Chapter 6

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

“Oh, himala ang aga mo ah?” bungad sa akin ni Giselle. Kakauwi ko lang galing school. Hindi pa kasi siya nakapasok, kaya ako lang mag isa kanina. 

 

“Hindi na kasi ako inu-utusan ni Miss President.” walang gana kong sagot.

 

Ewan ko ba. 

 

Dapat nga matuwa ako doon e, pero nakakamiss din pala. Ilang araw na kasi akong hindi nime-message ni Miss President o should I say hindi pinapansin.

 

Nakakapagtaka lang, ewan ko rin kung bakit ko siya iniisip eh wala naman akong pake sa kanya.

 

“Bakit naman?” tanong ni Giselle sa akin. Inilapag ko sa console table ang bag ko, tsaka umupo sa sofa. 

 

“Hindi ko rin alam.” pilit kong sagot. 

 

Wala talaga akong idea kung bakit hindi niya na ako pinapalinis. Siguro nainis lang talaga siya sa akin, or baka marunong na siyang maglinis?

 

Hindi natin alam.

 

“Kumusta pala ang class kanina? Maayos lang ba?” tumango ako bilang sagot. 

 

Hindi ako nakapag-focus kanina kasi si Miss President ‘yung nasa isip ko. Nakakainis nga e, dapat hindi ko siya iniisip pero kusa talaga siyang pumapasok sa isipan ko. 

 

Parang sign ‘yun na miss niya na ako.

 

Charot.

 

“Maayos naman, wala namang masyadong pinapagawa.” sagot ko kay Giselle.

 

“Buti naman kung ganon.” ngumiti lang ako kay Giselle.

 

“Nga pala, Gi.” lumingon naman siya sa akin.

 

“Baka next week lilipat na ako. Sabi kasi ni Mom, malapit na raw matapos bahay namin.” pagpapaliwanag ko sa kanya. 

 

Medyo nahihiya na rin kasi ako rito sa kanila. Wala talaga akong ginagawa, kahit nga pag walis ay hindi pwede eh. Hindi raw kasi ako kasambahay rito, kaya bakit ko raw iyon ginagawa.

 

Sa totoo lang naman talaga ay gusto ko rin tumulong dito. Nakakahiya kasi kung wala akong ginagawa eh, nakikitira nga lang ako eh. Tapos wala pa akong ginagawa, ang kapal naman ng mukha ko nun.

 

“Ganun b? Buti naman.” aniya sabay tumawa. Ang sama talaga ng ugali.

 

“Biro lang HAHAHAHAHAH.” biro lang pero tawa nang tawa. Tsk.

 

“Ha ha” sarkastiko kong pagtawa. 

 

“Maiwan muna kita rito, ah. May pupuntahan muna ako.” narinig kong sabi ni Giselle.

 

“Magaling ka na ba?” tanong ko sa kanya.

 

“Medyo,” maikling sagot nito sa akin.

 

“Saan ka pupunta?” curious kong tanong sa kanya.

 

“D’yan lang. Labas na ako.” aniya at nagpatuloy na nga itong lumabas ng bahay.

 

Naiwan akong mag-isa rito sa living room nila. Ang tahimik ng bahay, wala ring mga maids dahil vacant time nila ngayon. 

 

Ito na naman, pumasok na naman siya sa aking isipan. Hindi talaga siya maalis-alis, papansin ampota. 

 

Dapat, kapag miss niya ako edi kausapin niya ako hindi ba? Hindi iyong pumapasok siya sa isipan ko, baliw na yata siya eh.

 

Charot

 

Parang ako yata itong nababaliw.

 

What if, mag message ako sa kanya? Pero ang kapal naman ng mukha niya, wala naman akong ginawang masama sa kanya. Siya lang naman itong hindi ako pinapansin.

 

Bahala na siya sa buhay niya.

 

Tumayo na ako at pumunta na akong kwarto ko. Parang gusto kong matulog, at para na rin mawala siya sa aking isipan. Nakakainis kasi, pasok nang pasok. 

 

Ilang oras ang nakalipas ay nagising ako dahil sa sobrang ingay ng aking phone. Hindi ko alam kung anong oras na. Kinuha ko ang aking phone at agad kong sinagot ang tawag.

 

“Hello po, sino ito?” tanong ko. Unregistered number lang kasi. 

 

“Sino po ito?” tanong ko ulit. Parang tanga, tawag tawag tapos hindi nagsasalita.

 

“Pinagtitripan mo ba ako?” medyo naiinis na tanong ko. 

 

Nagising lang ako dahil dito? Umay naman.

 

Inis kong binaba ang tawag. Tinignan ko ang oras at malapit na pala mag 8 p.m. ilang oras din pala akong natulog. Napansin ko rin na nag message pala sa akin si Giselle, ang sabi bumaba na raw ako dahil kakain na.

 

Inayos ko muna ang aking sarili at umalis na rin ako ng kwarto ko para pumunta ng dining area. Nagulat ako nang pagkababa ko ay nakita ko si Mommy tsaka si Daddy, nakaupo sila kasama sina Tita, Tito at Giselle.

 

“Good morning, Winter.” pagbirong bati sa akin ni Giselle.

 

Lumapit ako kina Mommy tsaka sa Daddy ko at nagmano ako sa kanila pati na rin kiss sa pisngi. Nagmano rin ako kila Tito at Tita.

