Chapter 8

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

Instead of next week, ngayong araw na pala kami lilipat sa bagong bahay namin. I didn’t get enough sleep last night dahil sa sobrang excite ko.

 

I emerged from my room and saw Tita. Parang maaga siyang papasok ngayon sa work. Nagmamadaling lumabas si Tita, kaya hindi ko na ako nakapag paalam sa kanya.

 

Dumayo na akong dining area at marami ng pagkain ang nakalapag dito. Tinignan ko naman ang orasan at sobrang aga pa talaga. I looked for the maids first, and found them. But, meron na silang ginagawa ganitong oras palang.

 

Hindi ko na lamang sila dinisturbo at agad bumalik ng dining area. I sat down and began to eat. Marami-rami na ang nakain ko, pero hindi pa rin bumaba si Giselle. 

 

Natapos na akong kumain at tumayo na rin ako para mag inom muna ng tubig. After having a drink, I took care of the plate and cutlery I used. I washed them off quickly afterwards. Ayoko ng dagdagan pa ang gawain ng mga maids. 

 

After kong maghugas ay pumunta akong living room para magpahinga muna. Wala raw kaming pasok ngayon, pero hindi pa ako sigurado kasi sabi ni Ma’am Isacar, mag me-message lang daw siya if confirmed na nga. But until now, wala pa rin siyang mensahe.

 

I quickly grabbed the remote from the console table and the TV.

 

Manonood muna ako ng Netflix, wala rin naman akong gagawin dahil ni-ready ko na ang mga gamit ko kahapon pa kaya once na dumating na si Mommy here later, ready to go na kami. 

 

I was in the middle of watching a movie, when I saw Giselle. Kaya naman ay tinawag ko ito. Tuluyan na itong bumaba ng hagdan at nagtungo sa kinaroroonan ko.

 

”Where’s mommy?” tanong niya, then she rubbed her eyes while yawning.

 

“Umalis na. Hindi na nga ako nakapag paalam sa kanya.” sagot ko naman sa kanya.

 

“Kumain ka na?” tanong nito, “Huwag kang mafa-fall d’yan, ah.” dugtong nito kaya I looked at her with a questioning expression.

 

“Pinagsasabi mo?” tanong ko, ”pero, oo, kumain na ako.” sagot ko sa tanong niya kanina.

 

“Ang slow mo talaga, Louis.” I looked her in the eye and gave her a cold stare.

 

I don’t really like talaga being called by my given name Louis. I mean, it’s pretty naman because it’s the same name as my father, but I prefer my first name because it sounds like a nice, calm name.

 

“Hindi naman slow si Tito, ah. Saan ka nagmana?” pagpapatuloy pa nito.

 

“Kumain ka na doon. Gutom lang ‘yan.” pagtataboy ko sa kanya.

 

Tumawa lang naman siya at iniwan na rin ako rito. Sinundan ko siya ng tingin at papunta na nga itong dining area.

 

I finished watching what I had watched, but I couldn’t understand anything. I then went to the dining area where Giselle was, para pa itong nagulat sa presensya ko.

 

“Papasok ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya habang hinila ang upuan, tsaka umupo.

 

“Wala pang announcement, ni-wawait ko pa.” sabi nito at sumubo ulit.

 

“Huwag na tayo pumasok.” pagbibiro ko sa kanya.

 

“Ayos lang din naman sa akin.” mabilis niyang sagot.

 

“Baliw,” natatawa kong saad. “Gusto mo naman,” dugtong ko pa.

 

“Tinatamad kasi akong pumasok.” aniya, “Tsaka meron din akong pupuntahan.”

 

“Hindi na ako magugulat sa’yo.” sabi ko kaya natawa siya.

 

“Ikaw ba hindi mo naranasan ang tamarin pumasok?” tanong nito sa akin. 

 

“Hindi,” makatotohanan kong sagot. 

 

“Syempre, kasama mo si Miss President palagi.” I was astonished by what she said.

 

Bakit napunta kay Miss President ang usapan?

 

“Kaya ka hindi tinatamad dahil palagi mo siyang kasama kapag nasa school ka.” pinagsasabi nito. Hindi ko naman ‘yun ginusto.

 

Parang tanga naman ito.

 

“Baliw,” ang sinabi ko nalang.

 

“Ayiee, baka kayo na ni Miss President, ha.” sabi nito sabay subo.

 

“Pinagsasabi mo, hoy? Hindi ko nga siya type.” sabi ko. 

