Chapter 2

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

“Miss Safanzar,” tawag na naman sa akin ng SSG President ng paaralang ito, na kung maka-utos akala mo talaga siya nagmamay-ari sa paaralang ito e’

 

“Yes, Miss President?” sagot ko rito.

 

Ewan ko ba. Simula kahapon, unang araw namin panay utos talaga siya! Tapos ngayon, akala ko tatantanan na niya ako kasi natapos ko na linisin ang room 035 tapos ngayon, tinatawag na niya naman ako! Pangalawang beses na ito ngayong araw! Grabe na talaga siya. 

 

Ikalawang araw ko pa sa paaralang ito, pero grabe na ang nangyayari sa akin. Kahapon grabe ‘yung paglinis ko sa room kung saan siya nag stay, tapos pinaglinis niya pa ako sa banyo doon, na kahit sobrang linis ay nagawa niya pa rin akong utusan na linisan ‘yon.

 

Padabog akong tumayo sa aking kina-uupuan ngayon. Paano ba kasi ang sama sama na ng tingin sa akin ni Miss President. Hindi ko talaga alam kung ano ang sinadya ko rito. Hindi man lang ako na-inform na talaga linis na pala ako rito.

 

New achievement unlocked i guess? Hindi naman ito ‘yung sinasabi kong great happenings e’

 

Bagama’t okay na rin ‘yon pero mga slight lang. Grabe kasi ang sakit-sakit ng likod ko pagkatapos kong maglinis, pero hindi ko ito sinabi kila Tita baka mag-alala pa ‘yon tapos magsusumbong kay Mama.

 

Officially enrolled na ako, kahapon ng hapon. Pagkatapos kong maglinis nang maglinis ay may dumating din na magandang balita para sa akin. At ang mas masaya pa roon ay sa room 024 pa rin ang room ko at kaklase ko ang dalawa kong kaibigan.

 

“Room 035, now” maotoridad na utos sa akin ni Miss President. Nakakainis talaga siya, alam niyo ba ‘yon? Pumunta lang talaga siya sa room namin para sabihin iyan. 

 

Tss, nag effort pa siya. Hindi naman ka-appre-appreciate.

 

Naiinis talaga ako sa kanya to be honest. Panay talaga siya utos sa akin! Kahapon nga nong pauwi na kami, tinawag niya na naman ako tapos ‘yon, naglinis ako sa garden! Nakakainis talaga siya. As in, buong garden ‘yung nilinisan ko. Tapos siya? Tamang phone lang.

 

Snack time namin ngayon, akala ko nga ay makakasama ko ang dalawa kong kaibigan pero sa kasamaang palad pinapatawag na naman ako ni Miss President.

 

Pumunta na ako sa room 035, para malaman kung ano na naman ang ipapagawa niya sa akin. Iniisip ko palang na may gagawin na naman ako, nakakaramdam na naman ako ng inis. Ngayon palang, parang gusto ko na bumalik sa paaralan ko noon. Hindi ito ‘yung inaasahan ko rito. 

 

“Can you please throw those garbage bags in the garbage bins located at the north building?” 

 

Waiit, ako? 

 

Seriously? 

 

Ako magtatapon ng basura?

 

Niya?

 

Huminga ako nang malalim, “Miss, mawalang galang lang po, ha? Pero bakit ako?” may diin sa pagkasabi ko. Nakakainis na talaga siya. Ginagawa niya ba ito in purpose? May galit ba siya sa akin? At sa anong dahilan naman?

 

“Go ahead and throw all of the garbage bags now. You only have 20 minutes to do that.” aniya at umupo sa malaking sofa na naririto sa room 035. 

 

20 minutes? So, meaning lahat ng oras sa break time ay ilalaan ko lang sa pagtatapon ng mga basura niya? 

 

“Miss, marami-rami ‘yung bags oh,” sabi ko sabay turo pa kung saan ito nakalagay, “Hindi ko keribells ang mga iyan,” makatotohanan kong sabi. Totoo naman kasi parang mabibigat pa ang mga iyon. Tsaka, grabe siya ha hindi nga ako inuutusan ni Tita doon sa bahay nila tapos siya? Panay utos sa akin? Dinaig niya pa si Mama at Tita ah. 

 

Kawawa siguro mga anak nito in the future kasi baka gagawin niya lang itong katulong, o taga-sunod sa kanya. 

 

“You’re wasting your time, Miss Safanzar,” cold nitong sabi sa akin. 

 

Bwesit siya! Bwesit! Bwesit! 

 

Minsan talaga ay gusto ko siyang murahin harap-harapan e’ nakakainis talaga siya, pero hindi ko naman makayanan na murahin siya kasi grabe, ‘yung kagandahan niya umaapaw. Ewan ko rin ba kung bakit ako nagagandahan sa kanya.

 

So sobrang ganda niya, parang hindi niya deserve murahin harap-harapan o should I say, hindi niya talaga deserve murahin.

 

Walang gana kong dinampot ang mga garbage bags, hindi naman pala ito mabigat parang mga papel lang yata ang laman nito pero kay dami-dami. 

 

“Pwede namang siya nalang ang magtapon nito, tsk.” bulong ko nalang sa aking sarili. 

 

Saka ko palang naalala na sa north building ko pala ito dadalhin. Grabe, ilang minuto pa ako makakarating doon para matapon ko ang mga ito. Sinusumpa ko talaga ang babaeng iyon. 

 

Matapos ang pabalik-balik mula south to north building ay naitapon ko na rin lahat ng garbage bags na nasa room 035. I’m so blessed kasi may tumulong sa akin kaya mabilis kong naitapon ang mga basura. Si Ning at Gi kasi ay may ginagawa rin, kaya hindi nila ako natulungan. 

 

Hindi ko alam kung ano pangalan nung tumulong sa akin, pero basta maganda siya tapos mabait pa. Hindi gaya ni Miss President na akala mo, maganda! I mean, oo maganda siya pero ‘yung ugali niya hindi.

 

“Have you already taken your snack?” paano ako makakapag-take e’ panay utos siya? Babaeng ito.

 

“Yes, Miss President. Busog na busog na po ako sa mga utos ninyong walang katapusan” sarkastikong sabi ko sa kanya. 

 

Itong babaeng ito, kung close friend ko ito baka kanina ko pa ito sinampal. How dare she to make utos-utos to me maglinis at magtapon ng mga garbages niya?

 

Wow, after kong maglinis, siya pa ‘yung may gana mainis sa akin. Seryoso ba siya? Anytime talaga mabubura ko ‘yung mga kilay niya. I swear to God!

 

Agad niya akong inabutan ng oreo biscuits. Hindi lang isa, hindi rin dalawa kung hindi lima. Grabe, ito lang ba ang kapalit sa ginawa ko? Seryoso ba siya? After kong magtapon ng basura mula south to north?

 

“Ano ‘yan?” pang gagagong tanong ko sa kanya. Inisin natin ito lalo, para lubayan na niya ako. Malay natin ‘di ba?

 

Hindi niya ako pinansin pero agad niya lang hinulog sa sahig ang mga biscuits na hawak-hawak niya. Kita niyo, ang pangit talaga ng ugali. 

 

Tinalikuran na niya ako at agad na bumalik sa swivel chair niya, “You are free to leave now,” sabi nito na nasa phone na niya ang atensyon.

 

Kinuha ko ‘yung mga biscuits na nasa sahig, dahil syempre biyaya na rin ito, ‘no. At wala na rin akong oras pa pumunta ng canteen para bumili ng makakain. 

 

Pagkatapos kong pulutin ang mga biscuits ay lumabas na rin  ako, hindi na ako nagpaalam pa sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya ako papansinin.

 

...

 

“Ganun na ba talaga siya? Utos nang utos sa mga bagong lipat dito?” tanong ko sa dalawa kong kaibigan. Curious na rin ako sa Presidenti na ‘yon. 

 

Wala pa naman si Ma’am Isacar — na adviser daw namin kaya magtatanong muna ako about doon sa president ng University na ito. 

 

“Hindi,” ani Giselle, “Masungit lang ‘yon pero hindi naman siya panay utos,” paliwanag pa niya sa akin.

 

Edi wow?

 

Bakit sa akin, panay utos siya. Kulang na lang ay gawin niya na akong maid sa room 035 e’

 

“Sang-ayon ako sa sinabi mong masungit siya, pero ‘yung ‘hindi naman siya panay utos’ I disagree because you are wrong,” may diin sa pagsabi ko. Totoo naman kasi, mali ‘yung akala nila. Ako ang biktima, kaya knows ko talaga.

 

“Ano ba kasi ang ginawa mo sa kanya?” biglaang tanong ni Ningning sa akin. 

 

“Excuse me, wala akong ginawa sa kanya, ‘no. Bakit naman ako gagawa ng kung ano sa kanya? Tsaka, hindi ko nga alam pangalan niya” pagpapaliwanag ko rito. 

 

Hindi ko talaga alam pangalan no’n kaya malabo ring may ginawa akong masama sa kanya. At bakit naman ako gagawa ng kung ano rito in the first place?

 

“Bakit, interesado ka na ba sa kanya?” tanong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA