Chapter 18

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

Minjeong’s POV

 

Maaga akong umalis ng bahay namin ngayon, dahil nagugutom na talaga ako. Hindi na rin pala ako nagpaalam sa ate ko. Oo, ate ko siya. Siya kasi unang lumabas kaya Ate ko talaga siya, alangan naman ako diba?

 

Biro lang.

 

Umalis sina Mommy ngayon pumunta silang Cebu dahil aasikasuhin daw nila ‘yung mga papeles ko. Sabi pa nila na lilipat daw ako ng paaralan this second semester. Tumanggi nga ako eh pero hindi pumayag si Mommy, akala mo naman siya ang papasok sa eskwela eh.

 

Biro lang ulit.

 

Gusto ko rin naman dito mag-aral pero mas gusto ko talaga doon. Marami na kasi akong kaibigan doon at isa pa, nagagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin. Pero hindi ‘yung masama ah? Ano lang, cutting class ganun. Hindi naman ‘yun masama kasi after kong mag cutting class, nag p-pray naman ako. Tsaka once a week lang naman ako nag cu-cutting class.

 

Kung merong 21 weeks sa limang buwan, edi 21 na beses lang din ako nakapag cutting class. Hindi naman ‘yan madami, guni-guni niyo lang ‘yan.

 

Pero kahit nag cu-cutting class ako wala akong failing grades nuh! Ginagawa ko pa rin naman ‘yung mga gawain ko sa school, kaso late ko na talaga na su-submit. Pero ano naman diba? At least ginawa ko ang gawain ko.

 

Late is better than nothing nga diba.

 

Nandito pala ako ngayon sa isang napakalaking mall dito. Hindi ko alam kung saan ito, basta mall ito. Alam niyo naman siguro kung ano ang isang mall, nuh? Dito lang, sobrang lawak talaga at isa pa, parang mawawala talaga ako. Hindi ko rin dinala ang phone ko dahil gusto kong i-challenge ang sarili ko.

 

Hindi na rin ako nagpaalam sa ate ko kasi nung kumatok ako sa kwarto niya, wala talagang sumasagot kaya naisipan ko nalang na umalis na lang ka-agad. Muntikan na nga akong mawala kanina nung patungo ako rito, pero ano naman ang silbi ng bibig diba? Kaya ang ginawa ko, nagtanong-tanong ako sa mga nakikita kong tao dito.

 

So far, mabait naman sila. May nag insist pa nga sa akin na ihahatid niya raw ako rito mismo pero tumanggi ako. Kaya ko naman tsaka, madali ko lang naman nakabisado ang directions na sinabi niya kaya hindi na rin ako nahirapan.

 

Kanina ko pa talaga nilibot itong paningin ko pero hindi ko makita kung saan banda ang grocery store nila. Lahat kasi ng food stall dito, closed pa talaga. 

 

Kaumay naman ito, parang china-challenge nga talaga ako.

 

Dahil ramdam ko na ang gutom, nilapitan ko nalang itong si ate girl na nagseselpon ngayon sa may bench. Lumapit ako sa kanya at napapakamot ako sa ulo ko. 

 

Nahihiya akong kausapin siya para kasing importanti talaga ang ka-text niya sa phone niya. Hinayaan ko nalang muna siyang matapos sa pag ta-type tsaka ko na ito kinausap.

 

Sakto naman at tumigil na ito sa pag t-type kaya nagsalita na ako, ”Excuse me po,” sabi ko, umangat naman ang tingin nito at agad niya akong tinignan sa mata.

 

Pak! Ang ganda ni ate girl, parang gusto ko na siyang i-mine.

 

Charot lang.

 

“Umh.. pwede po magtanong?” tumango naman si ate girl. “Saan po dito ‘yung grocery store? Kanina ko pa kasi hinahanap, di ko makita.” nahihiya kong batid sa kanya. 

 

“Doon din ako pupunta, gusto mo ba sumama?” sus, pa as if itong si ate girl, gusto niya lang talaga akong makasama eh.

 

“Ayos lang ba?” nahihiya kong tanong sa kanya. Tumayo naman siya at kinuha niya ang kanyang maliit na shoulder bag. 

 

“Oo naman,” sabi nito at binigyan niya ako ng magandang ngiti.

 

Ang ganda talaga nito ni ate girl tapos ang bait niya pa. Add to heart ko na ‘to in a one second.

 

Nagsimula na kaming maglakad, sinusundan ko lang siya, hindi ko pa naman kabisado ito.

 

“Bago ka palang dito? or first time mo lang makapasok dito?” tanong nito sa akin.

 

Ay ang sakit niya naman magsalita. Parang sinasabi niya na ignorante ako? Alisin ko na siya sa cart ko, nakaka-hurt ‘yung sinabi niya sa akin! 

 

Charot lang.

 

“Bago lang,” sagot ko nalang sa kanya.

 

“Ahh, kaya naman pala.” sabi nito. 

 

Hayst, mamaya nalang kita iba-bash ate girl.

 

Matapos ang ilang minutong paglalakad nakarating na rin kami sa grocery store. Buti naman, ayaw ko na makasama itong si ate girl! Nasaktan talaga ako sa sinabi niya! 

 

Iniinis niya bangz ko.

 

“Salamat po sa pagsama.” pasasalamat ko sa kanya, binigyan niya naman ako ng ngiti.

 

“Wala ‘yun,” sagot nito, ”Dito na ako, ah” kahit sana ka pa, ate girl, wala akong pake.

 

“Sige,” sabi ko, tinalikuran na niya ako at nagtungo na ito sa kung saan nakalagay ang mga prutas.

 

Nagsimula na akong maglakad kung saan nakalagay ang mga chichirya. Bahala na sumakit tiyan ko, mawawala lang din naman ito. 

 

I mean, ang sakit sa tiyan.

 

Nang nakapili na ako ng chichirya, agad na rin akong nagtungo sa mga drinks. Kukunin ko na ito sana itong coke ng may biglang may pumalo sa ulo ko.

 

Shuta ang sakit.

 

“Ano bang problema mo?” tanong ko sa babaeng nakangiti ngayon. 

 

Parang tanga naman ito.

 

Bigla-bigla nalang namamalo amputek.

 

“Ang aga mo yata rito?” tanong nito habang kumukuha ng mogu-mogu. 

 

“Ano naman kung maaga ako rito?” pagpipilosopo ko sa kanya. 

 

Tumingin naman siya sa akin, “Isusumbong kita, ah.” sabi naman nito sa akin.

 

Sino ba ito?

 

Panira siya kamo ng umaga.

 

“Gusto mo ba samahan pa kita?” paghahamon ko sa kanya.

 

“May problema ka ba?” tanong naman nito. 

 

“Oo, may problema ako sa’yo. Bigla-bigla ka nalang namamalo d’yan, akala mo naman inaano ka.” naiinis kong saad sa kanya.

 

“Ang weird mo, okay ka lang ba talaga?” feeling ko kaibigan ito ni Ate. 

 

Sasabihin ko ba na maling tao ang kinakausap niya? 

 

Ay no, baka mahimatay ‘to rito. 

 

“Oo, okay lang ako. Mauna na ako sa’yo nagugutom na kasi ako.” papaalam ko sa kanya.

 

Tinignan niya lang ako ng nagtatanong, hinayaan ko nalang siya at tinalikuran ko na ito agad. Naghanap na rin ako ng counter para mabayaran ko na itong binili ko. Nang makabayad na ako, agad na rin akong lumabas. Sinimulan ko na ring buksan itong mga binili ko dahil nagugutom na talaga ako. 

 

Bahala na talaga kung sumakit ang tiyan ko, minsan lang din naman ito.

 

Maaga pa naman kaya mamaya na siguro ako uuwi sa amin. Marunong naman ako gumawa ng reason, siguro paniniwalaan ako ni Ate. 

 

Hanggang ngayon curious pa rin ako sa babaeng pumalo kanina. Kung kaibigan talaga ‘yun ni Ate, baka ganun din ginagawa niya sa Ate ko?

 

Masakit talaga ‘yung pagpalo niya. I swear to god, kung makita ko ‘yun ulit gaganti talaga ako.

 

Akala niya, ah.

 

 

 

 

 

Winter’s POV

 

 

Kanina pa ako rito sa loob ng condo ni Karina. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nakauwi at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. 

 

Naiinis ako kay Minjeong.

 

Seryoso talaga.

 

Ni-hindi man lang siya nagpaalam sa akin, tapos hindi niya rin dinala ang phone niya. Nakakainis talaga. Tapos may kasama pa siyang babae na akala naman ni Karina na nambabae ako?

 

Napatayo agad ako sa aking kinauupuan ngayon nang biglang bumukas ang pintuan.

 

Si Karina.

 

Meron siyang mga bitbit ngayong plastic.

 

“Baby,” I called her, lalapitan ko na sana siya pero bigla itong umiwas at naglakad patungo sa kitchen.

 

“I don’t want to see your face here.” sabi nito at nilagay niya sa kitchen sink ang mga binili niya.

 

Humarap na ito sa akin, pero ang tingin niya masama pa rin. Kahit naman siguro ako maiinis kapag nakita ko siyang may kasamang iba then when I tried to call her sasabihin niya, “nasa bahay ako” so, naiintindihan ko ang inis na nararamdaman niya ngayon.

 

“But, baby, you should listen to me first.” I said. 

 

“What? You lied to me, Winter.” she said, while pulling out a chair.

 

“I did not.” I reassured her.

 

“I’m not blind, Winter.” naiinis na saad nito sa akin.

 

“I have a twin.” her expression changed, unable to believe what I just revealed.

 

Kailangan niya ng malaman dahil feeling ko, mapapahamak talaga ako kapag hindi ko pa sinabi.