 

I have to admit.

 

Miss President is very pretty, but she’s not my type, nuh.

 

“Ah, alam ko na. Si H pa rin ba?” kumunot naman ang noo ko.

 

Sinong H?

 

“Huh?” I couldn’t understand what she was saying.

 

“Yung kinukuwento mo sa akin noong Junior High School ka palang.” aniya kaya napa-isip isip ako.

 

Ahh siya.

 

“Identity crush ko lang ‘yun.” sabi ko sa kanya. 

 

“Tapos si Miss President, romantic crush.” 

 

Sige, i-push mo ‘yan.

 

“Hindi ba crush mo rin si ano, sino nga ‘yun? ‘yung pinaiyak ka dati.” I laughed while looking at her, and she glared at me.

 

“Past is past.” aniya sabay tayo at pumunta ng kitchen sink. 

 

“Masakit talaga?” pang gagago ko sa kanya. 

 

“Winter parang tanga.” napipikon niyang usal. 

 

Tumawa lang ako nang tumawa. ‘Yung reaction niya kasi parang hindi pa rin talaga siya naka move on sa nangyari.

 

“Akala ko happy crush mo lang ‘yun, bakit ka umiyak?” hindi muna siya nagsalita. 

 

“Manahimik ka na, Winter.” pikon nitong saad at pabiro niya pa akong inikutan ng mata.

 

Naaalala ko tuloy si Miss President. Araw-araw ba naman ako iniikutan ng mata nun. 

 

Pumunta na akong living room dahil umakyat na si Giselle. Maliligo na raw siya kasi maaga raw siyang aalis ngayon. Hindi na rin ako nakapag tanong kung saan. 

 

May nakita akong rubik’s cube kaya kinuha ko ito. Grabe matanda na ako pero hindi pa rin ako marunong kung paano buohin itong rubik’s cube. 

 

Sa palagay ko, kapag nabuo ko ito, cool na ako tignan.

 

Charot.

 

Kahit hindi ako marunong ay sinolve ko pa rin. Pampa-challenge lang at para na rin sirain utak itong ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga mabuo kaya ibinalik ko na lamang ito kung saan ko ito kinuha. 

 

Umakyat muna ako at pumunta ng kwarto ko. Kinuha ko ang aking phone at nakita kong may limang messages na pala si Miss President sa akin.

 

Hindi ko muna binasa ang mga mensahi niya at pinalitan ko muna ang contact name. Hanggang ngayon kasi ay unregistered pa rin ang number niya sa phone ko. 

 

Miss President:

Did you see the schedule for your gawain today?

 

Miss President:

Why have you not arrived yet?

 

Miss President:

I went to your classroom, but you are not there.

 

Miss President:

Reply.

 

Miss President:

Nag thank you lang ako sa’yo kahapon, and now you are ignoring me na?

 

Natawa ako sa huling mensahe niya. Totoong nagpasalamat siya sa akin. Dalawang beses na, pero hindi naman siya sincere eh. Nung una ang bilis tapos kahapon naman, para lang siyang napipilitan. 

 

Me:

May ginawa lang ako. 

 

Miss President:

Who cares?

 

May who cares-who cares pa siyang nalalaman, pero hinahanap naman ako. 

 

Eme mo, Miss President.

 

Me:

Miss mo ako nuh? Chill, ako lang ‘to.

 

Kung kanina ay nakapag reply siya agad, ngayon naman ay hindi. Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siyang reply.

 

Me:

Silent means yes. 👀

 

Miss President:

Shut up. 

 

Miss President:

Come here already, there are a lot of things you need to do right now.

 

Miss President:

Besides, there is a lot of garbage that needs to be thrown away. 

 

Napabuntong hininga nalang ako sa huling mensahi niya sa akin. Nagdadalawang isip ako kung pupunta na ba ako roon, or huwag muna. Nakaramdam ako ng gutom, parang gusto kong kumain ng pizza. 

 

I’ve decided na maliligo na ako. Hindi naman ako nagtagal sa banyo at natapos na rin ako sa aking pagligo. 

 

I choose clothes that I can wear. I don’t want to wear a uniform ngayon because it’s wash day naman, and besides, hindi rin ako sure if we actually have classes today.

 

After kong magbihis ay inayos ko na rin ang aking mukha. Kinuha ko na ang aking bag at nagtungo na rin ako sa garahe. Pumasok na ako ng sasakyan at agad ko na rin itong pinaandar.

 

After seeing a Pizza Hut franchise, I decided to park my car nearby. Lumabas na ako at agad bumili ng pizza. I haven’t eaten it in a long time, so I really missed it.

 

Nang makabayad na ako ay umalis na rin ako. Kakain ko na lamang ito sa sasakyan ko. Pumasok na ako sa aking sasakyan at umupo nang maayos. I put my bag on the passenger seat, so that I don’t have any difficulty eating it.

 

I started to eat, and then I saw the street children playing near my car. They looked so happy and I couldn’t help but feel touched by their happiness.

 

Dahil marami-rami na ang nakain kong pizza, ay lumabas ako ng aking sasakyan para ibigay itong pizza na hindi ko mauubos.

 

“Sa Inyo na ito,” sabi ko sa mga bata. Para pa silang nag aalinlangan if kukunin ba nila o hindi.

 

“Ayaw niyo ba?” tanong ko sa kanilang tatlo.

 

“Gusto po,” sagot naman ng batang babae. 

 

“Magkakapatid ba kayo?” tanong ko sa kanila. Tumango-tango naman ang isang lalaki na parang kuya yata nila based on his height.

 

“Kainin niyo ito, hindi ko na kasi maubos.” sabi ko sa kanila at inabot ang pizza. Tinanggap naman nila at nakita ko rin sa kanilang mukha ang tuwa. 

 

“Maraming salamat po dito, Ate.” pasasalamat naman ng isa pa nilang kapatid na lalaki.

 

“Gusto niyo ba ng maiinom?” tanong ko sa kanila. 

 

Hindi sumagot ang mga bata kaya naman ay nagpaalam muna ako saglit sa kanila. Bibili lang ako ng softdrinks para sa kanila.

 

Bumili ako ng tatlong coke in can at agad kong binigay sa mga bata. Sobrang tuwa pa nila kaya natuwa rin ako sa kanilang naging reaction.

 

“Gusto niyo pa bang kumain?” tanong ko sa kanila. Feeling ko kasi kulang pa sa kanila itong pizza na binigay ko.

 

“Nako, Ate. Huwag na ho, kami’y busog na busog na ho. Salamat ho.” sagot ng nakakatanda nilang kapatid.

 

“Sure ba kayo?” tumango naman silang lahat. 

 

“Saan pala mga magulang niyo?” tanong ko sa kanila.

 

“Wala na ho kaming mga magulang, Ate.” napakagat ako sa aking labi. 

 

“I’m sorry to hear that.” was all I said.

 

“Ayos lang, Ate.” sagot nito at nginitian niya pa ako.

 

“So, saan kayo kumukuha ng makakain niyo?” 

 

Hindi ko alam pero parang gusto ko pang makipag kwentuhan sa kanila. Wala naman sigurong masama rito, ano?

 

“Minsan po, Ate, pumunta kami ng” tumigil siya sa kanyang pagsasalita at tila ba ay iniisip niya pa kung ano ang nais niyang sabihin.

 

“Yung may malaking bubuyog?” tanong naman ng kapatid nilang babae. 

 

“Oo ‘yun,” pagsang-ayon naman nito.

 

“Jollibee ba?” tanong ko sa kanila. Tumango-tango naman sila.

 

“Doon ho kami nag-aabang, baka sakali pong may pwede makapagbibigay sa amin ng makakain.” paliwanag ng nakakatanda nilang kapatid.

 

“Gusto niyo bang kumain doon ngayon?” lumaki naman ang mata nila sa gulat. 

 

“Nako, Ate. Huwag na ho. Sapat na ho ‘yung binigay niyo sa amin kanina.”

 

“No, ayos lang naman. Gusto niyo ba kumain doon?” tanong ko ulit sa kanila. Tumango ang batang babae kaya naman ay wala ng nagawa ang kanyang kuya at sumang-ayon na rin ito.

 

Mamaya na ‘yun si Miss President, sila muna ang uunahin ko. 

 

“Tara, pumasok kayo sa sasakyan ko.” pagyaya ko sa mga bata.

 

“Ate, baka madumihan ho ang sasakyan.” sabi ng kanilang nakakatandang kapatid. 

 

“Hindi ‘yan.” tiyak kong saad. 

 

Nasa likuran nakaupo ang mga bata at nakikita ko rin sa kanilang mukha ang tuwa. First time ko rin itong ginawa as in. 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA