Chapter 22

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

Hatinggabi na nang makauwi si Winter sa boarding house. Ang plinano niyang saglit lang na lakaran sa labas ay tumagal na pala ng ilang oras. 

 

Kasalanan talaga ‘to ni Karina eh.

 

Pero aminin, nag-enjoy rin naman doon si Winter. Buti na lang talaga at hindi maaga ang klase niya bukas (o mamaya? Kasi technically tuesday na sa mga oras na ‘to) kasi kung hindi, baka i-regret talaga ni Winter na hindi siya nagkaroon ng sapat na tulog sa klase.

 

Tahimik ang paligid at ang tanging tunog na lang ng susi ang lumilikha ng ingay nang ginamit niya ito sa pinto. Hindi na niya hinayaan na ihatid siya ni Karina pabalik dahil panigurado ay pagod na rin ito dahil kanina pa sila naglalakad-lakad. Nakakapagod rin kaya yung ginawa nilang pagtakbo kanina. 

 

At oo nga pala, pumunta rin silang Mcdo. Yun na lang kasi ang natitirang bukas na kainan kapag ganitong oras bukod sa 7 Eleven kung saan lagi siyang pumupunta.

 

Meron pa namang isa…

 

Pero siguro next time na lang.

 

Pagkabukas ni Winter ng pinto ay bumungad sa kanya si Rosé na nagtatype sa laptop niya. As usual ay nadatnan na naman niya itong nakaupo sa harap ng study table niya. Lumikha ng mahinang ingay ang pintuan nang pumasok si Winter kaya napa-angat ng tingin si Rosé. Nagkatitigan pa silang dalawa ng ilang segundo bago ito nagtaas ng isang kilay sa kanya.

 

“Sa’n ka galing?” tanong niya. Parang nanay lang na nahuli ang anak na lumabas at hindi nagpaalam.

 

"Buti naman nakauwi ka na," dagdag pa nito at sumandal sa upuan habang pinagkrus naman niya ang dalawang kamay. Bigla namang napaayos ng tayo si Winter nang nakita niya ang ginawa ni Rosé. "So, bakit ang tagal mo?" seryoso niyang tanong.

 

Napatingin si Winter kay Rosé. Hindi niya alam ang gagawin niya. Seryoso ba talaga 'to o niloloko lang siya ng ate niya? 

 

Hindi pa nakatulong yung oras dahil sobrang tahimik na. May naririnig na nga si Winter kanina na tumitilaok na manok kahit wala pang madaling araw.

 

"Uhm, naglakad lakad lang po ako ate."

 

Winter continued to observe Rosé.

 

Seryoso pa rin talaga siya. 

 

Agad na nag-isip si Winter ng pwedeng sabihin dito sa isa pero parang biglang na-blangko ang utak niya.

 

Patay na.

 

"Pfft–sorry, sorry! Natatawa ako ayoko na HAHAHA."

 

Dahil nga malalim na ang gabi ay agad na  umalingawngaw ang boses ni Rosé sa buong bahay. Hindi lang ni Winter sure kung may nabulabog rin ba silang kapitbahay.

 

Mukhang okay naman na sigurong pumasok si Winter kaya dahan-dahan siyang naglakad paloob at sinarado na yung pinto. 

 

She carefully sat on their sofa habang hinihintay na humupa ang tawa ng ate niya.

 

"Binibiro lang kita 'to naman!" ani Rosé at saka iniharap ang upuan sa kinauupuan ni Winter. Hindi na niya pinansin ang ginagawa kanina at mas pinagtuunan na lang ng pansin ang nakababata nilang kasamahan sa bahay.

 

Feeling ni Winter nasa hot seat siya ni Tito Boy. 

 

O, baka naman…

 

Ito na ba ang time kung saan papapiliin siya kung lights on o lights off?

 

Sandali, hindi pa siya ready sa mature roles!

 

"Hulaan ko…" simula ni Rosé at tinitigan si Winter nang may nakakalokong ngiti.

 

"Wala akong pipiliin, ate," siguradong sagot ni Winter at hindi na pinatapos pang magsalita si Rosé nang akmang ibubuka nito ang bibig niya. 

 

Saglit na natigilan si Rosé pero hindi niya pinansin ang sinabi ni Winter. Bumalik ulit yung ngiti niya. Habang nakaupo ay hinila niya ang upuan niya papunta sa kinaroroonan ni Winter, na siyang lumikha ng ingay. 

 

Hindi ni Winter sure kung heavy sleeper ang ate Jennie niya pero kung light sleeper lang ito ay malamang sa malamang ay baka nagising na ito. 

 

"So.." Rosé dragged the question again.

 

Hindi ba talaga siya titigilan ni Rosé hangga't hindi ni Winter nasasagot ang tanong?

 

Okay, fine. 

 

Kung papipiliin nga si Winter, ang isasagot niya dyan ay…

 

"Ang unusual ng aura mo kahit gabing gabi na. Hindi halatang inaantok ka na,” Rosé commented.

 

"Ha?"

 

"Kasama mo siya ‘no?" makahulugan nitong tanong.

 

"Uh.."

 

Pinamulahan si Winter.

 

Rosé snapped her fingers.

 

"Sabi ko na eh," nakangiting ani niya at saka umurong na pabalik sa mesa niya. Hindi pa rin kasi siya tapos sa ginagawa niya. Pero don't worry, malapit naman na siyang matapos. Konting kembot na lang.

 

Winter looked at her. 

 

She stood up from her seat.

 

"Ate una na ako sa kwarto."

 

"Go."

 

"Okay."

 

Winter looked at her weirdly.

 

Nginitian lang siya ni Rosé.

 

"Mamaya pa ako matutulog. Ipo-proofread ko pa 'to eh."

 

"Go, ate."

 

"Thanks, Win," sagot ni Rosé habang nakatingin sa laptop pero saglit niyang nilingon si Winter. Ito na naman yung ngiti niya.

 

Winter cannot take it anymore.

 

"Ate naman!"

 

Syempre mahinang angal lang 'yon. 

 

Ayaw niyang makaistorbo sa mga kapitbahay eh.

 

Tumawa lang si Rosé.

 

"Bakit? Ngumingiti lang naman ako ah."

 

Napailing na lang si Winter at saka dumiretso na papasok sa loob ng kwarto.

 

She was already settled in her bed at papikit na ang mata nang bigla siyang may naalala.

 

Rosé is still busy typing on her laptop nang napansin niyang bumukas ang pinto at lumabas doon si Winter.

 

Dumiretso si Winter sa may lababo para kunin ang toothbrush.

 

Nakalimutan pala niyang magsipilyo.



 

Karina:

kakarating ko dito sa bahay

hbu?

i’m guessing you’re already getting ready to sleep

sorry na kasi kanina!

promise di na ako tatakbo, hehe



 

Winter:

epal mo

 

Karina:

totoo nga!

 

Winter:

matutulog na ako

 

Karina:

okay 

 

Winter:

di ako galit

 

Karina:

i know



 

Winter momentarily stopped, carefully thinking of what to say next.

 

Wala namang masama kung tatanungin niya 'di ba?

 

And so she did.



 

Winter:

next time ulit?



 

Karina replied almost immediately.



 

Karina:

kahit naman hindi mo tanungin

 

Winter:

okay

hindi pa ako fully paid sa utang ko eh

 

Karina:

kahit makalimutan mo, ipapaalala ko yan sayo

 

Winter:

🙄

 

Karina:

HAHAHAHA

see you tomorrow



 

Wala na, finished na.

 

Matutulog na nga lang, nakangiti pa rin si Winter.

 

Hay buhay.




 

***




 

Ningning:

psst gising ka na?

samahan mo nga ako😭

 

Winter:

di mo man lang ako tatanungin kung may pasok ako?

 

Ningning:

may pasok ka?

 

Winter:

meron

 

Ningning:

WOW

okay

paalis ka na?

 

Winter:

oo

 

Ningning:

tara na!

sabay tayo!!



 

Pinatay na ni Winter ang phone niya pagkabasa niya ng bagong chat ni Ningning.

 

Chineck ulit ni Winter sa pangalawang pagkakataon kung may naiwan pa ba siyang gamit.

 

So far nadala naman niya yung powerbank at charger niya. Isang yellow paper at ballpen lang naman ang need niya. 

 

At yung scientific calculator niya rin pala.

 

Ayan, okay na.

 

Buti na lang talaga ngayong college ay hindi na required na magdala ng maraming notebooks. Hindi tulad nung elementary at high school siya na kailangan bawat subject talaga may notebook na naka-assign. Naaalala niya pa yung mga panahon na halos magkanda-kuba na siya dahil sa rami ng laman ng bag niya.

 

Ngayon kasi, kahit isang pad lang ng yellow paper, sapat na. Feeling nga ni Winter, aabot na yung pad na ‘yon hanggang sa maka-graduate siya. Char.

 

Pwede rin namang wala siyang dalhin eh. But Winter wouldn’t do that. Hindi naman siya ganong klaseng estudyante. Masaya lang talaga siya na hindi na mabigat ang laman ng bag niya.

 

Pagkalabas ni Winter sa pinto ay nakita niya si Minju na nagsasampay sa labas. Hindi na sana siya magsasalita nang binati siya nito.

 

“Hi, neighbor!”

 

“Hi.”

 

“Aalis ka na?”

 

“Oo.”

 

“Okay, ingat.”

 

“Thanks.”