 

“Yung nakita mo kanina, hindi ako ‘yun.” 

 

My girlfriend remained confused, struggling to comprehend it all.

 

“I hope you believe in me.” was all I said. 

 

Tahimik lang si Karina, parang pina-process niya pa ang sinabi ko.

 

“I’m sorry,” her voice broke the silence.

 

I looked at her, “I’m sorry, baby.” she said, she motioned to me na lumapit sa kanya. Sinunod ko naman siya, at agad na akong umupo sa tabing upuan niya.

 

“It’s okay, baby. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko sinabi sayo.” I spoke gently.

 

“How did this even happen?” confused na tanong ng aking girlfriend.

 

Inayos ko ang aking pag-upo ganun din si Karina. Nagsimula na akong mag kwento sa ano talaga ang nangyari. Kung ano man ang kuwento ni Mommy sa akin kagabi, yun lang din ang sinabi ko sa aking girlfriend.

 

“Aren’t you shocked that you have a twin?” my girlfriend asked, umiling ako.

 

“Why?” curious na tanong niya sa akin.

 

“Kasi diba, baby. I witnessed my parents arguing for the first time. What caught my attention last night was Mommy mentioning something about sa kanila ni Daddy. I didn’t anticipate that Mommy would say that I have a twin, kaya hindi talaga ako nagulat dahil mas concerned pa ako about their relationship with Daddy.” I explained.

 

Seriously, mas magugulat pa siguro ako if maghihiwalay sina Mommy and Daddy, that’s what I had in mind last night talaga.

 

“So, you’re expecting na you have a twin talaga?” she asked.

 

I smiled and replied, “I didn’t expect it, but I’m not surprised at all.” my girlfriend simply nodded, acknowledging my words.

 

“Are we okay now?” I inquired, and she responded with a reassuring nod.

 

“Can I get a big hug?” I asked, she extended her arms, inviting me to embrace her without delay.

 

Niyakap ko siya nang mahigpit. Namiss ko siya, namiss ko nang sobra ang aking girlfriend.

 

“Ang bango mo talaga, babe.” I complimented her.

 

“Well,” lumalaki talaga ulo nito kapag ni co-compliment.

 

I stepped back from her embrace and asked, “Kumain kana ba?”

 

She smiled and said, “I bought something to cook.”

 

Immediately, she stood up and walked towards the kitchen sink. I followed her and saw the chicken she had bought.

 

“Do you want me to cook for you?” I genuinely asked her.

 

“No, just sit there,” she declined.

 

“I want to help,” I insisted.

 

“No,” she firmly replied.

 

Wala akong nagawa at nanatili lang akong nakaupo rito habang tinitignan siya sa kanyang ginagawa.

 

“How’s your kapatid, mabait ba siya?” Karina asked as she crushed the garlic.

 

Sobrang bait talaga.

 

“Pwede na,” I said while smiling.

 

Napatigil naman ito sa kanyang ginagawa, “What do you mean?” she asked.

 

“Baby, umalis siya ng bahay na hindi nag paalam sa akin.” sabi ko.

 

“Ah, that’s why she was so early kanina.” sabi naman ni Karina habang patuloy na ito sa kanyang ginagawa.

 

“Tapos nakita mo pa na may kasamang babae.” I said, letting out a sarcastic laugh.

 

“I really thought it was you. You both dress similarly, with short hair and bangs.” Karina explained.

 

“Should I put extension hair so that you can easily recognize me?” I genuinely asked my girlfriend.

 

Umiling naman ito, “No, simply ask your twin sister to grow her hair longer so that it becomes easier for me to recognize you both. I personally find your short hair very appealing and it suits you perfectly. I’m not a fan of long hair or hair extensions for you.” her words warmed my heart, and a gentle blush crept onto my cheeks.

 

“Pero maganda naman long hair baby, and I think you’ll fall even more in love with me,” I said, smiling.

 

She chuckled softly, and replied, “Even if you don’t have long hair, I am already deeply in love with you baby.”

 

Ang hirap naman magpigil ng kilig dito.

 

“Gutom kana ba?” my girlfriend asked.

 

“Hindi pa naman,” I replied.

 

“Malapit na rin ito, just wait, okay?” I nodded with a smile.

 

Ang sarap talaga mabuhay.

 

 

 

 

Ningning POV’s

 

Nandito kami ngayon sa seven eleven. Kasama ko sina Giselle, Yeji, at si Lia. Kaninang umaga kasi meron akong napansin na kakaiba kay Winter at hindi lang ‘yan kasi last day rin parang may kakaiba talaga sa kanila ni Karina.

 

Gusto ko rin naman gumala today kaya niyaya ko itong tatlo, nakakaumay na rin kasi sa bahay. 

 

“Gusto niya pa ba ng siopao?” tanong ni Giselle. 

 

Iba talaga kapag anak mayaman.

 

Sumagot ako ng pabiro, “Gusto ko ikaw,” 

 

Biglang natawa si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA