Chapter 11 (pt. 2)

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula no’ng nagstart si Ningning sa part time job niya. So far, maayos naman ang work environment niya. Mabait ang boss niya, mabait ang co-workers niya, and Ningning loves her job.

 

Pangarap niya kasi dati pa na maging barista. She loves the smell of coffee kaya lagi siyang tumatambay sa mga cafe sa free time niya o kaya kapag nag-aaral siya. Mas nakakapagconcentrate kasi siya sa gano’ng environment.

 

Kaya naman nung sinabi ng roommate niya na nagtatrabaho siya sa ‘The Witty Bean’, nagkaroon agad si Ningning ng interes dito. So she asked her kung pwede pa bang mag-apply doon at kung paano mag-apply if ever. Mabait naman si Yeji para tulungan at i-guide siya.

 

Pagkarating ni Ningning ay saktong nag-aayos na si Yeji para sa papalit sa kanya dahil patapos na ang shift niya. Kaninang umaga pa siya nandito. Sinadya talaga niyang umaga ang kuning oras ng shift dahil karamihan sa mga klase niya ay panggabi. Sa pagkakatanda kasi ni Ningning ay working student itong si Yeji.

 

“Uuwi ka na teh?” tanong ni Ningning kay Yeji nang pumasok siya sa staff room. Dumiretso agad siya sa locker area nila para kunin yung apron na personally made for ‘The Witty Bean’ employees. Sinuot ito agad ni Ningning. 

 

“Oo wala namang pasok ngayon. Matutulog na lang muna ako,” sagot ni Yeji. Naayos na niya yung mga gamit niya at ready nang umalis.

 

“Okay teh ingat. Kami na ni Renjun bahala dito.”

 

“Thanks Ningning. May tao ba sa bahay ngayon?”

 

“Nando’n si ate Seulgi nung umalis ako.”

 

“Okay sige. Bye Ning.” Kumaway si Yeji sa kanya at umalis na. Mag-isa na lang ni Ningning na naiwan sa loob. 

 

Naglakad si Ningning para tingnan ang sarili sa salamin and when she was satisfied with her looks, lumabas na siya sa staff room. Nandoon na sa counter si Renjun nung lumabas siya.

 

“Aga natin today ah?” bati niya sa kasama niya.

 

Ngumiti lang si Renjun and gestured for her na pumunta na sa tabi niya. Si Renjun kasi ang assigned sa cash register ngayon habang si Ningning naman ang resident barista for today. 

 

Usually kasi tuwing shift ni Ningning ay dalawa lang silang naiiwan ni Renjun na nagmamanage ng cafe. Minsan naman ay nandito si Lia, yung isa pa nilang kasama, pero wala siya ngayon dahil meron daw siyang ibang lakad.

 

“Good afternoon po ma’am Irene,” bati ni Ningning. Siya yung anak ng may-ari ng cafe and she occasionally comes here to visit and guide them on what to do with the cafe. So far, maayos naman ang nagiging work nila Ningning. Magaling kasing magturo si Irene and to top it all, she’s also pretty. 

 

“Ano ka ba? ‘Di ba sabi ko sa’yo ‘wag mo na akong tawaging ma’am? You can call me ate Irene na lang, Ningning.”

 

Ningning smiled. “Sige po ate.”

 

“Friends friends lang tayo dito okay? Parang magkakalapit lang naman ata age natin,” nakangiting sabi ni Irene and she looked at the both of them. 

 

“Oo nga po ate hindi po halatang mas matanda kayo sa ‘min,” pambobola ni Renjun na ikinatawa ni Irene. 

 

“Let’s do well today, okay?”

 

“Okay po!” sabay nilang sabi.

 

Hindi naman masyadong marami ang customers ngayong araw. Dahil na rin siguro sa holiday kaya konti lang ang nakikita ni Ningning na estudyante. Minsan may nakikita siyang mga magjojowa dito, minsan naman ay mga barkada na nagkayayaan, and sometimes may mga pamilya ring nagpupunta. With a bright smile and a swift, confident motion, Ningning skillfully prepared each order and served them to the waiting customers. 

 

Ningning continued to work like that hanggang sa malapit na niyang matapos ang oras ng shift niya. Pakonti-konti na lang ang mga pumapasok na customers kaya halos wala na siyang ginagawa ngayon. 

 

She opened her phone and saw a series of messages. 

 

May chat sa kanya si Yeji na sabing ‘wag na raw siyang bumili ng ulam kapag uuwi siya dahil binigyan daw sila ng ulam ni Momshie, yung landlady sa tinitirahan nila. 

 

Nakita rin niya yung message ni Winter na GIF na nagsasabing fighting. She quickly put a heart reaction at saka nagsend siya ng picture ng potchi. Natawa naman si Ningning nang makita niyang nagreact agad si Winter ng angry doon sa sinend niya. Nakauwi na rin siguro ang kaibigan niya galing sa watsons kasi ang bilis na nitong magreply ng ‘shut off’.

 

The door bell chimed, indicating na may bagong dating na customer. Ibinaba muna ni Ningning ang phone niya para batiin ang bagong pumasok.

 

With her best smile, Ningning glanced up from behind the counter, a familiar face catching her eye.

 

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ningning nang magtama ang paningin nila. That person immediately walked to where Ningning is. 

 

“Giselle, hi!” masayang bati ni Ningning. “Welcome to The Witty Bean!”

 

Malaki rin ang ngiti ni Giselle nang makita niya si Ningning. 

 

“Hi, Ningning.”

 

“Ano pong order niyo ma’am?” Syempre kailangan formal pa rin si Ningning. Giselle’s still a customer. “Si Renjun na po ang bahala magtake ng order niyo.” Iginaya niya si Giselle papunta sa counter kung nasaan si Renjun at doon na nagsabi si Giselle ng order niya.

 

Sinabi naman ni Renjun kay Ningning kung ano ang order ni Giselle kaya prinepare na niya agad ito. Giselle ordered two iced capuccino drinks kaya nagsimula na agad si Ningning na gawin ito. She also ordered snacks. Ang dami lang niyang binili. Ningning thought na baka may hinihintay itong si Giselle.

 

Habang nagpe-prepare si Ningning ay nakita niya na naupo si Giselle doon ulit sa usual spot niya. Actually bago pa kasi ipakilala ni Winter na kaibigan niya si Giselle, ay lagi na niya itong nakikita na pumupunta sa cafe. Hindi naman araw-araw pero tuwing pumupunta kasi si Giselle dito ay iisa lang lagi ang pwesto niya. 

 

That one table near the window. 

 

For sure naman na lagi mong matatandaan ang isang tao kung lagi mo siyang nakikita at lagi rin siyang nauupo sa iisang table. Kaya naman nung sabay si Giselle at Winter na pumunta dito dati ay alam na agad ni Ningning kung saan sila papaupuin.

 

That’s also the first time they had a real interaction.

 

A few minutes passed at mabilis rin namang na-prepare yung snacks na order ni Giselle so Ningning immediately put the foods on the tray at saka hinatid kung nasaan ito nakaupo. She was using her phone kaya hindi niya napansin na nakalapit na pala si Ningning. 

 

“Excuse me po,” pagkuha ni Ningning sa atensyon niya at saka inilapag yung orders ni Giselle. Ibinaba naman ni Giselle ang phone niya nang makita siya.

 

“Thanks Ning.”

 

“Welcome, trabaho ko ‘to eh,” biro niya kaya natawa si Giselle.

 

“Yeah, I can see that.”

 

“May hinihintay ka ba? Ang dami mong order ngayon,” puna niya sa mga pagkain. Inilibot ni Ningning ang tingin sa paligid. Wala naman nang masyadong tao sa loob ng cafe kaya okay lang naman siguro makipag-small talk muna. 

 

“Huh? Wala akong hinihintay,” sagot ni Giselle and she smiled sheepishly. “Actually, gusto mo bang kumain?”

 

“Bakit?”

 

“You can eat with me.” She said then gestured at the food on the table. Katulad ng ginawa ni Ningning kanina ay iginala rin ni Giselle ang paningin niya sa loob. “Wala namang masyadong customers so I guess okay lang naman na samahan mo muna ako dito?”

 

Gusto na agad ni Ningning yung idea ni Giselle pero baka kasi pagalitan siya ni Irene. Close naman sila ni Irene pero boss pa rin niya ito.

 

Pero wala namang masama kung susubukan niyang magpaalam.

 

Ningning turned at the counter at nakita niya doon si Irene na nakatingin na sa kanilang dalawa. Nakataas pa ang isang kilay nito at parang kinikilatis ang buong pagkatao ni Ningning then she smiled teasingly at her and gestured na pwede namang doon muna si Ningning kay Giselle.

 

Excited na naupo agad si Ningning sa upuan kaharap ni Giselle.

 

“Libre mo ba ‘to Giselle?”

 

“Gusto mo bang bayaran ‘to?”

 

Mariing umiling si Ningning. “Ayoko, nandito lang ako dahil sa libre.”

 

“And here I thought ililibre mo ako kasi dito ka nagtatrabaho.”

 

“Wala nang gano’n sa panahon ngayon Giselle,” biro ni Ningning at nagsimula na silang kumain.

 

“Gaano ka na ba katagal na nagtatrabaho dito?”

 

“Last month lang. Buti nga nasabi ng kakilala ko na nagha-hire sila dito ng mga part-timer. Gusto ko kasi talaga maranasan yung ganitong trabaho bago ko ayusin yung mental health ng ibang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real