Chapter 18

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

"So anong plano natin?"

 

"Isip muna tayo ng product na sa tingin natin magkakaroon ng interes yung mga tao, then we'll start from there."

 

"Okay, what if pagkain na lang?"

 

"Pwede rin naman but we need to be more specific."

 

Tahimik lang na nakikinig si Winter sa dalawa niyang ka-grupo. Last week pa sinabi ng prof nila kung paano yung magiging activity nila and he said na kailangan nilang bumuo ng grupo na nagcoconsist ng 3 members. Hindi naman siya strict sa groupings so Winter was grouped with these two other people. 

 

Sino pa ba?

 

Si Giselle at Karina lang naman ang madalas niyang nakakausap.

 

Nagpaplano silang tatlo ngayon sa library kung paano yung gagawin nilang market research.

 

Giselle was the one asking questions at si Karina naman ang sumasagot rito. 

 

Looking and listening at the scene before her, hindi pa rin siya makapaniwala. 

 

Parang dati lang, kailangan pa niyang sawayin si Karina dahil puro phone lang ang inaatupag niya. Mas madami pa yung screen time niya kaysa magplano at tingnan si Winter.

 

Just how fast the night changes nga naman.

 

"Magresearch na lang muna tayo sa google tapos saka tayo magdecide. Meron namang wifi dito sa library."

 

Parang biglang nagkaroon ng glue yung mata ni Winter at hindi niya maiiwas ang tingin kay Karina na seryosong seryoso sa ginagawa.

 

Bagay niya talaga maglead kaysa manood ng TikTok. 

 

Napahagikgik siya.

 

Karina shifted her gaze at her.

 

"What's funny, Welay?"

 

"Ikaw."

 

Giselle looked at the both of them. Hindi niya sure kung magsisimula na naman ba yung dalawang kasama niya o hindi.

 

"Akala ko lagi ka na lang magti-TikTok," natatawang sabi ni Winter.

 

Napatawa rin si Giselle. Naaalala rin niya yung time na 'yon.

 

"Oo nga eh. Tinigil ko na ngayon kasi baka umiyak ka na naman," asar ni Karina pabalik kay Winter. 

 

"I'm surprised alam mo na ngayon kung paano yung proper research. You even mentioned google. Akala ko sasabihin mo TikTok eh."

 

Payback time lang ang peg ni Winter. 

 

Looking at Karina's reactions, Winter knew she did well in asar department.

 

"Pasalamat ka nandito si Giselle." That was all Karina could say.

 

"Or else what?" hamon ni Winter, she even leaned in to her.

 

Syempre hindi rin nagpatalo si Karina. "I don't know. You guess."

 

Giselle unconsciously reached out for the chips they were eating before that. Mas sumasarap talaga yung pagkain kapag may interesting kang pinapanood.

 

Nakailang subo na rin si Giselle pero hindi pa rin nagbibitaw ng tingin yung dalawa.

 

She took the chance to open her phone and capture their photo.

 

Saka lang natauhan si Winter nang may narinig siyang tunog ng camera. Masyado kasi siyang nalunod sa mga titig ni Karina.

 

Agad siyang lumayo sa isa at umiwas ng tingin. Sure siyang namumula na naman siya at aasarin na naman siya ni Karina.

 

Kita pa nga niya yung mahinang paghagikgik ni Giselle habang tinitingnan yung picture.

 

"I-delete mo 'yun Giselle!" malakas na bulong ni Karina sa kabigan pero inilalayo lang ni Giselle yung phone niya. 

 

Napatingin si Winter sa kanya. 

 

Karina's cheeks were also red.

 

Was it also because of embarassment sa matagal niyang pagtitig kay Winter o galit lang siya dahil kinuhanan siya ng picture?

 

Winter would like to think na dahil 'yon sa una.

 

She unconciously smiled at saka tinuloy na yung pagre-research.

 

Siya na lang muna ang magtutuloy ng naudlot nilang ginagawa kanina dahil mukhang wala pang balak yung dalawa na bumalik sa focus anytime now.





***




"Hindi ko na nakikita yung orange na pusa," sabi ni Karina habang naglalakad sila. 

 

Halos maggagabi na naman ulit nang matapos ang huling klase nila Winter. Medyo napapadalas na nga ang uwi nila ng late dahil sinasagad talaga ng mga prof nila yung time. Marami rin kasi silang hinahabol na lessons na hindi nila natapos noong midterms kaya lahat ng 'yon ay mapupunta sa finals. 

 

Pano naman yung utak ni Winter 'di ba? Lamog na lamog na, char.

 

Napalingon si Winter kay Karina. Ang kalmado ng itsura niya at parang hindi halata yung pagod na dinanas nila sa school. Winter wonders how she could do this? Ang maging fresh pa rin tingnan kahit stressed na.

 

"If you like me, just say it Winter," rinig niyang sabi ni Karina. Nakatingin pa rin ito sa harap.

 

Umiwas ng tingin si Winter at binalik rin ang tingin sa harapan.

 

"Nando'n siguro si Precious sa bahay. Maggagabi na rin kasi," sagot niya sa tanong ni Karina kanina, completely disregarding what she said after that.

 

Hula ni Winter ay naghihintay na si Precious sa harap ng pintuan nila. Nagchat kasi kanina si Jennie na maaga itong nakauwi kaya siya na ang magluluto ng pagkain nila ngayong gabi. Nabanggit na rin ba ni Winter na kasali na rin si Minju at Ryujin sa GC nila? Kulang na lang ay lumipat na rin yung dalawa kila Winter at magiging certified housemates na talaga sila.

 

Karina smiled, noticing the name. "Precious?"

 

"Oo," napatawa rin si Winter. "Si ate Rosé yung nagpangalan."

 

"You know, I've always wanted to have a cat," biglang sabi ni Karina. "Cat person ako eh. Ang cute kasi ng mga pusa."

 

Nagtaas ng kilay si Winter. "And you're telling me this because?"

 

Natawa si Karina. "Just because! By the way, naging kamukha mo si Kris Aquino do'n."

 

"Hindi ko siya ini-impersonate."

 

"Hindi ko naman sinabi na ini-impersonate mo siya."

 

Umirap si Winter, making Karina laugh. 

 

They continued to walk together at naramdaman na lang niya yung kamay ni Karina na umakbay sa kanya as they took a turn to Winter's street.

 

Gumawi ang tingin niya sa kamay ni Karina na nakapatong sa kanya then she shifted her gaze to her.

 

"Karina?"

 

"Hmm?"

 

"Kumusta ka?" she softly asked.

 

Napansin niya yung bahagyang pagtigil ni Karina pero agad rin itong bumalik sa normal. She saw how her lips curve up a smile. It was a different smile. Hindi ito yung kadalasan niyang nakikita sa kanya. Iba rin ito sa ngiting nakita niya nung gabing 'yon.

 

This smile was simple and soft. 



[Sweet Nothing - Taylor Swift]

I spy with my little tired eye

Tiny as a firefly

A pebble that we picked up last July

Down deep inside your pocket

We almost forgot it

Does it ever miss Wicklow sometimes?



The kind of smile someone would have after a long day. Na kahit ang daming hindi kanais-nais na nangyari sa buhay mo, nagagawa mo pa ring ngumiti. Hindi dahil pagod ka na kundi dahil sa wakas ay nalagpasan mo rin iyon. You reached the end of the day but you're already looking forward for the next day.



They said the end is coming

Everyone's up to something

I find myself running home to your sweet nothings

Outside, they're push and shoving

You're in the kitchen humming

All that you ever wanted from me was sweet nothing



"I'm fine."

 

Karina finally looked at her, like she was finally ready to tell Winter what was on her mind.

 

Winter softly smiled, a gesture telling Karina that she can say it and Winter would listen. Pakikinggan niya kahit ano pa 'yan and she won't judge. She wants her to know that she's safe whenever she's with her. Because she's Winter. 

 

And Winter likes listening to Karina.

 

Karina noticed it as a cue so she started telling Winter what happened. Winter just patiently listened to her until she finished.

 

Winter gave her a comforting smile as she reached for Karina's hand that was on her shoulder and softly squeezed it.

 

Karina doesn't mind if Winter didn't have any words to say.

 

Ang mahalaga ay alam niyang nakinig ito sa kanya.

 

Her parents talked to her that same day after she walked out. Hinintay nila ang anak nila hanggang sa makabalik ito ng bahay ng gabing iyon. That talk made them realize what they did wrong to their daughters. Hindi naman masyadong masama si Karina para magtanim ng sama ng loob sa kanila so she listened to them. They admitted their mistakes and uttered countless of apologies sa isa nilang anak. 

 

It was hard but she's taking her time warming up to them.

 

Naninibago lang siya ngayon dahil wala nang mabigat na nakadagan sa puso niya tuwing uuwi siya. 

 

Nakakagaan rin pala sa pakiramdam kapag nailabas mo na lahat ng kinimkim mo.

 

Nakarating rin sila sa tapat ng gate nila Winter in no time.

 

Naghanda na si Winter na magpaalam kay Karina nang magsalita ito.

 

"You're a great listener, Winter."

 

"Uh, thanks? Gusto mo ba may feedback na sa susunod?" biro niya rito. Hindi rin pala masama na hindi sila nag-aasaran ngayon. It's kinda refreshing seeing this side of Karina. Yung walang bahid ng asar sa mukha.

 

"Oo tapos dapat hindi mo ako tutulugan. Naalala ko marami akong sinabi nung isang gabi tapos maririnig ko na lang humihilik ka na."

 

Binabawi na pala ni Winter yung nauna niyang sinabi. 

 

"Hindi ako humihilik!"

 

Karina smirked. "Gusto mo iparinig ko pa sa'yo yung record?"

 

"No thanks." Alam naman niyang walang record si Karina.

 

Binuksan na ni Winter yung gate at naglakad na palayo kay Karina pero tinawag siya ulit nito.

 

"Winter."

 

Lumingon siya rito.

 

"Wala ka ba talagang narinig noon?"

 

Kumunot lang ang noo ni Winter as she tried to remember. 

 

Ang naalala niya ay nagkekwento si Karina tungkol sa nabasa niya but she can't remember kung ano 'yon kasi lumilipad na yung utak niya papunta sa dreamland no'n.

 

So ano yung tinatanong ni Karina?

 

"Sabi ko hindi kita bibigyan ng discount," sabi niya nang mapansin niyang walang balak magsalita si Winter. "Kasi ayoko rin."

 

Mas lalong naging confused ang itsura ni Winter. Akala niya tapos na sila sa discount discount na 'yan?

 

"Ewan ko sa'yo," sabi na lang niya at tumalikod.

 

"Sana na-gets mo. Bye Welay!" Nagsimula nang maglakad paalis si Karina habang nakangiti nang malawak. Hindi na niya hinintay na makapasok si Winter sa loob ng bahay. She knows Winter is wracking her brain to understand what she said.

 

Naghintay muna ng ilang sandali si Winter bago lumingon pabalik sa labas. Wala na sa gate nila si Karina pero iniisip pa rin niya ang sinabi niya bago siya umalis.

 

Ano naman kung hindi siya bibigyan ng discount ni Karina? Meron naman siyang sariling pera para mabili yung gusto niyang bilhin.

 

At saka biro lang naman yung discount na 'yon.

 

Ayaw naman kasi niya ng discount eh.

 

Paki niya ba kung ayaw rin ni Karina ng discount?

 

Huh?

 

Ayaw ni rin Karina ng discount?

 

Ayaw niya?

 

Ayaw?

 

Winter felt something in her stomach, realization slowly kicking inside her. 

 

"Yun pala 'yon," mahina niyang sabi.

 

Naramdaman na niya yung nagbabadyang ngiti na gustong kumawala sa kanya.

 

Who would've known na kikiligin si Winter dahil lang sa discount na 'yan?

 

"Hello?" Iwinagayway ni Ryujin yung kamay niya sa harap ng mukha ni Winter.

 

Simula kasi nung pumasok siya sa gate ay hindi man lang niya napansing gumalaw itong kapitbahay nila. Okay lang kaya siya?