 

“Kakagising mo lang?” tanong ni Mommy sa akin. Tumango ako bilang sagot at tumabi na rin kay Mommy ko.

 

“Tita, alam mo ba.” si Giselle, kaya sinamaan ko siyang ng tingin.

 

“Ano ‘yun, Gi?” narinig kong tanong ni Daddy. 

 

Nga pala, hindi ko alam kung bakit nandito sina Mommy at Daddy ko, wala rin naman akong natanggap na mensahe na pupunta sila rito o baka surprise visit lang ito.

 

“Dito kayo matutulog, Mom?” tanong ko kay Mommy ko, si Daddy naman ay patuloy lang siya sa kanyang pagkain. Ganun din naman sina Tito at Tita.

 

“No, uuwi kami after naming kumain. We visited you here, dahil ilang araw ka na rin naming hindi nakikita.” sabi ni Mommy.

 

“Maayos naman ako here, Mom, Dad.” nakangiti kong saad.

 

“Minsan late ka ng nakakauwi, Win, tapos itong si Giselle maaga umuuwi. Pumapasok ba ito?” natawa nalang ako sa tanong ni Tita.

 

Tama si Tita, maaga talagang umuuwi si Giselle kapag may pasok kami. Paano ba kasi, hindi naman siya ang inuutusan ni Miss President maglinis. 

 

“My, nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok these past few days.” si Giselle na ang nagsalita.

 

“What I mean, ‘yung wala ka pang sakit. Napapansin kong mga 3 p.m. palang nakauwi kana, while Winter wala pa rin sa bahay.” ani Tita.

 

Mabubuking yata ako ngayon, ah.

 

“Hindi ba‘t magkaklase lang kayo?” si Tito ang nagtanong. Tumango naman kami pareho. 

 

Tumingin ako kay Giselle, nagsasaad na huwag siyang magsasabi ng kung ano. Ayokong malaman nila Mommy at Daddy na pinaglilinis ako ng maarteng President namin nuh. 

 

“Marami kasi akong ginagawa sa school po, Tita, kaya late na po akong nakakauwi.” pag re-reason ko. Bahala na kung hindi nila paniwalaan, nagsasabi naman ako ng totoo. 

 

“So, ibig sabihin niyan itong si Giselle walang ginagawa sa school niyo?” natawa ulit ako sa tanong. 

 

Kawawa naman si Giselle.

 

“Meron naman po, Tita.” sincere kong sagot. Huwag na natin pataasin ang usapan, baka mabuking pa ako nito.

 

Tinignan ko ang aking wristwatch at malapit na palang mag alas nuwebe ng gabi. Natapos na ang lahat kumain, ako rin nakapagtapos na at kaunti lang ang kinain ko. 

 

Busog na busog na kasi ako sa hindi niya pagpansin sa akin.

 

Charot.

 

Hindi kasi ako gutom as in gutom, kaya konti lang kinain ko. Nawalan din ako ng gana kumain ng marami dahil hindi niya ako pinapansin. 

 

Nakakapanghina kasi.

 

Hayst, bosit talaga. 

 

Siya na lang pumapasok sa isipan ko, parang anytime yata sasabog itong utak ko kakaisip sa kanya. Ganito pala nangyayari kapag hindi ka pinapansin ng isang Karina Isacar. 

 

Nakakabaliw ampota.

 

Umuwi na pala si Mommy at Daddy ko, malayo pa kasi ‘yung bahay nami mula rito. Miss na miss ko talaga sila kaya sinulit ko ang pagpunta nila rito kanina. Tamang kwentuhan lang kami ni Mom, gaya ng ginagawa namin noon. Si Daddy naman, nakikinig lang siya sa mga kwento ko. 

 

Excited na talaga akong matapos ang bahay namin, dahil palagi ko na silang makakasama. Nakakamiss talaga e, hindi ako sanay na mahiwalay sa kanila.

 

Konting tiis nalang, malapit na rin matapos bahay namin.

 

 

....

 

 

Kinaumagahan, maagang umalis si Giselle ng bahay. Ewan ko rin sa kanya, pero sabi niya sa akin may pupuntahan daw siya. Tapos ako, ito nakahiga pa rin. Lumabas lang talaga ako kanina para kumain, tapos after kong kumain ay bumalik na ulit ako rito.

 

Mamayang 10 a.m. pa kasi class namin, ang aga pa para pumasok. Wala rin namang silbi pag punta ko roon ng maaga kasi hindi naman ako pinapansin ni Miss President. 

 

Bahala siya sa buhay niya. 

 

Dapat masaya ako dahil hindi na niya ako pinalilinis pero bwisit naman. 

 

Laro dito, laro doon ang ginawa ko ngayon sa kwarto. Sobrang aga pa kasi at wala akong magawa talaga. Wala naman kaming activity this week, kaya nakakapaglaro ako. Minsan lang din naman ito nangyayari, kaya itodo ko na ngayon.

 

Napansin kong 8:47 na kaya tumigil na ako sa aking paglalaro. Pag ganitong oras, dapat mag p-prepare na para iwas late. 20 - 30 minutes kasi ‘yung byahe tapos minsan traffic pa.

 

Natatakot kasi akong ma-late kasi pinapa-recite

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA