

Karina:

hindi no

alam ko naman isasagot mo

 

Winter:

ano ka mind reader?

 

Karina:

hindi pero alam ko lang

so, ano sagot mo?

 

Winter:

alam mo naman pala edi di ko na sasabihin

 

Karina:

pagkatapos kong maghintay ng halos isang araw??

 

Winter:

😂

 

Karina:

aalis ka ngayon di ba?

 

Winter:

oo, bakit?

 

Karina:

that means bukas pa kita makikita

i’ll just see you tomorrow then

 

Winter:

karina

 

Karina: 

?

miss mo ko?

 

Winter: 

pansin🙄

 

Karina:

HAHAHAHAHAHA

 

Winter:

usap tayo bukas

 

Karina:

nang-uutos ka?

 

Winter:

edi wag

 

Karina:

ahdsksks cute mo

sige po

 

Winter:

okay po



Winter turned off her phone with a smile on her face. Parang bigla na lang gumaan yung pakiramdam niya at napalitan na lang ito ng excitement sa pinaplano nilang magkaka-housemates mamaya.

 

Wait, ano nga ulit yung papanoorin nila?






***






“San ba tayo pe-pwesto?”

 

“Huy parang ang aga natin masyado. Wala pa masyadong tao.”

 

“Tingnan niyo kasi kung anong seat number yung nakalagay dyan.”

 

“Diba wala namang designated seat talaga pag ganito?”

 

“Naalala ko nung nanood kami dati, kahit saang pwesto lang naman kami nanood.”

 

Pumasok na agad sila sa loob ng sinehan pagkatapos nilang bumili ng mga pagkain. They didn’t have time to walk around the mall for a bit dahil medyo late na rin kasi sila bago makaalis sa bahay. 

 

Tumingin ulit si Winter sa oras. 15 minutes na lang naman ang natitira bago magstart kaya nagdecide sila na doon na lang maghintay sa loob ng sinehan.

 

Ang kaso nga lang, hindi pa rin sila nakakapagdecide kung saan ba sila uupo.

 

“Tara doon,” aya ni Rosé. Sumunod naman silang lahat sa kanya.

 

Pero hindi pa nga nakakaupo nang maayos si Winter ay bigla namang nagsalita si Jennie.

 

“I think hindi kakayanin ng view natin mamaya yung screen. Masyado kasi siyang malaki.” 

 

Kaya tumayo ulit sila para lumipat sa mas malayong upuan.

 

“Ate, masyado na ata ‘tong malayo. Magmove pa kaya tayo ng konti paharap?” sabi naman ni Minju.

 

Kaya pagkarating nila sa row na yun ay hindi agad naupo si Winter at Ryujin.

 

The three looked at the two.

 

“Ba’t ‘di pa kayo maupo?”

 

“Baka lumipat pa tayo,” sagot ni Ryujin na tinanguan ni Winter. They’re really sharing the same brain cell.

 

“Final na ‘to promise ‘di ba ate?”

 

At oo nga, hindi na sila lumipat ulit.

 

Few minutes later, nagsisimula na ring dumami ang mga tao.

 

“Sa tingin niyo, sakto kaya sa time na magpeplay yung movie?”

 

“Pustahan tayo hindi.”

 

“Oo ‘yan ate.”

 

“Hindi ‘yan. ‘Di ba may magpeplay dyan na mga advertisements kapag malapit na magstart. Tingnan niyo wala pa.”

 

“Ang alam ko may lupang hinirang pa ata or panatang makabayan ba ‘yon,” narinig ni Winter na sabi ni Jennie. Silang tatlo lang naman yung nag-uusap habang tahimik lang si Winter at Ryujin sa gilid.

 

“Winter, ako na lang mag-alog ng cheese.”

 

“Ah sige.”

 

Ibinigay ni Winter kay Ryujin yung hawak niyang bucket ng popcorn. Silang dalawa kasi yung nagshare dahil medyo may karamihan rin yung laman n’on.

 

And then suddenly, biglang namatay yung mga ilaw. 

 

May nagplay sa screen.

 

“Oh ‘di ba sabi sa inyo may lupang hinirang—”

 

“Shh!”

 

Gustong tumawa ni Winter nang sinaway si Jennie ni Rosé pero buti na lang at napigilan niya dahil nagsimula nang tumugtog ang pambansang awit.

 

And after that, the movie started playing.






***






Gabi na nang nakauwi sila Winter. Masyado kasing natagalan yung kwentuhan nila kanina habang kumakain at hindi nila namalayan yung oras. Sobrang dami lang rin kasing baon na kwento ni Rosé at Minju kaya hindi sila nauubusan ng topic.

 

Si Rosé lang yung nagdala ng susi sa kanilang tatlo kaya siya yung nagbubukas ng pinto ngayon habang dumiretso naman na si Minju at Ryujin sa kabilang bahay para makapagpahinga na rin.

 

When the door was successfully opened, binuksan na ni Rosé yung ilaw at saka nilapag yung susi sa table niya.

 

Hindi naman nakatakas sa paningin ni Winter yung keychain na kasama n’on.

 

“Binili mo ‘yang keychain mo Sé?” Mukhang hindi lang si Winter ang nakapansin dahil nagtanong rin si Jennie.

 

“Ah ‘yang tite ba? Binigay lang ‘yan sa’kin ng kaibigan ko nung pumunta siyang Baguio.”

 

“Para siyang whistle,” inosenteng saad ni Jennie. Hindi naman nakawala sa paningin ni Winter yung ngiti ni Rosé nang marinig ‘yon.

 

“Whistle?” ulit ni Rosé, halos matawa na.

 

Hindi naman ‘yon napansin ni Jennie at sumagot ulit. “Oo, alam mo ‘yon yung hinihihipan.”

 

Agad na nagtakip si Winter ng bunganga.

 

“Whistle pala ha. Sige sample nga, i-whistle mo ‘to.” Kinuha ni Rosé yung keychain at saka binigay kay Jennie na ngayon palang naintindihan yung pinaparating ng kaibigan niya.

 

Tuluyan nang natawa si Winter.

 

“Hindi kasi yung whistle na ganon!”






***






Winter hates Mondays.

 

Bukod kasi sa merong flag ceremony, kailangan niya pang gumising nang mas maaga sa usual wake up time niya. At ayaw na ayaw niya talagang gumigising ng ganong oras. 

 

In-open niya agad yung phone niya to check the time.

 

It’s already 5 AM in the morning. 

 

Usually ay hihirit pa siya ng five minutes pa para umidlip bago tuluyang bumangon but it didn’t happen today.

 

Today is Monday but Winter didn’t show any complaints about this day.

 

Maging si Minju ay nagtaka nang narinig niya si Winter na pakanta-kanta nung lumabas ito mula sa bahay. Tatawagin sana niya ang neighbor niya para magpaalam na humingi ng kanin pero hindi na lang niya tinuloy dahil baka maistorbo niya pa ito.

 

Okay lang naman siguro na kumuha nang hindi nagpapaalam ‘di ba?

 

Maaga pa lang naman kaya naisipan muna ni Winter na dumaan muna sa 7 Eleven pagkarating niya sa sakayan. Nasa tapat lang naman kasi ng nasabing store yung mga tric na lagi nilang sinasakyan.

 

Para siyang nahimasmasan sa lamig ng aircon pagkapasok niya. Ibang-iba na rin kasi yung init ngayon kahit na umaga pa lang. Summer na summer na talaga.

 

She don’t plan on staying long kaya pumunta na agad siya sa pakay niya.

 

She was typing on the kiosk when she heard a familiar voice that is already engraved in her memory.

 

“Grabe hanggang ngayon talaga sinusundan mo pa rin ako.”

 

“Excuse me? Ako?” Tinuro ni Winter ang sarili niya. “Sinusundan ka?”

 

“Obvious ba?” sagot naman ni Karina. Lumapit siya para matingnan kung anong ginagawa ni Winter. “Bakit ‘yan?”

 

“Wala nang laman gcash ko eh. Ikaw ba, bakit mo ‘ko sinusundan?” balik na tanong ni Winter.

 

Karina flashed a mischievous grin and by the looks of it, Winter already had a clue on what would happen next. “Excuse me?” paggaya ni Karina. “Ako? Sinusundan ka?”

 

Winter rolled her eyes at her but was also unable to suppress a small smile.

 

Nang lumabas yung resibo ay agad na niya ‘tong kinuha para madala sana sa counter.

 

“Welay.”

 

“Winter,” she corrected.

 

“Bakit ba eh Welay nga gusto ko.”

 

“Okay, Marie rin naman yung gusto ko.”

 

Huminto sila nang kumuha si Karina ng Big Bite.

 

“Sabi na eh gusto mo talaga ako.”

 

Hindi naman na tinanggi ni Winter nang sinabi ‘yon ni Karina. “True.”

 

Pinapanood lang naman ni Winter si Karina na pumili ng hotdog doon. She read their labels. Creamy cheese, jumbo classic, chicken cheesedog, TJ cheesedog. Lahat ng mga nakalagay sa label ay binasa niya. Ang mahal na pala ngayon ng Big Bite.

 

“Same rin,” sabi ni Karina. “Did you know that I’m looking forward to going to school today that I forgot to eat breakfast?”

 

Winter momentarily stopped in her tracks of thoughts as she turned her gaze to Karina. Hawak na nito ngayon yung bun at may nakalagay nang hotdog dito.

 

Winter couldn’t help but chuckle. “Seriously, excited ka sa school?” 

 

“Alam kong alam mo kung bakit, Welay.”

 

Napailing na lang si Winter at binalik ang tingin sa hawak niyang resibo at sa Big Bite na hawak ni Karina.

 

“Dito talaga?”

 

Karina just shrugged then opened her phone to look at the time. “We still have time so why not? Ayaw mo ba?”

 

“Hindi naman,” sagot ni Winter at mahinang natatawa. So, dito nga talaga.

 

“Winter, I just wanna ask if you want to be my girlfriend?”

 

Hinampas siya ni Winter. “Ano ka si Ricci?”

 

Tawang-tawa lang si Karina sa nagawa niya.

 

“Pero seryoso nga…” Karina started to become serious. “Winter, do you—”

 

“Akala ko ba alam mo na yung sagot?” Winter asked instead. “Akala ko ba alam mo na. So why are you asking me that?”

 

“I’m just making sure.”

 

“Ewan ko sa’yo.”

 

Nanguna na si Winter papunta sa counter and Karina is just following behind pero bago siya tuluyang makarating doon ay huminto siya at nilingon si Karina.

 

Karina waits for her to say something. 

 

“Just so you know, kino-confirm ko rin na tama yung assumption

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real