Chapter 10

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter woke up late the next day. Sa sobrang pagod at antok niya ay hindi na niya namalayang nakatulog na agad siya pagkahiga niya palang sa kama. Buti na nga lang at nagpalit na siya ng damit niya no'n.

 

She turned off her fan nang nakita niya yung oras at saka lumabas na ng kwarto pagkatapos. Doon niya naabutan si Jennie na kumakain doon sa lamesa. 

 

"Good morning ate," bati niya sa paos na boses at nagsalin ng tubig para uminom.

 

"Good morning, Winter." Ngumiti naman si Jennie sa kanya at dahil doon sa ngiti na 'yon feeling ni Winter recharged na agad yung energy niya for the day. 

 

Hay, sige lang ate Jennie mag-smile ka lang dyan.

 

Nag-alok naman si Jennie na kumain kahit na patapos na siya. Sinabi naman ni Winter na kakain na rin siya dahil nakaramdam na rin siya ng gutom.

 

"Ate, kailan pala tayo mamamalengke?" tanong ni Winter habang nagtitingin siya ng pagkain doon sa shared foods nila. May nakita naman siyang isang lata ng century tuna kaya ‘yon na lang yung kinuha niya para gawing ulam. 

 

“Ate kunin ko po yung isang century tuna dito,” paalam niya.

 

“No problem. At saka Winter okay na ako sa ate, wag ka na mag-po.”

 

Nag-angat ng tingin si WInter. “Sige po–ay sige ate.”

 

Jennie giggled. 

 

“Kapag pala nagising na si Rosé saka tayo mamamalengke.”

 

“Sige ate. Wala ba siyang klase ngayon?”

 

“Wala naman siguro kasi tulog pa naman siya.”

 

It’s Saturday and usually mga ganitong oras, nakikita na ni Winter si Rosé na nagreready nang umalis pero baka wala na rin siyang scheduled exam ngayon kaya tulog pa siya.

 

Naupo na si Winter sa harap ng lamesa at nagsimula nang kumain pagkatapos niyang ipa-init yung tuna na binuksan niya kanina. Sa lahat ng century tuna na nilabas, yung calamansi flavor talaga pinakagusto niya. Kudos siguro sa kung sino man yung nagsuggest sa company na gawan nila ng calamansi flavor yung tuna nila kasi kung wala ‘yon, walang favorite si Winter.

 

She was browsing on her phone ng pwedeng mapanood habang kumakain pero wala siyang mahanap na pasok sa taste niya. Patigil-tigil tuloy yung pagkain niya. Hindi kasi siya makakakain nang maayos kung wala siyang pinapanood.

 

Sa huli, nagsettle na lang siya sa Young Sheldon. ‘Yon kasi yung lagi niyang nakikita sa Tiktok eh. Season 4 na nga siya doon. Funny naman si Sheldon pero minsan nakakainis lang yung ugali niya. At least matalino siya.

 

“Rise and shine my dears!”

 

Lumabas si Rosé sa kwarto na nag-uunat unat pa ng katawan. Mukhang katulad ni Winter ay napasarap rin ang tulog niya.

 

“Good morning ate Rosé,” bati ni Winter at saka binalik na ang tingin sa pinapanood.

 

“Win, anong good morning? Tanghali na!” 

 

Napatingin bigla si Winter sa oras at tama nga si Rosé. Malapit na mag-alas dose. Matatawag na bang brunch itong kinakain ni Winter?

 

“Kakabangon mo lang ba Win o kanina ka pa gising?” tanong ni Rosé at saka dumiretso sa CR.

 

“Kagigising ko lang rin ate.”

 

“Okay! Mamamalengke tayo mamaya kapag hindi na masyadong mainit. Nasaan pala si Jennie?”

 

Tiningnan ni Winter yung sala pero wala siyang nakitang tao doon. Parang nakita niya si Jennie kanina na may buhat na maruming damit.

 

“Naglaba ata ate!”

 

“Ah okay!” 

 

Lumabas si Rosé sa CR at saka pumunta sa sala. Kinuha niya yung gitara niya na nakalagay sa gilid. Hindi pa ata siya nagugutom kasi hindi naman siya pumunta kung nasaan si Winter.

 

Winter could occasionally hear Rosé strumming some songs habang kumakain siya. Medyo malakas nga yung sound ng gitara niya kaya in-off na lang ni Winter ang phone niya at gawin na lang background music ang boses ni Rosé.



[Wildfire - cover by Rosé]

Your eyes are like weapons

Your lips could teach lessons

Don't use them so reckless

'Cause for you, I'm helpless

You gotta take caution

You know that I'm all in

The chance of me falling

You know that it's often



Ganito lagi ang ganap tuwing wala silang ginagawang school works sa boarding house. Winter would always hear Rosé singing random songs in her free time. Hindi naman sila naririndi sa kanya dahil maganda ang boses nito. Kahit nga araw-arawin niya ay okay lang. Except na lang kapag kailangan na nilang matulog.

 

Kung buo na ang araw ni Winter sa ngiti ni Jennie, mas lalong nakaka-energize kapag narinig na niya ang boses ni Rosé. 

 

May niligtas siguro si Winter na mahalagang tao sa past life niya for her to be surrounded by these beautiful and talented ladies na tinuturing na niyang mga ate niya ngayon.



But if you don't wanna stay

Then please stop moving this way

 

You're starting up a wildfire in my heart

Hope it's what you want

Not just what you do

You're starting up a wildfire in my head

Hope it's what you meant

Not just what you do



“Toktok!”

 

Naghuhugas na si Winter ng pinagkainan niya nang lumingon siya sa may pintuan.

 

“Winter nandito si Minju!” sabi ni Rosé. Bahagya siyang tumigil sa pagtugtog pero tinuloy rin niya pagkatapos niyang sabihin na pumasok na sa loob yung bisita. Bisita pa ba kung araw-araw na siyang nandito?

 

Patapos naman na si Winter sa pagbabanlaw ng mga sabon sa plato.

 

“Hi Winter! May ulam ako pahinging kanin.”

 

At isang normal na sabado na naman ang ating matutunghayan sa boarding house nila Winter ngayong dumating na si Minju. Ang resident taga-hingi nila ng kanin.

 

“Hi Minju,” ngumiti si Winter. “Hindi ko sure kung may kanin pang tira eh,” sagot niya at binuksan yung rice cooker. Kinuha ni Winter yung kaserola at pinakita yung laman kay Minju. “Hala konti na lang pala.”

 

“Hindi pa ba kayo nagluluto ng tanghalian?”

 

Umiling si Winter. “Hindi pa eh.” Hindi rin niya sure kung may balak bang kumain ng kanin ang ate Rosé niya o bibili na lang ito sa food panda.

 

“Ate Rosé?”

 

“Yes?”

 

“Kakain ka ba ng kanin?”

 

“Magluluto ka ba? Go!” sagot nito at nagpakabusy pa rin doon sa gitara niya.

 

Okay, kung kakain naman pala si Rosé ng kanin e ‘di maganda nang magsaing na lang siya ng panibagong kanin. 

 

Kumuha si Winter ng malinis na plato at doon nilagay yung kaning-lamig. Nilapag niya yung plato sa lamesa at doon niya nabungaran si Minju na nakaupo at pinapanood siya. Akala nga niya umuwi na siya kanina nung sinabi niyang wala na silang kanin eh.

 

Akala lang niya.

 

“Magsasaing ka ba Winter?”

 

“Oo.”

 

“Sige hintayin ko na lang.” Umayos si Minju ng upo sa upuan at saka naglabas ng phone. Wow ready si accla.

 

Hindi na lang siya pinansin ni Winter at saka sinimulan na niyang hugasan yung kaserola. After non ay nagtakal na siya ng bigas, sinadya niya itong dinamihan dahil hindi lang silang tatlo ang kakain ngayon. Feeling nga niya may iba pang pinapakain si Minju sa kanila kasi ang dami ng kinukuha niyang kanin every time. Matanong nga.

 

“Minju,” tawag ni Winter habang hinuhugasan niya yung bigas. “May iba ka pa bang kasama dyan sa kabilang bahay?”

 

“Oo, meron.”

 

“Bukod kila nanay?” Pareho kasi sila Winter at Minju ng landlady pero sa kabilang bahay sila Winter nakatira samantalang kasama naman ng landlady sa mismong bahay nila sila Minju.

 

“Oo meron akong roommate. Hindi mo ba alam?”

 

Kaya nga kita tinatanong eh.

 

“Hindi hehe.”

 

Kumuha si Winter ng malinis na basahan at saka pinunasan yung inner cooking pan bago niya ilagay sa main cooker. Nang mailagay na niya at masaksak ay naupo na siya sa isa pang upuan sa may lamesa.

 

"Sabagay hindi naman kasi pala-labas si Ryujin kaya hindi mo siya masyadong nakikita."

 

"Ah okay," tumango si Winter.

 

"Pinapalabas ko nga siya kanina para sumama sa ‘kin pero tinatamad daw siya. Ayun nandoon si baks nanonood lang sa netflix."

 

Tumango ulit si Winter. 

 

Parang gusto na agad niyang makilala kung sino 'tong roommate ni Minju. Feeling niya kasi ang lapit lang ng personality nila sa isa't isa. Feeling lang talaga ni Winter. 

 

Sure kasi si Winter na magkaibang magkaiba sila ni Minju kasi hindi makakayang gawin ni Winter na humingi ng kanin sa kapitbahay ‘no.



[Until I Found You - cover by Rosé]

Georgia, wrap me up in all your

I want you in my arms

Oh, let me

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real