Chapter 6

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

yunababes: 

te ning

 

Ningning: 

yes bb?

 

yunababes: 

magkasama kayo ni ate?

 

Ningning: 

hindi bb

mas nauna akong umuwi sa kanya eh

 

yunababes:  

sige te

 

Ningning: 

magpapatulong ka ba sa assignment mo?

send mo na lang sakin baka alam ko yan

 

yunababes: 

wag na te di mo to alam

 

Ningning: 

hindi ko pa nga nakikita??

 

yunababes: 

calculus to

 

Ningning:  

ay oo di ko yan alam

 

yunababes: 

sabi ko nga

sige pakisabi na lang kay ate na nagtext ako sa kanya 

 

Ningning: 

anong tinext mo?

 

yunababes: 

kapatid ba kita?

 

Ningning: 

pagkatapos kitang tulungan sa mga assignment mo dati ginaganyan mo na ako ngayon?!

 

yunababes: 

hahaha labyu ate ning 



***



Nag-advance reading na si Ningning kagabi kaya hindi na alintana sa kanya kung hindi man siya makinig ngayon sa lecture. Sure naman siya na hindi magpapaquiz ang prof niya ngayon dahil kakatapos lang nilang mag-quiz last week.

 

So instead of focusing on the lecture, itinuon na lang ni Ningning ang tingin niya mula sa bintana. She was seated at the back near the window. Doon kasi ay mas nagkakaroon siya ng freedom na gawin nang patago ang mga gusto niya. Minsan kumakain siya, minsan naman nilalabas niya yung phone niya para magscroll sa social media, minsan natutulog siya, at minsan naman katulad ngayon ay nakatulala lang siya sa bintana.

 

She can’t help but think about her friend.

 

Nake-kwento kasi ni Winter sa kanya yung about sa by pair na groupings nila sa UTS. 

 

Eversince nung nakwento ‘yon ni Winter sa kanya, lagi na lang niyang napapansin yung naiinis nitong itsura. Bago lang sa paningin ni Ningning yung nakikita niya kay Winter. Minsan nga inaasar pa niya si Winter tungkol doon at mas lalo siyang sumasaya tuwing nakikita niya yung mas naaasar na tingin ni Winter sa kanya.

 

Syempre hindi naman niya dini-discredit yung nararamdaman ni Winter so she gave advice to her to give Karina the benefit of the doubt. After all, she knows every person is capable of changing. 

 

Mukhang sinunod naman ata ni Winter yung sinabi ni Ningning sa kanya kasi one day, napansin niyang nawala na yung inis nitong itsura. She’s back to being the normal ‘Winter’ Ningning knew. Naisip ni Ningning na baka nga nagkaroon na silang dalawa ng improvement. 

 

Ningning and Winter didn’t have the time to meet the past days dahil hindi nagtutugma yung oras ng vacant time nila sa isa’t isa. Hindi rin kasi pwede si Ningning sa hapon dahil yun rin ang start ng part time job niya. Hindi pa ‘yon alam ni Winter kaya balak pa lang sanang sabihin ‘yon ni Ningning ngayon. Hindi kasi nagreply si Winter sa text niya dati kaya baka hindi pa niya alam.

 

The lecture ended in a swift. Hindi man lang napansin ni Ningning kung gaano siya katagal na tumitig sa labas.

 

Inayos na niya yung mga gamit niya at tumayo.

 

Sakto kasing wala na siyang klase sa oras na ‘to dahil biglaan daw na hindi makaka-attend ng lecture yung next prof niya. Hindi niya sure kung bakit pero parang may seminar ata. 

 

So she decided it’s a great opportunity to meet her friend. Nasa iisang campus na nga lang sila pero minsan lang niya ito makita. Napaka-unfair talaga ng buhay. 

 

What if magshift na lang ako?

 

Ito na naman si Ningning sa mga random thoughts niya. Kung pwede lang sanang mag-shift ng hindi nasasayang yung time na in-invest ko sa course na ‘to, gagawin ko na.

 

Tinext na ni Ningning si Winter para tanungin kung nasaan ito at nagreply naman agad si Winter na nasa cafeteria raw siya. 

 

Pagkarating ni Ningning sa cafeteria ay hinanap agad niya kung saan nakaupo si Winter. Madali lang naman niya itong nahanap dahil hindi pa masyadong dagsa ang mga estudyante. May 1 hour pa bago ang lunch time.

 

Habang naglalakad si Ningning palapit ay hindi niya naiwasang pagmasdan si Winter. 

 

Parang may mali.

 

Nakatingin lang si Winter sa malayo at parang may malalim na iniisip. Hindi rin mapapansin yung sigla sa mga mata niya. 

 

Nakalapit at nakaupo na si Ningning ngayon sa harap ni Winter pero hindi pa rin siya napapansin nito. 

 

Ningning couldn’t help but wonder the reason why her friend’s acting like that.

 

Dahil kaya ‘to kay Karina?

 

Alam naman kasi ni Ningning kung pano yung sitwasyon nilang dalawa. Hindi ba naging effective yung benefit of the doubt sa kanya?

 

And now Ningning started to feel bad about Winter. Siya kasi ang may sabi na bigyan ni Winter ng chance si Karina.

 

Winter is still in deep thought so Ningning had snapped her fingers para mapansin siya ng kaibigan. Gumana naman yung ginawa niya kasi nakatingin na ngayon si Winter sa kanya.

 

"Ning, kanina ka pa?" gulat niyang tanong.

 

Nagkibit si Ningning ng balikat. "Hindi naman. Kumain ka na ba?"

 

Umiling si Winter. "Hindi pa."

 

"Gutom ka na ba?"

 

As if on cue, nakaramdam na nga si Winter ng gutom. Tumango siya kay Ningning at nagprisintang siya na lang ang bibili ng pagkain.

 

Pinanood lang ni Ningning si Winter na maglakad papunta sa counter.

 

Ningning sighed then also got up para ibigay kay Winter yung wallet niya na naiwan sa table.

 

“Winter,” tawag niya dito. “May nalimutan ka.”

 

Taka lang naman siyang tiningnan ni Winter. “Huh? Wala naman akong nakalimutan.” Kinapa pa ni Winter yung bulsa niya at naramdaman naman niya yung phone niya doon.

 

“Sure ka?” tanong pa ni Ning.

 

“Oo wala naman akong nawawalang gamit.”

 

Ngumisi si Ningning. “Sige akin na ‘to ha.” Itinaas niya yung hawak niyang wallet para ipakita kay Winter.

 

Nanlaki ang mata ni Winter matapos niyang makita yung wallet niya na hawak na ng kaibigan. As far as she can remember, hawak pa naman niya ito kanina.

 

“Pano ‘yan napunta sa’yo…?”

 

“Okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo ngayon,” nag-aalalang tanong ni Ningning.

 

Saglit na nag-alinlangan si Winter, lumilipat ang tingin niya kay Ningning at sa ibang mga estudyante sa loob. “Oo, okay lang ako,” sagot ni Winter, ayaw niyang mag-alala si Ningning. “Marami lang akong iniisip lately.”

 

Nagtaas ng kilay si Ningning. “Sure ka bang hindi yan dahil kay Karina?” tanong niya pa, hindi na niya napigilang banggitin ang pangalan ng partner ni Winter.

 

Winter’s expressions changed into something Ningning couldn’t comprehend. 

 

So it really has something to do with Karina.

 

Hindi na ulit nagtanong si Ningning dahil mukhang ayaw pang magkwento ni Winter. 

 

There was a sudden noise near the entrance kaya napatingin sila doon. 

 

Nakita niya doon si Karina kasama nung mga kaibigan niya. Maingay kasi sila kaya nakakaagaw talaga sila ng atensyon. 

 

Ningning’s eyes fixated on Karina. She was laughing and smiling as she joined their conversation.

Habang pinapanood ni Ningning si Karina ay hindi na niya napansin ang masamang tingin na ibinibigay niya rito.

 

Paano pa nagagawang ngumiti ni Karina kung yung kaibigan niya rito, halos pinagsakluban na ng langit at lupa. 

 

Ningning noticed that Winter is also looking at Karina.

 

As if on cue, parang biglang nakaramdam si Karina ng mga tingin na nakadirekta sa kanya. Napalingon siya sa direksyon kung nasaan sila Ningning at Winter. Her eyes locked with Ningning’s piercing gaze. 

 

Biglang kinilabutan si Karina sa mga tingin nito kaya mabilis niyang iniwas ang tingin at nagkatagpo naman ang tingin nila ng katabi niya.

 

It was Winter.

 

Kaibigan niya siguro ‘yon. Halata naman kasi kung iba-base sa nakakatakot nitong tingin kay Karina, parang may bigla na lang hahatol sa kanya any moment.

 

Karina tried to acknowledge Winter by giving her a small smile. 

 

Napansin ni Ningning yung interaction na ‘yon at isa lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na ‘yon. 

 

“Winter, tara na,” yakag niya sa kaibigan at hinila ang kamay nito paalis. Nagtataka man si Winter sa kinilos ni Ningning, sumunod na lang siya rito. 

 

Nang tuluyan na silang nakalabas ay tinanong niya ito, “Ba’t mo ako hinatak palabas?”

 

Lumambot ang tingin ni Ningning kay Winter, “Alam ko yung nararamdaman mo kay Karina, ayoko lang na maging uncomfortable ka doon.”

 

After all, yung kapakanan pa rin ni Winter ang laging uunahin ni Ningning. Kahit hindi man sabihin directly ni Winter sa kanya, she knows whenever her friend needs a distraction.

 

“Kain na lang tayo sa labas ng campus. Libre ko na.”

 

Kaagad na nagbago ang itsura ni Winter matapos niyang marinig ang sinabi ni Ningning. “True ba ‘yan?”

 

“Winter minsan lang ako manlibre, lubusin mo na.”

 

Winter chuckled at sinabayan na maglakad si Ningning. “Okay.”

 

Ningning glanced at Winter. Bumalik na ulit yung Winter na kilala ni Ningning. Dahil doon ay medyo nabawasan na rin ang pagwo-worry ni Ningning. 

 

She looked ahead habang naglalakad sila palabas ng gate, striking a casual conversation with her.

 

“Alam mo ba nagtext sa akin kahapon si Yuna.”

 

“O anong sabi?”

 

“Wala ang sabi niya nagtext siya sa’yo. Nalimutan ko pa lang sabihin sa’yo pero feel ko nakita mo naman na.”

 

“Ah...oo.” 

 

Nakatingin pa rin si Ningning sa harap habang inaalala yung usapan nila ni Yuna. She shakes her head, smiling at saka niya kinamusta ito kay Winter. It’s been a while since she last saw her. Matagal-tagal na rin kasi simula nung huling uwi niya.

 

“Miss ko na yung batang ‘yon kahit may pagkamasungit.”

 

They continued walking and Ningning was so engrossed in her own excitement about her friend’s sister that she failed to notice the subtle shift in Winter’s expression again.




***



Naglalakad ngayon si Winter papunta sa 1st and last class niya ngayong hapon.

 

Nasulit naman niya ang lunch na libre ni Ningn

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real