 

“Sayang kakaalis lang ni Ryujin, sabay na sana kayo.”

 

“Okay lang kasabay ko naman si Ningning.”

 

“Ha?”

 

“Yung kaibigan ko.”

 

Tumango si Minju at ngumiti. “Ah okay. Balik na muna ako sa loob, kunin ko yung ibang nilabhan ko.”

 

“Sige, aalis na rin ako.”

 

“Okay, bye!” Kumaway si Minju kaya wala nang nagawa si Winter kundi kumaway na lang rin pabalik at pagkatapos non ay lumabas na siya sa gate nila.

 

Hindi pa malayo ang nalalakad ni Winter nang natanaw na niya si Ningning na nakatayo na sa kalsada sa tapat ng boarding house nila at may hawak na payong.

 

Buti na lang at hindi na ni Winter kailangang hintayin si Ningning. Ang init na rin kasi ng tirik ng araw.

 

Nilabas ni Winter ang payong sa bag niya habang naglalakad papalapit kay Ningning. 

 

Pero habang naglalakad siya ay may natanaw ulit siyang lumabas na tao sa loob ng bahay nila Ningning. 

 

She saw Jisoo.

 

Ilang metro na lang ang layo ni Winter kaya nilapitan na siya ni Ningning.

 

“Bye ate Jisoo. Alis na kami ni Winter,” paalam nito.

 

“Okay, bye rin.”

 

“Saan ba punta mo ate?” tanong ni Ningning.

 

Napatingin si Jisoo kay Winter. Ngumiti naman si Winter sa kanya.

 

“Nando’n pa ba si Rosé sa inyo?”

 

“Opo ate, kasama niya si ate Jennie doon.”

 

“Sige, punta muna ako sa inyo.”

 

“Sige po.”

 

Sabay nang naglakad si Winter at Ningning papunta sa main road habang dumaan naman si Jisoo sa dinaanan ni Winter kanina.

 

“Huy.” Lumapit si Ningning kay Winter. Nararamdaman na agad ni Winter kung anong susunod nitong sasabihin.

 

“May something ba doon kay ate Jisoo at ate Rosé?” usyoso nito. “Grabe naman nakiki-ate na ako eh ‘di ko naman kilala si ate Rosé,” dagdag pa nito habang natatawa. 

 

Winter tried to hold her laugh. “Saan ka ba magpapasama?” she asked instead.

 

“Dyan lang sa Pandayan. Bibili lang ako ng bondpaper.”

 

“Okay.”

 

Tuloy lang ulit sila sa paglalakad.

 

“Hoy.” Mahina siyang siniko ni Ningning. “May alam ka ba doon sa dalawa?”

 

Winter scoff amusedly at tiningnan ang kaibigan. She raised a brow at her.

 

Tumingin rin si Ningning sa kanya. “Bakit? Nagtatanong lang ako.”

 

“Ewan ko sa’yo.”

 

“So, ano? May alam ka?” 

 

Nagkibit lang ng balikat si Winter at umaktong walang pakialam  "Wala naman. Dati napansin ko rin 'yon tapos after no'n nasabi sa 'kin ni ate Rosé yung sa kanilang dalawa."

 

Napahawak si Winter sa balikat niya nang mahina siyang nahampas ni Ningning. 

 

"Wala raw alam tapos biglang nagkwento?!"

 

"Sige hindi na ako magke-kwento ha."

 

"Huy joke lang, 'to naman!"

 

Parang may biglang dumaan na anghel nang natahimik sila pareho habang naglalakad.

 

"Pero alam mo, kaya pala dati nung unang kita ko kay ate Jisoo, may suspicions na ako.”

 

“Suspicions ka dyan. Ano na naman ‘yan, Ning?”

 

“Shunga! Hindi naman bad suspicions! Parang may nafi-feel lang akong something deep inside of me na hindi lalaki yung manliligaw ni ate Jisoo.”

 

“Hindi mo ba nakikita yung sinasabi mong naghahatid sa kanya noon?”

 

“Hindi nga. Hindi naman ako gano’n ka-invested sa identity no’n ‘no. At saka alangan namang mag-spy ako!”

 

“Hoy wala naman akong sinabing maging spy ka!”

 

“Bwisit ka.”

 

“Ako pa talaga ang bwisit?”

 

“Maiba nga tayo, may sched na ba kayo sa finals?”

 

Natanaw na ni Winter yung mga tricycle pero dire-diretso lang sila ng lakad dahil dadaan pa sila ni Ningning papuntang Pandayan.

 

Napatingin si Winter sa phone nang mag-vibrate ito. Si Giselle lang naman ang nagmessage sa GC nila na nandoon na siya sa campus.

 

“Wala pa namang schedule pero yung ibang prof sinabihan na kami ng pointers na need naming i-review. Kayo ba?”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real