 

"Ryujin ba't nandyan kayo ni Winter sa labas? Tara na sa loob," yaya sa kanila ng kararating rin na si Minju at nauna nang pumasok sa bahay nila Winter na parang akala mo doon rin siya nakatira.




***




"Ate Jennie may natira pa bang margarine dyan?" tanong ni Minju habang nagtitingin ng pwedeng makain sa lamesa. May nakita naman siyang tinapay doon kaya 'yun yung kinuha niya para kainin.

 

"Bakit yung margarine? Oo may natira pa. Nilagay ko doon sa tabi ng condiments."

 

"Ipapalaman ko lang sa tinapay ate."

 

"Ipapalaman?" biglang tanong ni Rosé at takang nilingon ni Minju. "Ginagawa 'yong palaman?"

 

"Oo."

 

"Hala totoo ba? Sa'min kasi pangluto lang 'yon."

 

Nagsilingunan lahat ng nasa bahay ng mga oras na iyon kay Rosé.

 

"RK ka kasi Sé kaya 'di mo 'yon alam," sabat ni Jennie.

 

"Hoy hindi ah! Gulat lang ako kasi pwede rin pala siyang ilagay sa tinapay kahit hindi gawing toast."

 

"Oh 'di ba. RK na RK," sabi pa ni Jennie.

 

Kinailangan ni Rosé ng kakampi kaya tinawag niya si Winter. "'Di ba Winter pangluto lang 'yon?"

 

Umiling si Winter. "Pinapalaman ko rin 'yun ate." Kung papipiliin nga si Winter ng isang palaman lang habang buhay, yung margarine ang pipiliin niya. Hindi naman halatang favorite niya 'to.

 

"Grabe naman 'yon I felt betrayed."

 

"Gusto mo tikman ate? Masarap siya." Inabot ni Minju yung hawak niyang tinapay na may palaman kay Rosé para makakagat ito. 

 

They waited for her reaction. Parang nanonood lang sila ng master chef tapos si Rosé yung judge.

 

"Hindi ako sanay sa lasa. Medyo weird siya," sabi niya after itong matikman.

 

"Okay lang 'yan. Magkakaiba naman tayo ng panlasa," sabi ni Minju at saka kumuha ng upuan para maupo.

 

"Bumalik na ba si Ryujin sa kabilang bahay?" tanong ni Jennie nang napansin niyang mag-isa na lang ni Minju.

 

"Oo ate magrereview pa raw siya," sagot ni Winter. Siya kasi ang malapit kanina sa pinto nung lumabas si Ryujin kaya sa kanya ito nagpaalam. 

 

"It's good na lumalabas na ngayon si Ryujin. Akala ko wala na siyang balak lumabas eh."

 

"Ganun talaga 'yon. Mas gugustuhin pa niyang magkulong na lang sa kwarto kaysa makihalubilo sa tao," sabi naman ni Rosé. 

 

Tapos na silang kumain ng hapunan kaya habang nagpapababa sila ng kinain ay nagkekwentuhan muna sila bago nila gawin yung mga iniwan nilang schoolworks.

 

Maaga pa naman at mahaba pa ang oras bago maghatinggabi. Sanay naman na si Winter na laging nagpupuyat. 

 

"Pinakain niyo na ba si Precious?" biglang tanong ni Rosé at saka tumingin sa may pintuan kung saan laging nauupo yung pusa para maghintay.

 

Si Winter ulit yung sumagot. "Pinakain ko na ate." Ang sipag lang talaga ni Winter ngayong gabi.

 

"Masungit pa rin?"

 

Tumango si Winter.

 

"Hay kailan kaya magbabago si Precious."

 

"Nga pala nakita niyo ba yung iba kong damit?" tanong ni Jennie. "Nandoon kasi yung mga pambahay ko."

 

"Hindi naman ate. Sa'n mo ba nilagay?"

 

"Naglalaba ako noon tapos sinabit ko doon sa isang metal na sampayan pero nung tiningnan ko kanina, wala na yung sampayan pati yung mga damit ko."

 

"Hala baka may nagnakaw."

 

"'Wag naman. 'Yun na nga lang damit ko, nanakawin pa."

 

"Wag ka na raw magdamit, J

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real